Death Is Inevitable
Chapter Ten
Mazuzuki
KAKADATING lang namin ng camp galing sa gubat kung nasaan ang katawan ni Bryan, at ngayon ay nandito ako sa loob ng tent ko, nakahiga at tiningnan ang notes ko.
Finding Killer
Died:
Claire-Bryan
Alive:
Reggie, Drake, Dominic, Greg, Elijah, Gwyneth, Jericha, Rose, Asprid, Lyn, Krystal at Mae.
Suspect:
Gwyneth-Asprid
Clue:
It was Science Lab and my name is 3 and 7.
Hmm. Sino kaya talaga sa kanila? Tama ba tong mga suspects ko? Si Gwyneth at Asprid? Yung clue? Paano ko masasagot yun?
Si Gwyneth kasi parang... Parang siya yung killer. Parang plinagplanuhan niya ito na mangyayari. Una dito niya napagplanuhan mag shoot, Pwede namang sa iba at bakit sa gubat pa? Pag Project ba talaga all in yung gagawin? Tapos yung pag-patay kay Claire at sa Driver. Pinatay niya siguro si Claire nang tulog na kami? Tapos kinuha niya ang mga cellphone namin para hindi namin magamit at hindi masira ang plano niya, tsaka pumunta sa coaster at pinatay ang driver at pinagbubutas ang gulong. At ang sabi niyang bumalik kami sa gubat at nang makabalik kami ay sinabi niyang makikipaglaro kami sa killer. Doon ko lalo siya pinaghihinalaan. Bakit kami makikipaglaro sa killer? Baka siya yung killer kaya gusto niya mag stay kami at maubos?
Asprid. Si Asprid naman parang nagsisinungaling at may tinatago. Nang makita namin siyang tumatakbo ay sinabi niyang wala lang daw sa kinakabahan at nanginginig na boses pero maya-maya ay may narinig kaming sigaw at nakita si Lyn na sugutan. Doon palang kita na ang logic, si Asprid ang gumawa noon kay Lyn at pinagsabihan ni Asprid si Lyn na wag sabihing ang totoo at papatayin siya pag sinabi ito. Pero, nagtataka din ako. Kung si Asprid nga, bakit hindi niya nalang pinatay si Lyn kung siya? Bakit pa siya mag-iiwan ng bakas?
Yung Clue naman. About sa Science Lab at 3 and 7. I think its aline with Science and Math?
Waah! Ang gulo! Nag-mumukha na akong Detective Conan, nag-papaka seryoso at detective nadin ako. Gumawa pa ako ng notes nato para talaga mahanap ang taeng killer na yun! Alam kong hindi nag-nonote si Detective Conan pero hindi ko kaya i-stock sa utak ko lahat. Masyadong nakakabobo.
Ano ba yung ginawa ni Marvin para mahanap niya ang anak niyang si Nemo sa movie na 'Finding Nemo'? Lumangoy-langoy? Nagtanong-tanong? Nakipagsapalaran? Ayun lang kasi ang alam kong medyo may pagka detective bukod sa isang episode ng Detective Conan. Tapos yung nanay pa ni Nemo at mga kapatid niya ay pinatay pala ng isa doon sa tatlong sharks.
Tae! Ano ba gagawin ko Para mahanap ko tong pesteng killer na to at mailigtas ang mga kaibigan ko? At syempre, matutuwa sila sakin. Ako ang nakapatay sa killer at nakapag-ligtas sa buhay nila. Mazuzuki save the day! Tapos credits na at closing remark.
Clap! Clap! Clap! Ang galing mo Mazuzuki, puro kalokohan.
Tinuktok ko ang ballpen ko sa ulo ko para mawala ang kalokohan na naiisip ko at mag-seryoso.
Paano ko ba siya mahahanap? Gagawa ba ako ng trap? O kung ano-ano?
Ang sakit talaga sa ulo. Mas mahirap pa to sa math problems na pinaka hate ko e.
Binagsak ko ang mukha ko sa unan na pinapatungan ng ulo ko, nakarest lang ulo ko nang nakarinig ako ng komosyon sa labas.
Tumungo ako, kinuha ang notebook ko at ballpen saka lumabas ng tent.
Lumakad ako sa mga kaibigan kong nag-tutumpukan.
'May nabiktima na naman' Sabi ko sa isip ko at umiling-iling.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila nang makalapit.
"Si Reggie, wala na." Sabi ni Lyn.
Hindi ako sumagot at lumapit pa lalo para makisali sa tumpok.
Naandito kami sa tapat ng tent ni Reggie at nag-hihintay sa labas. Nag-uusap at nag-kwekwentuhan ang mga kaibigan ko nang lumabas sila Dominic at Elijah na buhat si Reggie at si Gwyneth na nasa likod nila.
Pinagmasdan ko ang walang buhay na katawan ni Reggie. Tirik ang mata nito, puro saksak sa katawan at mukha na may kalat pa ng dugo.
"Wala na si Reggie, he's dead. Napakagaling niya, napatay niya si Reggie nang hindi natin namamalayan, kahit sama-sama na tayo dito." Malungkot na sabi ni Gwyneth "And, we see this thing. Another clue ata ito ng killer or ewan ko?." Sabi ni Gwyneth at tinaas ang papel.
"Babasahin ko...
'Clue:
I treat you all as a friend, but in return. You all treat me like nothing. A trash. A worthless. Now, what can you SAY?'
Basa ni Gwyneth sa papel.
"Ang gulo. Hindi ko maintindihan?" Sabi ni Lyn
"Pinagkatiwalaan niya tayo tapos trinato natin siya na parang walang kwenta? hmm." Sabi ni Drake.
"Now, what can you say?" Sabi ni Rose.
"Mamaya na muna natin isipin, ililibing muna natin ang katawan ni Reggie, isasabay na natin sa pag-libing kay Bryan nang mabigyan man lang ng kapayapaan kahit sa pag-libing lang." Sabi ni Gwyneth at lumapit kila Dominic at Elijah. "Kuhanin niyo ang katawan ni Bryan." Utos nito at umalalay naman ang iba sa katawan ni Reggie at umalis ang dalawa.
"Nasaan sila Krystal at Mae?" Tanong ni Jericha.
"Nag-hanap sila ng makakain." Sagot ni Greg.
Tiningnan ko muli ang notebook ko, binuksan ko ito at inekisan si Reggie.
Damn this life.
Jericha
Nandito parin kami sa labas ng tent ni Reggie at iniintay sila Dominic at Elijah.
Habang nag-hihintay ay tiningnan ko ang mga kaibigan ko, iniinspeksyon.
Tiningnan ko sila isa-isa hanggang sa may nakita akong kakaiba sa isa sa kaibigan ko. Isang bakas, dugo.
Pinakititigan ko ang maliit na bakas ng dugo sa kanyang noo.
Hmm. Paano nagkaroon ng maliit na bakas ng dugo sa kanyang noo? Bakit? Siya kaya ang killer?
Tiningnan ko ang buong katawan niya mula ibaba at pataas, hindi nag-iiwan ng bagay na makikita sa kanya. Sa sapatos, sa pantalon at sa kanyang damit. Damit?
Tiningnan ko lalo ang damit niya, tinitigan ko iyon ng matagal at napansing may mali.
Bago ito... Hindi ang suot niya nang pumunta kami sa gubat kung nasaan ang katawan ni Bryan at pabalik dito.
Inisip ko lahat ng bagay na nalaman ko, Ang maliit na bakas ng dugo sa kanyang noo at ang bagong palit niyang damit.
Sa maliit na bakas ng dugo sa kanyang noo, ay dahil ba sa hindi niya masyado nalinis ang sarili niya ng maayos nang natalsikan siya ng dugo matapos gawin ang karumaldumal na ginawa niya? Dahil ba kaunti ang oras, walang salamin at walang tubig kaya hindi niya nalinis ng maayos?
Sa bagong palit niyang damit... Dahil nga sa ginawa niyang karumaldumal ay kaylangan niyang mag-palit para maging malinis ang pagkakapatay niya kaso...May naiwan nga lang siya sa pag-linis niya sa sarili niya, yun nga ang dugo sa noo niya na hindi niya napansin.
Akala ko magaling siya. Akala ko hindi ko siya mahahanapan ng mali. Pero ngayon? Nagkamali siya. May naiwanan siyang bakas ng pag-gawa niya ng masama.
Masyado ata tumaas ang kompiyansa niya? Na akala niya bumaba ang aming mga depensa?
Well, to prove it to this what we called 'Friend that murders our Friends' It's not.
Tiningnan ko na ang mukha niya, nakatingin lang ako doon ng lumingon siya sa akin.
Tiningnan niya ako at ngumiti ng parang demonyo, biglang dumating sila Dominic at Elijah dala ang walang buhay na katawan ni Bryan ay pinaling niya na ang ulo niya.
Siya! Siya talaga! How dare this killer? Paano niya nagawa sa amin to? Bakit niya ginagawa to?
Umilingiling ako sa pagka-dismaya at ngumiti.
'Find you.' Sabi ko sa utak ko.
Ano nang gagawin ko ngayon? Sasabihin ko ba o haharapin ko siya mag-isa?