RAD Honestly, I really don't know what to do with my life anymore. Here I am drawing circles sa table ng aking OB dahil kailangan ko na magpatingin, kahit pa ba ayaw ko ay pinuwersa ako ng dalawa kong magaling na kaibigan. Saglit na consultation lang naman iyon, agad na din nila akong hinatid sa trabaho ko after. Yumapos ako kay Chef Da nang makapasok ako sa kitchen. "Oh? Anong problema?" Tanong niya nang may pag-aalala sa boses niya. "Miss ko na si Mika." Malungkot kong sabi at inilagay ang ulo ko sa dibdib niya saka humikbi. "Chef, tapos na ba yung today's special?" Biglang pasok ni Rhian sa kitchen. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Pinapasahod kayo ng kuya ko kaya magtrabaho kayo." Masungit niyang sabi kaya nagpahid na ako ng luha. "Pinapakulo ko pa yung sauce, sasabihan ko na l

