Kabanata 15 Mana Gulat ako ng marinig ang takot na sigaw ni Arviel. Nasa kusina ako kaya mabilis akong tumakbo papunta sa sala at nakita ang takot na takot na mukha ng lalaking nasa harap ng pinto at nanginginig. Nagtaka ako, anong nangyayari sa kanya? Bakit siya natatakot? At teka, bakit siya nasa harap ng pinto. Pinagmasdan ko lang siya, nanghihinang umupo sa sahig habang nakahilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha. Kumunot ang noo ko, naguguluhan sa ginagawa niya. Ano bang nangyari? Nanaginip ba siya ng masama? Bakit tila takot na takot siya habang nakaupo sa sahig at nakatingala sa pinto. Ilang sandali pa'y pinagsusuntok niya ang sahig kaya nanlaki ang mata ko. "Ariadna! Come back to me!" galit niyang sigaw habang pinagsusuntok ang sahig. Oh my gosh! What's happening to him?

