Simula

2344 Words
"When will you come home?" Narinig kong sinabi ni Isabella mula sa laptop ko. Magka-video call kami ngayon habang nag-iimpake ako ng aking mga damit at iba pang gamit na dadalhin ko sa Pilipinas. Halos anim na taon akong nanatili dito sa Norway para magpatuloy ng aking pag-aaral. I have faced struggles everyday, communicating, learning, and even going home. The place was huge but later on I got used to it. Si Tita Mercy, kapatid ni Mommy ang residente sa bansang Norway. Nakapangasawa ito ng isang mabait at komportable sa buhay na Nordic ngunit maaga rin itong nabiyuda dahil may sakit ang kanyang asawa. Lahat ng yaman at ari-arian nito ay nalipat sa kanyang pangalan sa kadahilanang wala na itong ibang pamilya. Dinala niya ako rito para pag-aralin ng medisina sa isang eksklusibong unibersidad dahil iyon ang gusto kong ipagpatuloy na kurso. Tapos na ang aking internship at residency, pati ang fellowship sa ospital na aking pinagsanayan. Hindi ko plano na magtagal doon dahil gusto kong sa Pilipinas na lamang magpatuloy at magtrabaho. May balak pa talaga akong umuwi. Kay tagal ko nang hindi nakikita ang Pilipinas. Marami na kaya ang nagbago? "Will you make it at the reunion party?" Tanong sa akin ni Isabella. Ito ang totong dahilan kung bakit makakauwi ako sa Pilipinas. Sa pamimilit ng aking mga kaibigan na dumalo sa naturing kasiyahan ay napapayag na rin ako. Sa aking masikip na iskedyul ay nagkaroon sila ng dahilan para pauwiin ako, nahihiya pa ako na magsabi kay Tita noon dahil palagi itong busy. Nais ko na rin namang masilayan muli ang aking kinagisnan at ang aking mga kaibigan. Sa anim na taon kong pagtigil dito ay tanging sa video call at chats lang kami nagkakaroon ng kominukasyon. At kung papalarin ay group call pa nga ang aming gagawin para lamang magka-usap kaming lahat. Pare-pareho na kaming busy sa iba't ibang larangan kaya minsanan lamang ang aming pangangamusta sa bawat isa. "Siguro, hindi ko pa alam. Depende kung mapapa-aga ang flight ko." Sagot ko habang nakatutuok sa screen. Nasulyapan kong biglang sumimangot ang mukha ng aking kaibigan. Kahit na may asawa na ito, hindi pa rin nawawala ang freshness ng kanyang mukha. Akala ko pa naman ay hindi siya magpapakasal, iyon naman pala ay planado na. Iba rin pala gumalaw si Oliver. Mabilis, palihim man, ngunit nakatitiyak na sigurado. "Ibig bang sabihin ay hindi ka pa nakapagpabook ng ticket mo pauwi? My goodness!Apat na araw na lang, reunion na! At hinid ka pa nagpapabook?" Bulalas nito sa kabilang screen. Umupo sa tabi ni Isabella si Oliver, ang kanyang asawa. Mukhang masaya ang naging pagsasama ng dalawa dahil kita naman iyon sa kanilang mga mata. Apat na taon na silang kasal pero hindi ko pa nakikitang may anak na sila o nababalitaan man lang na buntis ito, iyon ay dahil ayaw pa ng aking kaibigan. Kumaway sa akin si Oliver at kumaway din ako pabalik. We're not really that close before, saka lamang kami nakakapag-usap kapag kasama siya ni Marco. They were friends with him back then, even now. "I told you that I'm busy. Tinutulungan ko si Tita sa negosyo nila." Ani ko.  Kasisimula pa lamang ng kumpanyang itinaguyod ni Tita Mercy gamit ang pera ng kanyang namayapang asawa. Ayon ito sa kahilingan ng kanyang asawa. Tumutulong ako sa pagpo-promote nito at pagpapalago pa lalo ng negosyo.Nag-expand na rin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga lupain para tayuan ng mga subdivisions at hotels. Balak nila itong gawing international estate. Magtatayo rin sila sa iba't ibang bansa para mas makilala pa sila. Isa itong corporation company at si Tita Mercy ay may pinakamalaking shares sa kumpanya. Sa pagtagal ng panahon ay sa paglago pa lalo nito. "Excuse me, Chloe Scarlet! Anong alam mo sa mga estate na iyan gayung medisina ang tinapos mo?" Singhal nito. Nakataas ang kanang kilay nito habang mapaglarong mga mata ang nakatingin sa akin. Hindi ito naniniwala na kahit paano ay may alam ako sa pagpapatakbo ng estate na iyan. Dahil napapaligiran ako ng mga taong sakop ang ganitong aspeto, ay may nalalamandin ako sa pamamagitan ng pakikinig at pag-obserba sa kanilang mga ginagawa.  "Natutunan ko dahil kay Tita. She taught and guided me, kaya nagagamay ko na ang negosyo kahit paano. Don't you believe in what I can do?" Pabiro kong sinabi ang huling pangungunsap at nakita kong umikot ang kanyang dalawang mata. "So full of yourself, huh? Basta! Please! Please come over, be at the reunion party. Okay?" How can I resist, if you show me your puppy eyes? "Don't use that on me! That doesn't work!" Natatawa kong sinabi habang siya ay patuloy sa pagpikit-pikit ng mata. Oliver's arm was resting on my friend's shoulder and gave her a sweet peck on her lips. I saw her blushed rapidly and smiled wildly while looking at his dashing husband. Ang saya lang nilang pagmasdan habang para sa kanila, sila lang ang tao sa mundo. Tumagal pa ang aming pag-uusap at nadagdagan pa ang aming mga pinag-pulungan. Natapos ko na rin ang pag-iimpake at hinilera sa tabi ang dalawang malaking maleta at isang hand-carry luggage. Sa lahat ng aking kaibigan, Si Isabella lang ang madalas kong natatawagan. Knowing that she is a doctor, pero mas may oras pa siya kaysa sa akin. Busy naman ang iba sa kani-kanilang mga trabaho at pamilya. "Chloe, I bought you a ticket. Your flight is scheduled this Wednesday afternoon. Okay ba sayo ang first flight?" Pumasok sa aking kwarto ang aking tiyahin. Hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Ang akala kong busy at marami siyang meeting ngayon ay nagpabagabag sa akin. Business class?! This is way too much! "Thank you is enough, my dear. No need to fuss. Don't worry about my meetings, mas uunahin kita kaysa sa mga iyon." Maarte niyang bigkas. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking kama. Wearing a sophisticated bodycon velvety black dress with a three inch gold pair of stilettos, she looked younger and more bossy. Even in her fifties, she looked stunning. Her hair swayed naturally because of the big curls. Umupo ako sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay. "Thank you for this, Tita, but you shouldn't have to. I don't want to bother you at all." I smiled and hugged her tight. "It's okay darling this is nothing. By the way, I bought you a condo unit in Manila last two years ago, I don't remember if it was somewhere in Makati or Taguig and I named it after you. Doon ka na mag-stay and I want you to check it out." Napakalas akong bigla sa kanyang yakap at gulat siyang tiningnan. She was smiling brightly while I was shocked by what she said. "Tita naman! Hindi mo na kailangan na ipangalan iyon sa akin! That is not my money and not my property!" Hindi ko na maiwasan ang pagtaas ng boses. Kapag sa akin, ang dali niyang magwaldas ng pera. I don't want to be a burden to her. I want to prove something that I can do this on my own. Kung nabubuhay si Tito Fred na kanyang asawa ay ako ang papagalitan niya. I am being spoiled when it comes to her. "Chole, wala akong anak kaya kanino ko pa ibibigay ang atensyon ko? I treat you as my own daughter, kaya please let me do it. I want to do it. I need to do it because you're my only family that's left." Sambit ni Tita. Huminga na lamang ako ng malalim bilang pagsuko. Hindi nagkaroon ng anak si Tita Mercy dahil maaga itong nabiyuda. My mother died when she gave birth to my youngest sibling. Hindi na nagkamalay si Mommy ayon sa kwento ni Daddy. Maging ang sanggol ay hindi na rin nagtagal at namatay din ito. My mother was healthy kaya hindi ako makapaniwalang nangyari iyon. Naiwan sa akin si Daddy at siya ang tumayong nanay at tatay ko. In my second year in college, Daddy died because of lung cancer. He didn't even bother to tell me kasi ayaw niyang mag-alala pa ako. I consider myself as a pest, too much pain and agony. Wala akong nagawa habang unti-unti akong nilalagasan ng pamilya. Tita will never understand kung bakit ayaw kong tanggapin ang lahat ng binibigay niya sa akin. She never experienced being on my feet because she grew up comfortable that's why she's being like this. It cost too much and I don't know how to repay her. Kahit na sinabi niya sa akin na hindi ko na dapat iyon alalahanin pa. It is still not my money! "Wala na akong magagawa, Tita. You never really consulted my permission. How can I repay you?I don't know how to thank you. I don't know if thanking you is enough." I sighed and shifted on my bed. Bahagya akong lumayo para makapag-usap kami ng maayos. Sa pagtigil ko rito, maging ang pag-aaral ko ay siya ang nagsusustento. Ginusto niya na sa prestihiyosong unibersidad at kilalang ospital ako mag-aral at magsanay. Dahilan niya ay gusto niya akong mapabuti at magkaroon ng magandang pundasyon sa aking kurso. "You don't need to, dear. Just be here by my side when I need you is enough payment for everything." She said.  I just can't contain my happiness and gratitude right now. Because of her, I managed to achieve my greatest dream in life. I feel like I am content because of this achievement. This was all I dreamed of. This was what I wanted and I did it. Finally, I did it. After that commotion with my aunt, tinawagan ko si Gab para magkita kami. Gabriel Hansen has been my friend ever since I started studying here. He is a family friend of Andersen and Tita introduced him to me. Siya lamang ang tumagal sa akin kahit na minsan ay hindi kami magkaintindihan. He is trilingual, speaking Norwegian, Danish and English. And sometimes learning Tagalog. I understand a little pero nahihirapan pa rin ako lalo na kapag matagalang pag-uusap na sa ganoong lenggwahe. Nagsasalita siya minsan ng kanyang diyalekto pero hindi naman sasabihin sa akin ang kahulugan kaya nagagalit ako. "Holdt jeg deg venter så lenge?" (Did I keep you waiting for so long?) That is Gab's voice. Napatunghay ako sa nagsalita at nakitang si Gab ng iyon na nakahawak sa backrest ng upuan looking so dashingly handsome. Wearing a taupe trench coat with a fitted grey sweater inside, a chino that slightly hugged his legs and brown leather shoes. His hair was a bit messy that matches his looks. Manly but charming. "Bare litt," (Just a little.) I said. Nagulat siya sa aking sinabi at bahagyang umupo habang titig na titig sa akin. I just smiled at his reaction and slightly laughed with humor in my eyes. I called the waiter immediately and ordered some caramel macchiato and americano for Gab. "You now know how to speak my language? You are so fluent!" Gulat na gulat pa rin ito kahit dumating na ang aming oder. I can't help but to get amused by his reaction. "Fluent? Not really, but I'm still learning." I sipped on my coffee and checked my phone for any notifications. Nang nakita kong wala naman ay ibinaba ko na ito sa lamesa. "You are fluent. I considered that because you understand what I'm saying." He laughed. "Well, okay." I said as an act of giving up. "I can't get over it. You've learned so fast!" He grabbed his coffee and sipped on it. He's a busy person, being the only son of his family puts a lot of pressure on him. His father looked upon him so much because he will be the heir of one of the largest skincare companies here in Norway. He's still young to manage a huge company but I didn't even get any hesitation in my guts because I know what he can do. I have witnessed his work. He's a perfectionist. And he will do a good job. I saw his two bodyguards three tables away looking so observant at our direction. It is awkward on my side pero ginagawa lang nila ang trabaho nila at naiintindihan ko naman iyon. Kapag anak ka talaga ng mayaman, kailangan mo ng proteksyon, sa ayaw mo man o sa gusto. Malapit ka sa kapahamakan dahil sa magiging interes ng ibang tao sayo. Lalo na ng mga kalaban mo sa industriya. Hindi ko nilalahat pero may mga taong ganoon talaga nag pananaw sa buhay. "I'm going home. I'm returning back to my home country." Pag-iiba ko sa usapan. Napatigil siya bigla sa aking sinabi. Binaba niya ang kanyang kape at sumandal sa kanyang upuan. He fisted his hands and clenched his jaw. I saw his eyes glaring at his hot coffee. Alam kong ganito ang magiging ekspresyon nito. Nasabi ko na ito noon sa kanya at hindi niya binago ang kanyang ekspresyon. Hindi niya gusto na umalis ako. "Is this the reason why you wanted to meet me?" He looked at me furiously and I can't help but to look away. Ayaw kong nagagalit siya sa akin dahil siya lamang ang tangi kong kaibigan dito. I need to do this for him to know. "Yes. To properly say goodbye." I said. He punched the table at napatalon ako sa takot ay gulat habang mariing nakapikit ang aking mga mata. Ang kanyang mga bodyguards ay naging alerto at tumayo sa kanilang upuan. Ang mga taong nasa loob ng café ay nakatingin sa aming direksyon. "Why is it so easy for you to say that? Am I just nothing to you?" Halos pabulong at puno ng pagpipigil nitong sinabi. Hindi ko mapigilang manginig habang siya'y aking tinitingnan. "Of course not! It's just that-" muli niyang hinampas ang aming lamesa at tumayo dahilan ng pagkatigil ng aking pagsasalita. Huminga ito ng malalim habang kinuha niya ang kanyang pitaka at dumukot ng tatlong perang papel at ipinatong sa platito ng kanyang kape bago tuluyang umalis. Sumunod naman sa kanya ang mga bodyguards at naiwan akong tulala. "Hva en scene," (What a scene.) "Hun har ingen måte," (She doesn't have any manner.) Bahagya akong huminga sa kahihiyan. Didi he really need to do that? I know that he's upset. We've been friends for so long and I totally understand his actions. We've been so attached to each other that I thought of him as my brother. Malungkot akong tumayo at nagtungo na sa direksyon papunta sa bahay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD