Kabanata 7 Katulong Lumapit siya sa akin upang kunin ang tiwalya sa ulo ko. Nagulat ako nung una sapagkat ang dami naming towel dito tapos yung ginagamit ko pa ang gusto niyang gamitin. Hindi ko alam kung purpose niya ba talagang kunin iyon upang gamitin, o gagamitin niya lang dahil ginagamit ko? Ang gulo talaga ng kanyang ulo! Hindi ko siya maintindihan! Sa sobrang gulo niyang tao, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang pakitunguhan siya. Bumuntonghininga ako at umiling-iling. Kinuha ko nalang ang suklay at sinuklay ang buhok. Tinalikuran ko siya at hinayaan sa kanyang gagawin. Naglakad ako papunta sa glass wall at pinagmasdan ang mga building sa labas. Kitang-kita ko mula sa repleksyon ng salamin ang kanyang pagtitig sa akin. Animo'y nagtitimpi lang sa akin at kapag maubos na ang

