NYX Sa pangalawang gabi ko sa paglilinis sa unit na naka-assign sa akin sa Skyline Villa ay mas lalo akong nainis dahil ang mga books na sobrang tagal kong inayos sa bookshelves ng study room ng may-ari ay nasa ibabaw na naman ng table! Feeling ko ay hindi talaga siya marunong magbalik ng mga libro na ginagamit niya. Sobrang arte pa naman at kailangang organized ang mga libro base sa first letter ng title! “Ang galing-galing gumamit pero hindi marunong magbalik sa shelves!” Iritadong inayos at binalik ko sa shelves ang mga books na nasa ibabaw ng table. May tasa rin ng kape sa gilid ng table kaya pilit na pinahaba ko ang pasensya dahil mukhang nagtrabaho siya ng matagal dito sa study room kaya hindi nagawang ibalik ang mga ginamit na books sa shelves! Kagaya ng gusto niyang mangyari ay

