NYX “Pwede bang malaman ang pangalan mo?” Sa totoo lang ay hindi ako umaasa na tutupad ang customer ko sa napag usapan namin na sasamahan niya ako sa bahay nila Tam para personal na sabihin sa kanya na okay lang ako. Ngayon ay papunta na kami sa Forbes Park para makita ko ulit si Tam at makausap. “Priam,” sagot niya. Kumunot ang noo ko. Hindi naman pangkaraniwan ang pangalan na binanggit niya pero parang narinig ko na yun dati pero hindi ko alam kung kailan. “But I prefer you calling me ‘Baby’ instead of my name,” dagdag niya pa kaya natigilan ako at napalingon sa kanya. Ilang sandaling napatitig ako sa mukha niya. “Just call me ‘Baby’ instead of my name…” Napakurap ako dahil parang may narinig akong nagsalita sa isip ko. Mukhang narinig ko na dati ang sinabi niya pero hindi ko naman

