NYX “You are home now.” His words were like fuel… instantly igniting my anger. Bumilis ang mga hakbang ko palapit sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Natulog ako na nasa Germany pa ako pagkatapos ay magigising ako na nasa Pilipinas na ako. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa na mahanap at iligtas si Zia kaya parang sasabǿg ang dibdib ko dahil sa galit! “Who the hell are you to decide when I go home?!” Sa lakas ng sigaw at ginawa kong pagtulak sa kanya ay halos manginig ang mga kamay ko dahil sa nararamdaman na gigil. Para saan pa ang ginawa kong pagsuway sa mga magulang ko para lang pakasalan siya kung hindi naman pala siya tutupad sa ipinangako niya sa akin? “Who am I?” Nakataas ang kilay na tanong niya. Nakakainis na makita siya na pa

