Chapter Thriteen

1089 Words
Not Only Enemies Can Stab At Your Back... Also With Your Friends Chapter Thirteen Mae TUMILA na ang ulan. Ala una na ng hapon at Nasa camp kami. kumakain. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Ambilis nang pagkuha nila ng pagkain at pagsubo. Para silang mga taong ilang taon na hindi nakakain. Mga pagod at gutom. Tinapos ko na ang pagkain ko at Tumayo. Pumunta ako sa isang log na upuan at umupo. Nagmumunimuni lang ako ng biglang lumapit sa akin si Dominic. "Mae, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi nito. "Ah, sige. Ano yun?" Tugon ko at ngumiti. "Hindi dito. Sa private na lugar. Sa malayo." Sabi nito "Tara." Tumango ako at sinimulan niya na lumakad na sinundan ko naman. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa malayo na kami sa camp. Tahimik lang kami at hindi nag-uusap. Clueless ako sa gustong pag-usapan ni Dominic. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa namin lumayo ng ganito. Seryoso at mahalaga ba ang sasabihin niya? Kinakabahan ako. Huminto na si Dominic sa pag-lalakad. Umikot siya at humarap sa akin. "Mae." Sabi nito. "Uhm?" Tugon ko ng may ngiti. "Ikaw ba yung killer?" Tanong nito. Nagulat ako sa sinabi niya. Napalitan ang ngiti ko ng pagkadismaya. Anong ako ang killer? Iniisip niya ba na ako ang pumapatay? Pinagsususpetsahan niya ba ako? "Ano? Ako yung killer?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Oo, ikaw ba? Please Mae. Nagmamakaawa ako. Itigil mo na'to. Hindi yan tama. Mali yang ginagawa mo." Sabi nito. "Pwede naman natin ito pagusapan nalang kesa kumukuha ka ng buhay ng mga kaibigan natin dahil sa may galit ka o ano man sa amin." "Teka, teka. Ano ba yang pinagsasabi mo Dom? Hindi ko maintindihan. Una, hindi ako ang killer. Pangalawa, paano mo nasabi na ako ang pumapatay?" Sabi ko. "Wala akong alam sa nangyayari sa mga kaibigan natin. Wala akong alam. Hindi ako ang killer. Hindi ako ang pumapatay sa mga kaibigan natin. Wala din akong galit o problema sa inyo." "Mae, Please. Alam ko na, alam ko ng ikaw ang killer. Wag ka ng mag ikala pa. Nakita kita. May baril sa tabi mo habang natutulog ka kanina." Sabi nito at may kinuha sa likod niya na kinagulat ko nang makita. Baril. "Ito." "Hindi nga ako Dom. Hindi ako nagsisinungaling. Wala akong alam. Hindi ko alam na may ganyan doon sa tabi ko habang natutulog." Sabi ko. "Dahil ba sa baril nayan ay pinagsususpetsahan niyo ko na hindi ko naman talaga alam na meroon nyan sa tabi ko? Dahil ba sa may nag-paputok kanina?" "Tama na! Wag ka ng mag-palusot pa! Alam mo? Hindi na ako maniniwala sayo Mae! Kailangan mo pa bang mag-sinungaling para hindi ko isipin na ikaw ang killer? Para makaiwas ka at maituloy mo pa ulit?" Sabi nito ng may galit at hinanakit habang lumalapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "Tama na." Sabi nito at may naramdaman akong tumusok sa likod ko na matulis. Napaluhod ako sa sakit at kirot na naramdaman ko. Hinawakan ko ang tumusok sa likod ko at binunot ito. Kutsilyo. Tiningnan ko ang may kagagawan nito, Elijah. Napaluha ako sa emosyon na nararamdaman ko. Sakit, lungkot, pagkadismaya at pagtraydor. Pinagplanuhan ba nila to? Na mag-usap kami ni Dominic sa malayo? Para pag ako nga ang killer ay ma-corcorner nila ko? Pero hindi ako yun. Hindi ako ang killer na inaakala nila. Ang sakit lang isipin na pinagiisipan nila ako ng ganun na ako ang pumapatay kahit hindi naman ako. Isa nila akong kaibigan. Isang kaibigan na pinag-isipan nila ng masama. Nagawa pa nila ako saksakin. Tiningnan ko silang dalawa. Seryoso silang nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kanila ng pilit at pinikit ang aking mata na sinabayan ng aking luha. Sana kahit sa pag-ngiti ko man lang bago mamatay ay maalala nila ako, na ako ang kaibigan nilang masayahin. The 'Happy Child'. Goodbye. Greg Nasa hapagkainan padin ako at nakaupo. Tinitingnan ang mga kaibigan kong kumakain nang bigla nalang inayos ni Gwyneth ang boses niya para mag-salita. "Mag-pahinga muna kayo sa tent niyo pagkatapos kumain. Maya-maya ay hahanapin natin ang katawan nila Jericha at Rose." Sabi ni Gwyneth at tsaka tumayo at pumunta sa tent. Nanaig ang katahimikan sa paligid namin. Walang gustong mag-salita. Tiningnan ko sila isa't-isa at tumayo. "Sa tent na ako." Sabi ko at tumango naman sila at umalis na ako. Lumakad na ako papunta sa tent ko. Binuksan ang buksanan at pumasok. Humiga ako at pinatong sa ulo ko ang braso habang may iniisip. Sino ba talaga siya? Matatapos pa ba itong pag-hihirap namin? Mabubuhay pa kaya kami? Kinuha ko ang wallet ko sa likod ng pantalon. Tiningnan ko ito at tsaka binuksan, kinuha ko ang picture ng pamilya namin at ang mga kaibigan ko. Pinagmasdan ko muna ang unang litrato. Ang pamilya ko. Sa pamilya ko ay lahat kami ay nakangiti. Sila Mama,Papa,Ate,Ako at si Bunso. Masaya kami, nag-kabalikan kasi sila Mama at Papa nung nag-picture kami nito. Nag-hiwalay kasi sila noong third year ako dahil sa nag-kaproblema ang pamilya namin. Lagi-lagi silang nag-aaway dahil sa trabaho na hanggang sa nakipaghiwalay si Mama kay Papa. Pero salamat at nag-kaayos sila ngayong fourth year ako. Tiningnan ko ng maigi ang litrato. Mababalikan ko pa kaya sila? O mamatay din ako katulad ng iba kong kaibigan? Tumulo ang luha sa aking mata. Pinunasan ko ito at huminga ng malalim. Nilipat ko ang litrato sa isa pa nang makarinig at makaamoy ako ng kakaiba. Ano nangyayari sa labas? "Guys! May sunog!!!" Napabalikwas ako ng bangon. Kinuha ko ang bag ko at inayos ang sarili ko tsaka binalik ang litrato sa wallet, pinasok ko ang wallet sa bag at lumabas. Nakita ko ang medyo malapit sa amin na apoy at usok. Nag-sisimulang mag-kalat at mag-himagsik sa gubat. "Anong gagawin natin!?" Tanong ni Asprid. "Umalis na---" Sabi ni Drake na nahinto nang may bigla Kaming marinig na putok ng baril at tumama na bala sa direksyon niya. "Drake!!!" Sigaw ng lahat. Nerbyos at pag-aalala sa nangyayari. Tiningnan namin ang direksyon na pinanggalingan pero hindi namin makita. Binalik namin ang atensyon kay Drake at tumakbo sa lugar niya para alalayan siya nang may bigla ulit kami narinig na pag-putok ng baril at tumama ang bala kay Krystal. Napatingin kami kay Krystal at Drake. Hindi alam ang gagawin kung gagalaw o hindi. Pinagiisipan ang sunod na hakbang kung tama o hindi. Nakarinig ulit kami ng pag-putok ng baril na mabilis kong nilingon ang pinanggalingan at naramdaman nalang na ako ang tinamaan. Napahawak ako sa parteng tinamaan sa akin. Ramdam ko ang kirot at sakit nito.  Mamatay na ba ako? Unti-unti akong nanghina at bumagsak sa lupa. Is this how im going to die? A shot with a bullet? Muli ako nakarinig ng pag-putok ng baril at tumama ulit sa akin. Ngumiti ako at pumikit. 'I think so'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD