NYX Kagaya ng inutos ni Priam kay Matt ay araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo sa YM Hospital. Ngayon ay magtatatlong buwan na ang tiyan ko at sobrang nagpapasalamat ako dahil bukod sa minsang pag-crave ng mga pagkain ay wala akong nararamdaman na kahit na ano. But the doctor advised me not to overworked myself. Kagabi ay tinawagan ko si Kuya Filipp at sinabi na sa kanya ang kalagayan ko. Kahit kina Daddy at Mommy ay balak ko na ring sabihin pero inuna ko munang sabihin kay Kuya Filipp. “That bastard can’t really just focus on one thing!” Mariing mura niya nang sabihin ko na si Priam ang ama ng ipinagbubuntis ko. Lumapit ako sa kanya at saka sumubok na pakalmahin siya. “Kuya, nandito na ‘to eh. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin,” marahang paalala ko. Tumahimik siya saglit

