NYX “Why are you here? I thought you had an appointment–” “I’m here to pick you up,” sagot niya kaya kumunot ang noo ko. “You instructed Lorcan not to wait for you and you even refused to escort you home.” Tinaasan ko siya ng kilay at saka nameywang sa harapan niya. “Ang sabi mo ay hindi tauhan ng mga Van Doren ang lalaking ‘yon, kuya! I can’t believe you even tried to deceive me!” Bahagyang kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. “Lorcan has nothing to do with the Van Dorens, Nyx. Ako ang kumuha sa serbisyo nila ni Matt. You can count on them whenever I’m not around.” “I asked him who’s paying him to do his job and he answered it’s my future husband!” Gigil na paliwanag ko. “Wala naman akong ibang mapapangasawa kung hindi si Kiran, kuya! Unless patayìn ko siya para magkaro

