NYX Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nina Daddy at ni Kiran pero nang umalis si Kiran sa bahay ay nagwawala siya at pinagbabaril ang ilan sa mga tauhan ni Daddy na kasama namin dito sa bahay. Kung hindi ako nakahawak sa banister ay siguradong nagpagulong gulong na ako sa hagdan dahil sa biglaang panghihina lalo na nang makita kong bumalik si Daddy dito sa loob na duguan ang balikat at halatang sinaktan ni Kiran. “Nyx! Ayos ka lang ba, Hija?” Ang matandang kasambahay namin dito sa bahay ay agad na nilapitan ako at inalalayan pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi nasa kay Daddy na ngayon ay mabilis na naglalakad palapit sa akin. The anger in his eyes is very evident. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung ano ang dahilan ng galit ni Kiran. Sa kotse pa lang kanina ay wala ng

