RAD
I was trying a new recipe with Chef Da nang kalabitin ako ng isa sa mga kasamahan ko dahil pinapatawag daw ako ng manager, and by manager, ni sir. Marco. Inayos ko muna ang sarili ko bago magpunta sa kung nasaan man siya.
Kumatok naman muna ako sa office niya. "Sir?"
"Come in." sagot nito kaya pumasok na ako.
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?"
"Yes. Please sit down." nagslouch naman siya at pinagtagpo ang mga kamay niya. "So, how are you?" tanong niya na ikinataka ko naman.
"Po?"
"How are you? How's work? Are they treating you fine?"
"Everything is fine sir, Chef Da is really being patient with me." sabi ko with a smile, mabait kasi ang mga tao dito.
"That's good to hear." He smiled. Tho ang intimidating din ng aura niya like his sister, he really seemed so friendly when he smiles.
"Kuya." his sister barged in at napatingin naman ito sa akin. Naningkit naman ang mga mata niya, maybe she's trying to remember kung saan niya ako nakita. Nginitian ko lang siya ng bahagya. "I remember you. Ikaw yung patient ni Mika right? You're working pala here."
"Kinikita mo pa din yun?" tanong ni sir.
"Who I date shouldn't concern you brother. Mahal ko si Mika and not even you could stop me." stern na sabi ni Rhian as I remember her name. "Oh by the way, dumaan lang ako because I left my pouch. May dinner date pa kami ni Mika." she grinned before kissing him sa cheeks at umalis na.
Napailing na lang si sir Marco at napahawak sa noo niya. "Sorry for that, matigas talaga ulo ng kapatid ko. Ikaw ba? What would you do?"
"Doctor Weird is a nice person." pagtatanggol ko kay Mika because she is, she really is. "Ano po bang problema niyo sa kanya?"
"Wala, sige na makakabalik ka na sa trabaho mo." he smiled.
Tumango na lamang ako at umalis na. Bumalik na din ako kay Chef Da at itinuloy na ang ginagawa naming experiment. Quarterly kasi may inilalabas silang special menu which would be available sa loob ng 3 months.
*****
I cracked my neck, it's been a long and tiring day. Tinanggal ko na rin ang apron ko at inilagay na ang mga gamit ko sa aking shoulder bag. Nagpaalam na rin ako sa mga kasamahan ko at agad nang umuwi para makapagpahinga, Friday pa naman din kaya traffic.
Hindi ko na rin madalas na napapanaginipan yung reincarnation shits na sinasabi ni Doctor Weird, buti na lang nga dahil malapit na akong mabaliw dahil sa nangyayari sa mga taong napapanaginipan ko. Excited ako na natatakot kung sino ba yung nasa panaginip ko, paano kung hindi ko gusto yung taong nasa panaginip ko, should I go for him or nah? Paano kung bago ko mahanap mainlove ako sa iba? Madaming katanungan sa isip ko na hindi ko na rin alam kung paano sasagutin.
*Ting
Doctor Weird
Mikaela: Hi Rad, anong oras
tayo bukas? ☺️
Raine: May date ka ba ulit?
M: Wala po. Had my date
today kasi ayoko naman
madaliin ka bukas. ☺️
R: Ayieeee ❤️
M: Baliw.
R: Pwedeng hapon? Baka kasi
di ako magising ng maaga.
Naging busy sa restau nung
hapon. Sorry doc. Ang hassle
sayo, may iba pa bang
available na doctor? ☹️
M: Gusto mo mag switch
doctors? Nakakaoffend.
R: Hala! I didn't mean to
offend you doc. Ang
hassle kasi sayo ☹️
M: Di ka hassle okay?
Never ka magiging
Hassle for me. See
you sa hapon, I'll be
there. Goodnight Rad
and have a good sleep.
R: Doc galit ka? Sorry.
Hindi na siya nagreply kaya iniisip kong tadtarin siya ng text kaso baka ma-annoy siya sa akin kaya hindi ko ginawa. Nagbalak din ako tawagan siya pero kapag pipindutin ko na ang call button ay hindi ko maituloy. Babawi na lang siguro ako bukas.
*****
Ala una ako dumating sa clinic niya at sarado pa iyon kaya matyaga akong naghintay sa labas, alas dos na siya dumating. Agad naman niya akong pinapasok nang mabuksan niya ito. She's still wearing her big round glasses which doesn't really suits her. I wonder how she looks like without her glasses on.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya kaya nahiya ako bigla dahil nakatitig na pala ako sa kanya.
"W-wala po." sagot ko. Ang sungit niya ngayon.
"So nakahanap ka na ng ibang doctor?" Tanong niya with a boring look.
"Mika naman e. Hindi na nga, wag ka lang magalit. Sorry na." I pouted at tumingin naman ito sa mata ko sabay baba nang tingin sa dibdib ko kaya tinakpan ko iyon. "Wag 'to." Sabi ko at natawa naman siya.
"Sayang." Saka siya umismid. Siraulong 'to.
"Bati na tayo?" Tanong ko pero tinawanan niya lang ako at naupo na sa harap ko. "Sorry na kasi."
"Rad, wag ka na maingay." Nginitian naman niya ako at inilabas na ang pendulum niya. "You know the drill."
*****
Someone was on top of me at pareho kaming naghahabol nang hininga.
"I love you" Bulong niya bago halikan ang pisngi ko.
"I love you too." Unti unti siyang umalis sa pagkakapatong sa akin at nahiga sa tabi ko.
"Mahal" Pag tawag niya sa akin.
"Hmmm?"
"Masarap ba?"
Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya ng nakakaloko. Tinampal ko naman ang mukha niya dahil namumula ako.
"Uyy namumula. Nasarapan ka ng sobra noh?" Pang aasar niya.
"---- nga!" Hinampas ko siya.
"Wag mo na ko hampasin. Puro na nga ako kalmot sa likod oh. Mamaya gugupitan ko yang kuko mo para hindi masyado masakit sa likod pag kinakalmot mo na ako sa tuwing sarap n-"
Tinakpan ko naman ang bibig niya dahil mahalay na ang lumalabas dito.
*****
Nagising ako at agad na napayuko. Putang ina?! Nakakahiya! Bakit iyon?! Hindi ko matingnan si Doc sa mata dahil hindi ko alam paano ako nagkukwento pag tulog.
"Ang init gurl." Sabi bigla ni doc kaya inabot ko yung binti niya para kurutin nang hindi siya tinitingnan.
"Nakakahiya. Ano ba yang hinahalungkat mo sa panaginip ko!" Singhal ko sa kanya at tumawa lang siya.
"Pinagpawisan ako, ang intense! And on top of that, nagising ka on your own." Natatawa talaga siya ng bongga kaya muli na lang akong napayuko. "Your past life surely loves making love ano?" Tanong pa niya.
"Maharot siya! Kainis!"
"Didn't know that angelic face of yours could be that wild in bed." Komento niya dahilan para mamula ang mukha ko.
"I hate you." Tumayo ako at inihampas ang shoulder bag ko sa kanya. Paalis na sana ako nang itaas niya ang palda ko gamit ang paa niya.
"Bayad mo oy. Red looks hot, kaya siguro ganun yung panaginip mo ngayon." Feeling ko umuusok na takure na ngayon ang mukha ko. I shouldn't have worn skirts, I'll take note of that.
"Bahala ka sa buhay mo!" Singhal ko at tumalikod pero hinigit niya ako at pinaupo sa lap niya. Agad naman akong napaiwas nang tingin. "Perv day mo ba ngayon ha?" Tanong ko dahilan para matawa siya.
"Wag ka na magbayad, I'll treat you today." She smiled.
"You're being weird today." Sabi ko at tinampal ang noo niya saka tumayo.
"I am always Weird." Saka siya tumawa. "I am Doctor Weird incase you've forgotten." Tumayo naman siya at humawak sa bewang ko.
Hindi na ako nakapalag pero inabot ko pa din yung Apples na binili ko sa kanya. She gladly took it na para bang dun nakadepende ang buhay niya. I looked at her as we walk towards her car, she's gentle pero pervy, she's kind pero minsan masungit, and she's kind of cute, and gorgeous as well.
Nakita ko naman na puno ng colors, coloring books at mga laruan ang backseat ng kotse niya kaya tinanong ko siya kung kailan niya balak pumunta sa mga bata. Dapat daw next Wednesday pa pero nagtext si sister sa kanya na hinahanap ako ng mga bata kaya dun niya daw muna ako dadalhin ngayon.
Hindi ako tumanggi, sino ba naman ako para ipagkait yung maliit na request ng mga bata? Sabi ni doc, sila yung mga batang na-abuse, not just physically but mentally and emotionally as well.
"Kanino ka pinakamalapit sa mga bata?" Tanong ko, baka kasi meron.
"Kay Rachel." Walang patumpik tumpik niyang sagot. "Yung batang palaging mag-isa na may hawak na teddy bear."
"Anong story niya?"
"Her parents died in a car accident kaya napunta siya sa tita niya. Syempre bata, nangungulila, palaging umiiyak. Tuwing umiiyak siya, sinasaktan siya nung tita niya." Bakas ang dismaya sa mukha niya. "I wanted to keep her sana but I can't, hindi ko siya maalagaan tsaka madaming magseselos na bata."
"I see, close ka talaga sa kanila noh?"
"Nakakatuwa nga e, pag may inaampon sa kanila tinatawagan ako ni sister para makapagpaalam and yes, close kami. I know all of their names." Nakangiti niyang sabi. Mukhang mahilig nga siya sa mga bata. "Malungkot mamaalam pero masaya ako na may bago na silang pamilya."
Napatango na lang ako at marami pang tinanong sa kanya. Nang makarating naman kami ay tinulungan ko na din siya dalhin yung mga pinamili niya or bigay ng mga patients niya. Pati yung Apples na binigay ko ay binahagi niya pero nagtira siya ng dalawa. Mika was busy playing with the others nang kinalabit ako ng isang bata.
"Hello po." Sabi niya.
"Hi, anong name mo?" Tanong ko.
"Rachel po." So she's the little girl Doctor Weird was talking about. She's such a cutie kaya binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko.
"Bakit ayaw mo doon?" Sabay turo ko kung nasaan si Mika.
"Busy po si ate." Saka siya yumakap sa leeg ko. Selosang bata naman pala ito.
Nagkwentuhan lang kaming dalawa at dinala ko na din siya sa kumpol ng mga bata. Nahihiya siya pero I urge her to play with them. It was 6 pm na din nang yayain ako ni Mika para magpaalam dahil kakain pa kami.
Ako ang nagdecide kaya sa isang simpleng kainan ko lang siya dinala. May table for two, kandila at sa labas ang venue. Ako na ang umorder ng food para sa aming dalawa.
"Ah, aren't you the romantic type?" Natatawa niyang tanong. "I'll consider this a date then." She smiled at nagde-cuatro habang naka cross-arms.
"Whatever doc." Inis kong sagot sa kanya. "Kilig ka naman idinate ka ng crush mo?" Naibulalas ko kaya agad akong napahawak sa bibig ko. Ang daldal!
She didn't even flinch, like wala lang sa kanya na alam ko. "Magugulat ka pa ba sa ganun? Rad your name suits you. Athena, a goddess, wala na tayong dapat pag-usapan dun palang. Hindi na dapat bago sayo na may taong may crush o gusto sayo. Di ka pa ba nasanay?" Plain niyang tugon. "Oo, crush kita, so?" Umismid naman siya bago uminom ng tubig.
"Wala." Napaiwas na lang ako nang tingin. Narinig ko na lamang ang pagtawa niya.
"You are adorable." Sabi niya at nakita ko sa aking peripheral view na nagpangalumbaba siya habang nakatingin sa akin.
Dumating naman ang order namin at agad niya nang iniba ang usapan pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko yung sinabi niya. Ang gusto ko na lang itanong sa sarili ko is, bakit ako kinikilig?
"Nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong niya at umiling ako. Naglalakad lang kami ngayon dito malapit sa apartment ko. "Girlfriend?" Natawa naman ako at umiling din. "Sa ganda mong yan? Ano yun? Joke?"
"Hindi nga, kulit." Sagot ko.
She shrug. "Masarap mainlove, pero hassle lang pag nag-aaway. Masaya din kapag sinusuyo." She smiled naman nang tumingin sa akin.
"Miss mo na?" Tanong ko. I was so anxious to know her reply at hindi ko namalayang nakabalik na pala kami dito sa apartment ko.
"Di ko sure. Hawakan mo nga." Sabay nilahad niya ang palad niya kaya ipinatong ko ang kamay ko doon. "Wow literal ngang hawak." Natatawa niyang sabi.
"Ano ba?"
"Ganito." Sabay dahan dahan niyang pinag-intertwine ang mga kamay namin.
Gusto kong sumigaw pero hindi ako makahinga. Gusto kong gumalaw pero napako ako. Gusto kong kunin ang kamay ko pero nagrarambol ang tyan ko. Gusto ko siyang tingnan pero hindi magkamayaw ang puso ko. Her hand fits mine perfectly, akala mo hinulma na pares ng kamay ko.
"Nakakamiss din, pero iba pa rin kapag special sayo." Ngumiti lang siya at ibinalik ang tingin sa kamay naming magkahawak. "Time will come, para sayo saka para sa akin, let's enjoy na lang muna." Binitawan niya na ang kamay ko at nagpaalam.
Papasok na sana siya ng kotse niya nang hatakin ko ang laylayan ng damit niya dahil nahihiya akong tingnan siya.
"Bakit?"
"Ingat ka." Pag-angat ko nang tingin ay agad akong humalik sa pisngi niya at nagtatatakbo papasok sa loob.
Sa kakamadali ko ay natanga ako. Alam kong nahagip ng gilid ng labi ko ang gilid ng labi niya. Nakakahiya! Sa pagkakaalala ko, siya ang Weird sa aming dalawa so why am I the one acting weird? Nasisiraan na ata ako ng bait kaka therapy ko kay Doctor Weird.