NYX Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ako simula kaninang umalis ako sa bahay nila Tam. Dahil biglaan ang pagpapalayas sa akin ng Mama niya ay wala man lang akong nadala na kahit na anong gamit. Wala rin akong pera kaya kahit na kanina pa may mga dumadaan na sasakyan sa harapan ko ay hindi ko magawang parahin dahil wala naman akong pamasahe. Bumuntonghininga ulit ako at napatingin sa card na binigay sa akin ni Tamiko. Kanina ko pa iniisip kung paanong nakilala ni Tamiko ang Lorcan na ‘yon lalong lalo na kung paano niyang nalaman na wala akong mapupuntahan! Kahit si Angelina at ang ibang naging kasama ko sa mga raket ay hindi alam ang sitwasyon ko. Kaya paanong nalaman ng Lorcan na ‘yon ang tungkol sa akin? Sino ba talaga ang lalaking ‘yon? Nasa kalagitnaan ako ng pa

