A Pleasant Surprise Marriage. That's sacred. Bata pa lamang ako ay iminulat na ako sa bagay na iyan. Sa murang edad, nalaman ko ang ibig sabihin niyan. Mama and Papa got married and I am the fruit of it. Together with Magnus, Mathias and Marione. "But I was just seventeen!" Singhal ko. Kinse anyos pa lamang ako ay pinipilit na ako ni Mama sa bagay na ito. At kagaya noon ay palagi akong tumatanggi. "We have no choice. It's for the better." Mama said. That's it? Because we have no choice? So I also have to have no choice? "Pero bakit ako? Bakit hindi si Magnus?" Tinuro ko ang kinaroroonan ng aking nakakatandang kapatid. Katabi niyang nakaupo sa sofa ang dalawa ko pang kapatid. Seryosong nakikinig sa usapan kahit parang hindi naman nila maintindihan. Magnus is the eldest at ako ang

