NYX Hindi malinaw sa ilang entries sa diary ni Zia kung ano talaga ang relasyon na meron sila ni Kuya Filipp. She didn’t directly write their status after she caught him leaving flowers on her table. Her next entries after that incident weren’t about Kuya Filipp anymore. Kaya naghanap pa ako ng ilang entries na binanggit na niya ulit si Kuya Filipp dahil masyado akong na-curious kung ano na ang nangyari sa kanila pagkatapos. I met Zia around March 2016. Hindi ko alam kung alam niya na noon na magkapatid kami ni Kuya Filipp. Wala kasi akong matandaan na binanggit niya ang kuya ko bago ko pa siya kusang binanggit sa kanya. December 8,2015. I received a call from the hospital about my transfer. Sa totoo lang ay sobrang biglaan lang ang tawag dahil ang alam ko ay sa March pa ako babalik sa

