Kabanata 17

2020 Words

Kabanata 17 Feeling Nagising ako na puting kisame at amoy ng mga gamot ang bumungad sa akin. Ramdam ko ang pagsakit ng balikat nung sinubukan kong igalaw ang katawan. Hindi ko nakalimutan ang nangyari sa meeting na iyon. Muntik ko ng ikamatay ang ginawa ng babaeng 'yon. Mabuti nalang at mabilis akong nadala ni Arviel dito. Kung hindi baka wala na akong buhay ngayon. Nakatulog ako ng ilang oras bago magising kaya ngayon, wala akong makita sa loob ng kwarto. Tahimik at walang naririnig na ingay sa loob. Nasaan kaya ang asawa ko? Ba't wala siya dito? Siguro ay nasa labas upang magpahangin. Suot ang hospital gown, dahan-dahan akong umupo sa hospital bed, agad naramdaman ang hapdi sa palapulsuhan dahil sa oxygen na nakakabit sa akin. Napahinga ako at muling nakaramdam ng sakit doon. s**t!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD