The Suspicious Man "Lauren, Honey, kaunting tiis na lang ha. Kaunti na lang." Inaalo ni Gus ang asawa nitong hindi na maipinta ang mukha sa sakit na nararamdaman. Nagtipon kami dito sa emergency room ng hospital para magbantay kay Lauren. "Isabella, hindi pa ba siya pwedeng maglabor? Nahihirapan na ang asawa ko!" Hindi na din mapakali si Gus sa kung ano ang pwede niyang gawin para maalis ang sakit na nararamdaman ni Lauren. "I'm sorry, Gus. May dapat kaming sunding sukat para mapadali ang labor ni Lauren." Pagpapaliwanag ni Isabella. Nakapagpalit na siya ng scrub suit ng hospital dahil naghihintay din siya sa panganganak ng kanyang pasyente. "Sorry, Lauren. I have nothing to do." Hinalikan ni Gus ang pisngi ng kanyang asawa. Hinahaplos nilang dalawa ang tiyan ni Lauren habang nakataklo

