NYX
Sa buong oras na nandito ako sa unit ni Zia ay hindi ako mapakali dahil sa mga video na sinend sa akin ni Kiran. I know that staying here will only put Zia’s life in danger. Kapag nalaman ni Kiran na siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakasipot sa dinner namin ay siguradong mapapahamak din siya dahil sa akin. At hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Zia dahil sa akin.
Pero paano ko naman siyang iiwanan dito kung alam kong may tendency na ituloy niya ang gusto niyang gawing pagpapakamātāy?
“Why is my life so fūcked up?”
Kulang na lang ay sabunutan ko na ang sarili dahil sa frustration na nararamdaman.
“Hmmm…”
Gumalaw at umungol si Zia kaya agad na kumilos ako para lapitan siya. Nakahawak siya sa ulo at mukha pang nahihirapan na idilat ang mga mata kaya hinawakan ko ang braso niya at ipinaramdam sa kanya ang presensya ko.
“Zia, it’s me Nyx. Are you alright?” marahang tanong ko. Pinili ko na ‘wag iparamdam sa kanya na sobra-sobra ang pag-aalala ko dahil sa nangyari sa kanya kanina. Ayaw kong makita niya na pagkatapos ng ginawa ni Kiran ngayong gabi ay parang gusto ko na rin na gayahin ang ginawa niya. Ayaw kong makita niya na nanghihina ako ngayon dahil sa sobrang pagkadismaya sa naging desisyon ng mga magulang ko na magkaroon ng koneksyon sa mga Van Doren.
I don’t want Zia to see how much I wanted to take my own life too after what happened tonight. Dahil walang ibang pwedeng dumamay sa aming dalawa kundi ang isa’t-isa lang.
Nang sa wakas ay nagawang idilat ni Zia ang mga mata niya ay tuluyan na siyang humagulgol nang makita ako. I tried so hard to control my emotions. Gustong-gusto ko na ring umiyak pero ayaw kong sabayan siya ngayon. Kapag nakita niyang umiyak ako ay siguradong manghihina siya lalo at mawawalan ng lakas na magpatuloy.
I cleared my throat and tried my best to hide my emotions. “Zia, always remember that you are not alone. Nandito lang ako parati sa tabi mo. Kung may problema ka, kayang-kaya nating dalawa ‘yan basta magkasama tayo,” tuloy-tuloy na sambit ko at saka yumuko para yakapin siya. Pigil na pigil ko ang sarili na umiyak lalo na nang mas lalong lumakas ang hagulgol niya nang yakapin ko siya.
I can feel how heavy the burden she’s carrying at the moment. Kahit hindi niya pa sinasabi kung ano ang pinagdadaanan niya ay nararamdaman kong mabigat lalo na at hindi pa siya kahit kailan umiyak ng ganito sa akin.
“It’s okay, Zia. It’s okay.”
Paulit-ulit ko siyang sinasabihan na ayos lang ang lahat. Na kung ano man ang pinagdadaanan niya ay malalampasan niya rin. Malalampasan din namin, dahil kung ano man ang pinagdadaanan niya ay kasama niya ako kahit na anong mangyari.
Hinayaan kong umiyak nang umiyak si Zia hanggang sa gumaan ang loob niya. Bago ako umalis sa tabi niya ay sinigurado kong maayos na ang pakiramdam niya at hindi na niya susubukan na gawin ang ginawa niya kanina.
“Is it okay for you to go home alone at this hour, Nyx?”
Parang bumalik na si Zia sa dati kaya nakampante na ako na iwanan siya. Pero nang makita kong maayos na siya ay saka lang ulit nag sink in sa akin ang sarili kong problema.
Of course, it is not okay for me to go home alone at this hour. Bukod sa hindi ko pagsipot sa usapan namin ni Kiran ay siguradong ang galit ni Daddy sa sasalubong sa akin pag-uwi ko.
Pinilit kong ngumiti kay Zia. I didn't want to worry her so I acted as my usual self.
“Alam mo namang kayang-kaya kong suwayin anytime ang parents ko ‘di ba? Walang makakapigil sa mga gusto kong gawin!” Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa kanya.
That’s it, Nyx. Laugh as if you don’t care about your family and don’t let other people, especially Zia, to see the struggle behind your mischievous smile.
“I know, I know…” Naiiling na sambit niya kaya mas lalong lumuwang ang ngisi ko. Hinatid niya pa ako sa labas ng unit niya kaya mas lalo kong pinakita sa kanya na okay na okay ako.
“Bye, Doc. Zia! See you tomorrow!” Masiglang paalam ko sa kanya. Natatawang kumaway lang siya sa akin bago tuluyang sinara ang pinto ng unit niya.
My smile faded the moment she closed the door. Huminga ako ng malalim at saka kinuha ang phone sa bulsa para tawagan ang isang tao na posibleng magsalba sa akin sa galit ni Daddy.
“Kuya–”
“Are you in trouble again?”
Kakasagot niya pa lang sa tawag ko ay mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ako tumawag sa kanya. Ngumisi ako.
“Can you feel it?” natatawang tanong ko.
“You only call me when you’re in trouble,” reklamo niya kaya mas lalo akong natatawa. Kapag tinatanong ako ni Zia kung ano ang pakiramdam na merong kuya ay halos wala akong masabi na maganda tungkol kay Kuya Filipp. We aren’t close but I can feel that he cares for me a lot. Hindi ko masabi na masaya ako na meron akong kuya pero hindi ko rin naman masabi na ayaw ko sa kanya.
“Come here and pick me up,” diretsong sambit ko. Alam kong alam na niya ang dahilan kaya ako nagpapasundo sa kanya. Nagmura siya at mukhang handa nang matulog pero dahil inistorbo ko siya ay napilitan siyang bumangon para sunduin ako.
“You owe me a lot and I am going to demand payment this time,” sambit niya habang naririnig ko siyang bumabangon at mukhang naghahanda sa gagawing pagsundo sa akin.
“Sure! Magkano ba? You know doctors earn well–”
“I’m not talking about money, Nyx. It’s a favor,” sambit niya. Tumaas ang kilay ko. Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na hihingi siya ng pabor sa akin!
“Wow, Filipp Larsen! I’m honored to fūcking do you a favor!” Sarkastikong bulalas ko. Hindi siya nagsalita kaya mas lalong tumaas ang kilay ko. Hindi talaga ako makapaniwala na seryoso siya sa paghingi ng pabor sa akin!
“Oh, my God! Are you fūcking serious about asking me a favor, kuya?!” Hindi pa rin makapaniwala na bulalas ko.
“Hell, yeah…” Mariing sagot niya kaya mas lalo akong napamaang at umayos ng tayo.
“What favor is that? Damn! I’m so thrilled to find out!” excited na bulalas ko.
“Prazia Revamonte,” sambit niya. Natigilan ako nang marinig ang pangalan na binanggit niya.
“Bakit? Anong kailangan mo kay Zia?” agad na usisa ko. Kilala na niya si Zia dahil hindi lang naman isang beses na pumunta siya sa bahay namin.
“Stop her from leaving the country,” mariin at seryosong sambit niya. Ilang sandali pa akong natigilan bago naalala na aalis nga si Zia para sa CME niya. Pero bakit ko naman siya pipigilan kung kailangan niyang umalis?
“I can’t, kuya. Kailangan niyang umalis–”
“She’s currently pregnant,” sambit niya. Mas lalong natigilan ako at sobrang nabigla dahil sa narinig ko.
“What?! Are you nuts, kuya?!” Bulalas ko. Gigil na nagmura siya kaya namilog ang mga mata ko.
He’s fūcking serious!
“W-who’s the father of her child? Wala naman siyang boyfriend–”
“It’s me. I’m the father of her child, Nyx…” pag-amin niya kaya tuluyang napamaang ako at halos mabitawan ang phone na hawak ko.
Shìt!