Chapter 48 "Say it" “Mommy, sama ako.” Nakasunod pala sa akin si Satheryn. I was about to get in the car. Aalis ako para bumili ng gamot ni Paapa, naubos na kasi. Sa bayan lang naman. Mga kalahating oras lang mula dito. It’s already 3:00 pm, ayaw ko na sanang isama dahil hapon na. Hindi din ako magtatagal. I turned to her. “Stay here Baby, babalik din naman si Mommy.” She pouted and crossed her arms. I rolled my eyes. Matigas ang ulo! “Okay… Get in now.” Her mood immediately shifted. Ang laki na ng ngisi nito. Pumasok siya at umupo sa backseat. I tied her seatbelt. Napailing na lang ako. “Let’s go Mommy!” She chirp. “Alright.” I started the engine and drive. Binuksan ko din ang stereo at pinatugtog ang favorite animated films songs niya. She was singing

