V:

2009 Words
Rad Nakarating na kami sa tinutuluyan ko, pinagbuksan naman ako ni doc ng pinto ng kotse. She even offered her hand, hindi ako nakatanggi dahil nakakahiya. "Sino kasama mo dito?" Tanong ni doc habang tinitingnan ang apartment na tinutuluyan ko. May tatlong palapag pero sa first floor naman ako. "I live here alone." Sagot ko. "Lock your doors, mahirap na." Tiningnan naman niya ako pero hindi ko siya matingnan pabalik dahil sa narinig ko kanina. "Thank you, ingat kayo pauwi." Sagot ko at nang makita kong naglakad siya papalapit sa akin ay natuod nanaman ako. "Goodnight." Sabi niya saka bumeso sa akin. "Bye Raine." Sabi naman ni Bea. Hindi na nila inantay ang sagot ko at bumalik na sa kotse. Si Doc na ngayon ang nasa driver's seat. Bea waved her hand at saka sila umalis. I found myself stuck standing there dahil sa ginawa ni doc. Oo sige, inamin niyang crush niya ako pero bakit ako ang natotorete sa aming dalawa? Hindi ba makapaniwala ang systema ko na isang magandang nilalang ang may crush sa akin? Isa pa, crush lang naman yun Raine, anong big deal? Napailing na lang ako at nakumbinsi na din ang sariling gumalaw para makapasok sa loob. Nang makahiga ako ay tumunog naman ang phone ko. From: 09xxxxxxxxx Hi Rad, Doctor Weird here. Have a good rest, mukhang napagod ka e. Goodnight and see you next week. Sabihan mo lang ako kung kailan ka pupunta. Take care.  ~ M.A Iniisip ko kung dapat ba akong sumagot, hindi ko kasi alam ang sasabihin. Sinubukan kong magcompose ng text para sa kanya. Nakailang bura din ako dahil hindi ko alam kung tama bang i-send iyon sa kanya. In the end isang short thank you message na lang ang binigay ko at isang emoji din sa dulo pero mali pala ang napindot ng kamay ko. Agad ko namang pinagsisihan iyon pero nasend na ang message ko. To: Doctor Weird Thank you for today doc, and sa paghatid sa akin. Ingat kayo.  Napatakip na lang ako ng mukha sa kahihiyan. Of all emojis to send, bakit kiss emoji? Kumuha ako ng unan at sumigaw doon sa kahihiyan. Hindi ko na binawi dahil baka kung ano pang isipin niya. Doctor Weird No worries. Update  me na lang.  Okay po, goodnight  Doctor Weird ☺️ Have you had a  change of heart?  Parang ang bait mo today e? Nakakatakot. What a meany!   Joke lang  good night Ms. Dawson. Goodnight doc.  For some annoying reasons, gusto pa pahabain ang usapan namin pero nakakahiya dahil anong oras na din, I really need some rest. ***** Jia I'm having lunch with my officemates today. Masaya lang kaming kumakain habang nagkukwentuhan, gaya nang nakagawian ay dadaan kami sa isang Ice Cream stall. Nauna na ang mga kasamahan ko dahil inayos ko pa ang sintas ng sapatos ko. Hindi naman need mag ayos kaya I settled sa simple clothes. Someone  stood before me kaya nang matapos ako ay nag-angat ako nang tingin only to see a Weird doctor smiling awkwardly. "Hi." Bati niya sa akin. "What do you want? Sinusundan mo ba ako?" Annoyed kong tanong sa kanya. "Look Ji, I am really sorry. I'll do everything for you to forgive me." She smiled apologetically. Agad akong nag-iwas nang tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang ngiti niya. "I have work to do Beatriz." sabi ko and walked past her. "Ji." Hinawakan naman niya ang kamay ko. f**k you Beatriz. "I really am sorry." "Beatriz, I am no one to you. Why do you need my forgiveness?" "Kasi..." natigilan naman siya. Wala naman siyang reason. "Haaay." "I have no grudge against you okay?" I smiled at her. "Hindi ako galit kahit ang gago mo before. All I wanted was a friend because I found you fun to be with. Actually, naiinggit ako sa mga kaklase nating ka-close mo. I never wanted to compete with you Bea, I wanted to be your friend, but you never saw me as one." I tapped her shoulder at tuluyan nang umalis. Sumakit ang dibdib ko sa nangyari, pero kailangan kong panindigan 'to. I don't want an old feeling resurface. I want Beatriz out of my life for good. ***** Rad First day of work kaya naman maaga akong pumasok, nakakahiya naman kasi kung male-late ako. Ang welcoming ng mga tao dito lalo na si Chef Da, sobrang cool ng personality niya at hindi siya gaya ng dati kong kasama sa work na iniisip lamang ang sarili. "Oh, so you must be the newly hired?" Tanong ng isa sa manager. "I'm Marco Reed and you are?" He offered his hand. "Raine Dawson." I smiled at kinuha ang kamay niya for a handshake. "Nice meeting you Raine." He kissed the back of my hand causing my face to turn red. "Mauuna na muna ako." Tumango na lang ako at itinuloy na ang  ginagawa namin. More on familiarization pa lang naman ako sa mga tao dito and their recipe, Chef Da thought me personally, mabait talaga siya. The day went on, halos alas nuebe na ako nakauwi sa tinutuluyan ko dahil sa traffic. Manila sucks, and that's a f**k fact. Agad na akong naligo para naman makapagpahinga na rin ako agad. Nang matapos ako ay nahiga na rin ako at kinuha ang phone ko to text Doctor Weird. Doctor Weird Raine: Hi doc! 7 pm pa out ko  bukas. Baka 8 pm na ako  makarating, okay lang ba? Mikaela: Kailan ka ba free? R: Weekends lang e. M: Then sa Saturday na  lang para hindi ka  gabihin. ☺️ R: Hala... Di ba  closed ka nun? M: Closed na din naman  na ako ng 8 pm ah?  M: Anyway, Saturday na  lang. Malayo clinic sa  apt. mo e. Morning okay  lang ba? R: May karapatan ba  akong tumanggi?  N: Pwede naman kung  tulog ka pa nun, kaso  may lakad kasi ako sa  hapon this Saturday. We doctors have time  for a date pa naman.  Nawalan ako bigla nang gana magreply, edi siya na may date. Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa kisame, nakaramdam ako nang dismaya sa hindi malamang rason. Wala akong crush kay doc, bakit ako maiinis na mayroon siyang ka-date diba? Muli namang tumunog ang phone ko. From: Doctor Weird Pahinga ka na. Goodnight Ms. Dawson. See you on Saturday, at 9 am. Also,  and   Gago pa din pala talaga. Napailing na lang ako kasabay nang pagngiti ko nang bahagya. Itinabi ko na ang phone ko, I decided na wag na magreply since yun naman na yun. Baka isipin niyang gustong gusto ko siya kausapan, hindi naman kasi... Uhm, konti lang. As in konti lang talaga. ***** My first week in work was fun naman, the people at my work are really nice and friendly. I'm really glad to find that place, kahit malayo at nakakapagod ay okay lang naman. Ang malas nga lang dahil late ako nagising, kaya halos sumpain ko na ang sarili ko dahil hindi ako nakadaan para bilhan siya ng Apple. "Doc, sorry." Bungad ko sa kanya habang humahangos. May traffic kasi dalawang kanto mula rito kaya kinailangan kong takbuhin. "No worries, upo ka muna." Sabi niya at kumuha ng baso saka ito nilagyan ng tubig at inabot sakin. "Inom ka muna." She smiled kaya agad akong napaiwas nang tingin. After ko uminom ay hindi siya nagsalita agad. Nakasandal lang siya sa swivel chair niya habang nakapikit. "Doc okay na po, hindi pa ba tayo magstart?" Tanong ko. "You need to relax muna, we can't start while your adrenaline is high." She opened her phone at isinalpak ito sa speaker saka nagpatugtog. "Wanna pick a song?" "Your choice." I replied. Nagplay na nga siya, I think I have heard the song somewhere before pero hindi ko maalala kasi mukhang matagal na. Napatingin ako kay doc at nakapikit na ulit ito while she fiddles with her hand. Does the moonlight shine on Paris  after the sun goes down  If the London Bridge is falling  will anybody hear a sound  If I follow the sunset  will it ever end  Oh does the moonlight shine on Paris  Oh, I remember. That was a song na narinig ko sa isang old shop. It's 2103, how old is her playlist? "And I think that would do." Sabi niya nang matapos ang kanta. Tumayo na siya at naupo sa harap ko. Inilabas naman niya ang Pendulum mula sa pocket ng coat niya. "Ang ganda nung song." Komento ko. "Moonlight over Paris, 2010, a song almost a hundred years old." Natatawa niyang sabi. "But it's one of my favorite, di ko alam san galing taste ko sa music but I usually play yeah, songs from the last decade. Odd, isn't it?" Tanong niya. "No, it's beautiful." Sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya. They were like two beautiful pools with the universe reflecting on it. "Well then, shall we start?" She asked na tinanguan ko naman. She again asked me to look at the Pendulum but I felt really distracted sa presence niya. Ramdam ko na nakatitig siya sa akin kaya napapaiwas din ako nang tingin sa Pendulum. Why do I feel so awkward? "May problema ba? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya. Nahiya naman ako bigla. "Uhm, no I'm fine. Sorry, short span." ilang kong sabi. "May I?" Tanong niya at tinapat ang kamay niya sa akin kaya tumango ako kahit di ko alam ang gagawin niya. Palapit nang palapit ang kamay niya kaya agad akong napatakip sa boobs ko, siraulong to. "Mika!" Naisigaw ko. She chuckled. "That's not what I was trying to do. You can take them off." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. "W-what?" "I mean you can take your hands off, trust me." Tinanggal ko na nga and she placed it over my heart. I felt that it was pounding hard, but why? Okay naman na ako nung nagpatugtog siya ah. "Are you that excited to know who the love of your life is?" Natawa naman siya at tinanggal na ang kamay niya. "No, hindi iyon." "Rad, calm down okay?" Napatingin naman siya sa relo niya. "We don't have forever to do this so would you like to cooperate?" "Sorry doc." Sabi ko and she pat my head. She asked me na mag-inhale exhale muna to help my self calm. She then asked me again to follow the Pendulum. Hindi ko na alam ang nangyari. Nasa loob na ata ulit ako ng panaginip ko. Malabo pa rin ang mga imahe maliban sa isang tao, isang taong kamukhang kamukha ko. Nandun nanaman ako sa part kung kailan mahal niya na pero huli na ang lahat. She wanted to get away at umalis sa dorm dahil may girlfriend na ung mahal niya. "--- wala naman na akong feelings for you e, that wouldn't be an issue na." Nang magising ako ay hawak niya ang isnag kamay ko at umiiyak nanaman ako dahil pinupunasan niya ang luha ko. "It was just a bad dream okay?" She smiled as her thumb brushes the back of my hand. "It felt so real." Napapikit ako at ramdam ko nanaman ang pagtulo ng luha ko. "She looked like me." Sabi ko pa. "Naniniwala ka na? You yourself wanted to fulfill your promise with your partner in your past life, I hope mahanap mo siya. Wag ka nang umiyak." She then handed me a lollipop, ano ako, bata? Bumalik na siya sa swivel chair niya at kumuha nanaman ng Apple. Naalala kong wala akong dala. "Doc, nakalimutan ko dumaan sa market, late kasi ako nagising din." "Okay lang, next time na lang." she smiled at inabot ang tissue sa akin. Kumuha naman ako to fix myself. We heard a knock kaya napatingin siya sa relo niya. "Hi! Are you ready na?" Tanong nang kakapasok lang, sa pagkakaalala ko siya yung ex ni doc. "Yes Rhi, maupo ka muna." Sabi niya sa magandang dilag na nasa harap ko. Ang intimidating ng aura niya. "Ah Rhi, si Raine Dawson, patient ko. Raine, Rhian Reed, she's my date for today and my ex." Ngiting ngiti niyang sabi. "Ex na inlove pa din sa kanya kaya inaaya siya magdate." Natatawang sabi nung Rhian. "Hi, nice to meet you Raine." She then offered her hand which I was forced to reach. "Nice to meet you too Rhian. Are you somehow related to Marco Reed?" Tanong ko. "Ah yes, he's my older brother." Sagot nito at tumango na lang ako. "So ms. Dawson, we're good na for today. See you next week then?" Doc smiled at me with her baby teeth flashing. "Sige po." Tumayo na ako at naglakad paalis, medyo nalungkot ako when she didn't offer na ihatid ako, bakit nung nakaraan hinatid niya yung ex niya? Napailing na lang ako. What am I even thinking. Crush lang ako ni doc, iba yun sa gusto, at lalong iba yun sa ex niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD