Chapter 25 "Trust" May private party pagkatapos doon sa beach. Hindi pa tapos nang umalis kami. Ngayon ay nandito kami sa bar ng hotel. Maraming nandito, mga banda at ilan pang imbetado sa event. Natuwa pa ako nang makakita ng ilang celebrity. I had the chance to take a picture with them. Nakaupo kami sa paikot na couch habang puno ito ng iba’t-ibang inomin ang salaming mesa sa gitna. Inabotan ako ng cocktail ni Dacer pero si Juancho naman ang tumanggap. “You can’t drink.” Aniya. Napanguso ako. I don’t know why he doesn’t let me drink with anything that has alcohol. Si Charles nga umiinom ng vodka. Hindi naman talaga ako umiinom but I want to try. Nasubukan ko ng uminom ng cocktail sa isang event sa school noon. Hindi ko na maalala ano bang lasa. “Kahit kaonti?” Subok

