Down The Aisle "I'll see you later," Ani Marco habang hinahaplos ang aking magkabilang siko. Tinawagan siya ni Wilder para ipagpatuloy ang kanilang photoshoot. Pagkatapos nila ay kami namang mga bridemaids kasama ang bride. Pinagmamasdan ko si Marco habang ito'y nakangisi at nakikipagusap sa mga groom's men. Tuloy lamang ang pagkuha ng litrato ng wedding photographer sa mga groom's men na naguusapusap. They were all in white tuxedo at si Francis ang pinaggigitnaan ng mga ito. Lahat sila ay nakangiti o 'di kaya'y nakangisi habang kinukuhanan ng litrato. "Ano bang pumipigil sayo?" Sumulpot si Bethany sa aking likuran. Sandali akong nagulat sa biglaan niyang presensya sa aking likuran. "Anong sinasabi mo?" Balik tanong ko sa kanya. Nakapirmi lamang ang aking tingin sa mga lalaking kinukuh

