Episode 2

2144 Words
Habang nagtitipa si Hendrick sa laptop nito ay nakatingin lang si Althea sa lalaki. Hindi niya kasi alam ang gagawin niya dahil wala naman itong sinabi sa kaniya. Basta na lang kasi siya nitong isinama ngayon sa opisina nito ng walang sinasabi kung ano ang magiging papel niya. "Kuya, gusto mo ba ng kape?" tanong niya kay Hendrick. Mabilis naman itong napatingin sa gawi niya pero nakakunot ang noo nito. "Umupo ka lang diyan," sabi nito dahilan para lihim siyang mapairap. Sana natulog na lang siya sa bahay nila kesa sumama rito kung wala naman pala siyang gagawin. "Eh, 'di sana hindi mo na lang ako isinama rito. Sana natulog na lang pala ako sa bahay o 'di kaya'y namasyal na lang ako sa mall," himutok niya. Kahapon sinamahan siya nitong mag-file ng resignation sa eskuwelahan na pinapasukan niya dahil baka raw hindi niya sundin ang gusto nito. Tumaas ang kilay nito. "Are you mad?" Kahit laging nakasimangot si Hendrick hindi nababawasan ang pagiging magandang lalaki nito. "Hindi." "Good." "Puwede ba akong mamasyal sa mall ngayon, Kuya Hendrick?" nakangiting paalam niya rito kahit na nga nakakaramdam siya ng kaunting inis ngayon. Alam niyang hindi siya nito papayagan pero sinubukan niya pa rin. "No." "Uuwi naman ako kaagad, eh." "I said, no!" pinal nitong sabi dahilan para manlumo siya. Lagi na lang kasi siya nitong hindi pinapayagan. Maiintindihan niya pa sana kung menor de edad pa siya kaso nga hindi naman dahil twenty-two na siya ngayon. "Hindi naman na ako bata, eh. At saka uuwi rin naman kaagad ako. Ngayon nga lang ako mamamasyal sa labas tapos ayaw mo pa akong payagan," halos pabulong niyang pahayag dito. Hindi niya pa kasi naranasan na mamasyal sa mall ng mag-isa dahil kadalasan ay may nakabuntot sa kaniya. "Bakit gusto mong mamasyal sa mall?" tanong nito. "Para kumain," tugon niya. "Tsk! Bakit lalayo ka pa kung puwede naman na um-order ka na lang ng pagkain at dito ka kumain sa loob ng opisina ko?" "Bibili rin kasi ako ng damit. Luma na kasi iyong mga damit ko, eh. 'Yong iba manipis na kaya hindi na ako komportable na suotin ang mga iyon." "Alright." Napakurap-kurap siya dahil hindi siya makapaniwala na papayagan siya nito. "Talaga? Pumapayag ka na? Pinapayagan mo ako na pumunta sa mall ngayon?" paniniguro niya dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. "We will go to the mall together," walang emosyon nitong sabi sa kaniya dahilan para mapasimangot siya. Ang akala niya kasi ay papayagan na siya nitong mag-isa. "What?" tanong nito ng mapansin na nakasimangot siya. "Wala ka bang tiwala sa akin, Kuya? Bakit kailangan mo pang sumama?" "Ayaw mo?" "Hindi naman sa ganoon pero sana kahit minsan ay pagkatiwalaan mo ako. Hindi ko naman sisirain ang tiwala mo, eh." Lumapit pa siya sa kinaroroonan ni Hendrick at pinunasan niya ang namuo nitong pawis sa noo. "Hindi ko sisirain ang tiwala mo dahil ayaw kong masaktan ka, Kuya. At saka nangako ako kay mommy noon pati na kay Tito Ricardo na susundin ko palagi ang gusto mo para hindi tayo mag-away," mahaba niyang pahayag sabay halik sa pisngi nito na lagi niyang ginagawa. "Hindi kita pinaghihigpitan kagaya ng iniisip mo, Althea. Iniisip ko lang ang kapakanan mo kaya hindi kita pinapayagan na pumunta sa kung saan-saan ng walang kasama. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, ha, Althea?" Tumango-tango siya. "Naiintindihan ko." "Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko tapos pupunta na tayo sa mall," sabi nito. "Sige." Pumayag na lang siya sa gusto nito dahil kung ipagpipilitan niya ang kagustuhan niya ay baka magalit pa ito. Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin si Hendrick sa ginagawa nito kaya naman niyaya na siya nito dahil aalis na raw sila. "Matagal ka pa ba, Althea?" tanong ni Hendrick sa kaniya. Wala pa nga silang isang oras rito sa mall pero parang inip na inip na ito. "Malapit na. Hindi kasi ako makapili, eh." Humarap siya kay Hendrick. "Bagay kaya 'to sa akin, Kuya?" Turo niya sa kulay asul na damit na walang manggas. "Hindi bagay sa 'yo ang mga ganiyang damit, Althea." "Sabi kasi ng kaibigan ko bagay daw sa akin ang mga ganitong damit, eh." "Sino ang nagsabi sa 'yo na bagay sa 'yo ang mga ganiyang damit?" "Si Terrence." "At sino naman ang gagong 'yon?" "Kaibigan ko. Isa siyang binabae kaya wala kang dapat na ipag-alala, Kuya." Hindi na ito nagsalita pa pero alam niya ang tumatakbo sa isip nito. "Mas babae pa nga sa akin kumilos 'yon, eh." "Bilisan mo na para makauwi na tayo dahil hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon!" anito sa kaniya kaya naman mabilis niyang ibinalik ang damit na hawak-hawak niya kung saan niya ito kinuha para daluhan si Hendrick. "Sana hindi ka na lang sumama sa akin kung masama pala ang pakiramdam mo." Kaya pala kanina niya pa napapansin na pinagpapawisan ito kahit malamig naman ang lugar. "Umuwi na tayo para makapagpahinga ka na." "Tapos ka na bang mamili?" Umiling-iling siya. "Sa susunod na lang ako mamimili dahil mas importante ka kesa sa mga damit na bibilhin ko," taos-puso niyang sabi rito. "Are you sure?" "Oo." "Alright, let's go home then." Napansin niyang umangat ang sulok ng labi ni Hendrick bago siya nito tinalikuran at nag-umpisa na itong maglakad. Is he smiling? Ni minsan kasi ay hindi niya pa ito nakitang ngumiti. Minsan nga iniisip niya na baka robot ito sa past life nito at ganoon na lang ito kung umakto. "Althea!" tawag nito ng hindi lumilingon sa kaniya. "Nandiyan na!" Naramdaman siguro nitong hindi siya nakasunod dito kaya sumigaw na ito. Pagdating nila sa bahay nila ay pasalampak itong umupo sa sofa at niluwagan nito ang suot nitong necktie. "Gusto mo bang uminom ng tubig, Kuya?" tanong niya. "No." "Gusto mo bang ipagluto kita ng soup?" tanong niya pa rito. "Go to your room and take a rest, Althea," tugon nito. "Hindi naman ako pagod kaya hindi ko kailangan magpahinga," katuwiran niya. "Bakit ba kasi masyado mong pinapagod ang sarili mo? Hindi naman siguro tayo maghihirap kahit hindi ka pumasok ng isang linggo, 'di ba?" "Masakit ang ulo ko kaya sumunod ka na lang sa gusto ko, Althea." Halos nakapikit na ito habang nagsasalita. Napapansin niya na parang napapadalas yata ang pagkakasakit ni Hendrick nitong mga nakaraang araw. Hindi kaya may malubhang sakit ito at ayaw lang nitong ipaalam sa kaniya? "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Kuya?" "What do you mean?" "Bakit lagi ka na lang may sakit? Hindi ka ba kumakain kapag nagtatrabaho ka sa opisina mo? Hindi ka ba natutulog ng maayos? Hindi mo ba iniinom ang mga vitamins na binili ko para sa 'yo, ha?" sunod-sunod niyang tanong dito pero hindi man lang ito nag-abalang sumagot bagkus ay tumitig lang ito sa kaniya. "Pagod lang ako." "Saan?" "You don't need to know." "Bakit hindi ko puwedeng malaman?" Napahilot ito sa sentido nito. "Dahil hindi mo rin naman maiintindihan kahit sabihin ko pa sa 'yo kung ano ang problema ko." "Hindi na ako bata para hindi makaintindi, Kuya." "Go to your room and take a rest, Kate Althea." "Ayoko." Hindi siya aalis sa harapan nito hangga't hindi nito sinasabi sa kaniya kung ano ang problema nito. "Ginagalit mo ba ako, ha, Althea?" "H-hindi." "Puwes, sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong magalit ako sa 'yo." Sinunod niya na lang ang gusto nito para hindi na sila magtalo pa. "Ipapatawag na lang kita kapag kakain na." "Sige," tinatamad niyang tugon sabay halik sa pisngi nito bago niya ito tinalikuran. Habang nakahiga siya sa kuwarto niya ay hindi niya mapigilan na hindi mag-isip. Ano kaya kung magpaalam siya kay Hendrick na magbakasyon muna sa mga kamag-anak ng mama niya? Papayagan naman siguro siya ni Hendrick lalo na't kamag-anak naman niya ang pupuntahan niya. Dahil doon ay napagpasyahan niyang lumabas ng sarili niyang kuwarto para hagilapin ito. "Yaya Marie, nasaan po si Kuya Hendrick?" tanong niya sa taong nag-alaga sa kaniya noong maliit pa siya. "Naroon sa kuwarto niya, Hija." "Salamat po!" Dahil sa sinabi ng Yaya Marie niya ay patakbo niyang pinuntahan si Hendrick sa kuwarto nito. Pagdating niya sa tapat ng kuwarto nito ay bumuga muna siya ng hangin bago niya dahan-dahang pinihit ang seradora ng pinto. Madalas kasi itong hindi nagla-lock ng pintuan kaya madali lang siyang nakakapasok sa loob ng kuwarto nito. "Kuya?" "What?" Nadatnan niya itong nakasandal sa headboard ng kama nito habang may binabasa itong magazine. "Puwede ba akong pumunta sa mga kamag-anak ni mommy sa Samar?” “No.” “Bakit hindi?” Ibinaba nito ang binabasa nito at tumingin ng deretso sa kaniya. “Kilala mo ba ang mga kamag-anak ng mommy mo? Alam mo ba kung sino ang hahanapin mo roon? Sino sa mga kamag-anak ng mommy mo ang pupuntahan mo roon?” “Hindi ko alam.” “See? Hindi mo nga alam kung sino ang hahanapin mo roon, eh.” “Kilala naman daw ang mga Castillo roon, eh. Hindi naman siguro ako mapapahamak doon lalo na’t lugar naman iyon ni mommy,” pahayag niya kay Hendrick. “You will not be going anywhere until I say so, Althea. Kung may balak kang umalis dito sa bahay na ‘to siguraduhin mo na hindi ka na babalik dahil hindi na kita papayagan pang makabalik dito kahit na kailan,” pahayag nito na may kasamang pagbabanta. “Samahan mo na lang ako.” “I’m busy,” matipid nitong tugon kaya hindi na niya napigilan pang maglabas ng sama ng loob. “Lagi ka namang busy, eh. Minsan nga kahit birthday ko hindi mo naaalala dahil sa pagiging busy mo. Pero ‘yong birthday mo kahit na kailan hindi ko nakalimutan. Nakakainis ka minsan dahil sobrang higpit mo. Lahat na lang ipinagbabawal mo. Ni minsan hindi ko narinig sa ‘yo na may ginawa akong tama dahil lagi ka na lang nagagalit sa akin kahit alam ko naman na wala akong ginagawang masama. Minsan tuloy sumasagi sa isip ko na umalis dito at mamuhay ng normal sa malayo.” “If you want to go then do it. I will not stop you, Althea. But be sure that you will never come back again to this house because if you do, even when you kneel in front of me I will never accept you again. And of course, It's fine with me if you want to live on your own besides you're at the right age like what you always said to me," mahaba nitong sabi sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya nalungkot sa mga sinabi ni Hendrick. Imbes na matuwa siya ibayong lungkot ang nararamdaman niya ngayon. "Ayos lang ba sa 'yo na umalis ako rito? Hindi mo man lang ba ako pipigilan? Hindi mo man lang ba ako mami-miss?" Tumaas ang kilay nito. "Why would I?" Inirapan niya ito. "Because we've been together for more than a decade!" "And so?" "Napakasama mo talaga kahit kailan!" naiiyak niyang sabi rito. "Ang sama ng ugali mo, Hendrick!" Nawalan na siya ng gana na tawagin itong kuya. "Inaasahan mo ba na pipigilan kita?" "If you love me, you will stop me from leaving!" "But I didn't love you." Sumampa siya kama nito at isinandal niya ang ulo niya sa dibdib nito. "Mahal kita kahit hindi mo ako mahal, Hendrick," madamdamin niyang pahayag dito. "Kahit kasi suplado ka, masungit, mainitin ang ulo at madalas na nakakainis ay hindi mo nakakalimutan na alagaan ako at ibigay ang mga gusto ko. Kahit kailan kasi hindi mo ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko." Mayamaya pa ay naramdaman niya ang paghaplos nito sa malalambot at may kahabaan niyang buhok. "Go to your room, Althea…" pabulong nitong sabi pero hindi niya ito sinunod. "Mamaya na lang." "Ang isa sa mga ikinaiinis ko sa 'yo ay 'yang katigasan ng ulo mo. Hindi ba puwedeng sundin mo na lang ang gusto ko para hindi tayo mag-away?" Nag-angat siya ng tingin kaya nagsalubong ang mga mata nila. "Can I sleep here?" "No." "Please?" Bahagya siyang umusod pataas para magpantay sila. "Isang oras lang? Dati naman tumatabi ako sa 'yo kapag wala pa sina mommy at Tito Ricardo, eh." "You are ten years old at that time, Althea." "Ano naman? Wala naman 'tong malisya, eh. Kapag nagkaroon na ako ng asawa hindi na kita pwedeng yakapin no'n. Kaya habang puwede pa kitang yakapin, yayakapin kita." Narinig niyang may sinabi si Hendrick pero hindi naman niya iyon gaanong naintindihan. "Thank you and I love you," aniya nang hindi na ito tumutol pa. Humiga siya sa braso nito habang ang isang kamay niya ay nakadantay sa matigas nitong tiyan. "f**k!" Narinig niyang nagmura si Hendrick kaya naman lihim siyang napangiti. "Stop cursing, Hendrick…" mahinang usal niya. "f*****g stubborn!" inis nitong wika sa kaniya pero hindi naman ito kumontra nang yakapin niya ito ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD