Raine I was packing my things, lalayas na ako sa bahay na 'to. "Parang tanga e." Wika ni Mika at tinatanggal ang mga iniimpake ko. Parang push and pull kaming dalawa dito. Pinipigilan ko hindi matawa. "Ano ba?!" Kunwari'y inis na sabi ko. "Saan ka naman ba pupunta ha? Nagselos ka lang maglalayas ka na?" Nagpout na siya at nagsalubong na ang kilay nito kaya tumawa na ako. "Halika na dito, tulungan mo na ako mag-impake." Saka ko tinapik tapik ang space sa tabi ko. Kinutan niya lang ako ng noo at kinuha na lahat ng damit sa maleta. "Mahal, para kang baliw." Natatawa tawa kong sabi. "Malapit na alis ko oh, di pa ako nakapag-impake." She sighed and offered her hand since nakaupo ako sa lapag. I gladly took it at hinila niya ako pataas, nahiga siya kaya nahatak niya ako paibabaw sa kanya.

