Chapter 5

1890 Words
10 YEARS AGO Rian Marie's POV (Skye's mother) "Tara mylabs! Sundan natin sila!" Hikayat ko kay Loree. Gusto kong makita sa paglalaro ang dalawa. Kanina kasi ay napadalaw ang mag-asawang Mezzi rito sa amin. Nais makitang muli ni Eunice (Moon's mother) si Skye at dahil namimiss na rin namin ang cute nitong anak na si Moon, pumayag na rin kaming mag set ng date para rito. Tatlong taong gulang pa lamang ang mga bata nang muli kaming magkita kita. Kaya napag-usapan naming dito na lang sa bahay namin kami magsama samang maghapunan pero alas kwatro ng hapon pa lang ay narito na sila ngunit umalis din agad sandali dahil may urgent call si Danu (Moon's dad) mula sa kasamahan nito sa pagluluto. Iniwan na muna ng mag-asawa ang anak nilang si Moon sa amin dahil nawiwili na rin ito sa pakikipaglaro kay Skye. Babalik din daw naman sila bago mag alas siyete ng gabi upang makisalo na rin sa aming maghapunan. "Mylabs talaga. Hayaan mo na 'yang dalawa." Sagot naman ng asawa kong kay ganda. "Mamaya mo na tignan 'yang hot body mo diyan. Tara na, sundan natin 'yong dalawa!" Muli kong pilit sa kanya. Eh paanong kanina niya pa tinututukan 'yong kayganda niyang katawang cover ng magazine na hawak-hawak niya! Mahirap talaga magkaroon ng asawang diyosa. Tsk! "Mylabs naman! Tinitignan ko lang kung may ipinagbago ang katawan ko. Pakiramdam ko kasi lately ay napaparami ang pag kain ko." Hindi nakatinging sagot niya sa akin. Sa hawak-hawak na magazine pa rin ang mga mata. "Ano ka ba naman mylabs! Kelan ka ba tumaba?" Tanong kong may halong kapilosopahan. At kahit naman tumaba siya eh!... 'Di pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya. Siya pa rin ang babaeng mamahalin ko habang buhay. My one and only crush for the rest of my life. Kay sarap namang basahin 'yong pangalan ng model sa magazine cover! Discover the word 'Fashion' with this beautiful babe, Loree Mae Marco. Marco. That's my surname, isn't it? Haha "Rian mylabs, paalalahanan mo naman ako sa diet ko minsan." "Loree mylabs, hinding hindi ka makakapagdiet dahil araw-araw kitang bubu-" "Sugin ng pagmamahal mo? Haha! Alam ko na 'yang pick up line na 'yan mylabs eh!" "Bubugbugin! Huwag mo nga akong unahan mylabs!" "Aww ang Rian mylabs ko talaga. Haha. I love you." "Hmmpfft! Tampo ako!" "Psh, lika na nga! Sundan na natin 'yong dalawang batang magbibigay ng apo sa 'tin." Di na ako nakapalag pa nang mabilis niya na akong hinila patungo sa dalawang batang magkahawak kamay din na naglalakad palabas ng back door namin patungo sa mini garden na naroon. "Doon tayo sa may kulay pink na bulaklak skye!" Aya ni moon sa anak namin bago sila mabilis na tumakbo patungo roon sa mababang kinaroroonan ng gumamela. Magkaholding hands pa rin sila. Ang sweet! Tahimik ang mga hakbang na sumunod naman kami sa dalawa. Nakahanap kami ng matataguan malapit sa kanila saka matamang sinulyapan at pinakinggan ang mga ito. "Pwede kong pitasin?" Nakangiting tanong ni Moon kay Skye habang turo-turo ang gumamelang bulaklak na medyo may kataasan mula ulo nila. "Pwede siguro." Sagot naman dito ni Skye. "Wala bang magagalit?" -Moon Skye just shrugged. "Okay, pipitasin ko na ha." Nagpapaalam na tanong ni moon bago mabilis na binitawan ang hawak-hawak na kamay ni Skye. She tiptoed and tried to reach the flower but didn't succeed so she jumped once, twice, and thrice after she caught it in between her point and middle finger. "Mataas pala. Hehe." Komento ni Moon habang hawak-hawak na sa isang kamay nito ang bulaklak. "Ayan pinagpawisan ka na." Lumapit kaunti si Skye para punasan ang noo ni Moon gamit ang mga kamay niya. "Salamat. Para sa'yo." Inabot ni Moon ang bulaklak dito. "P-para sa akin?" Tumango lang si Moon sa kanya. Nagtataka pa man ay tinanggap niya rin ang bulaklak bago nagpasalamat. "Teka Skye sandali. Akin na muna. Ilagay natin sa taas ng tenga mo." Aniya bago ipwenesto ang bulaklak sa taas ng tenga ni Skye saka nangingiting pinagmasdan ang itsura nito. "How do I look now?" Skye asked, smiling. Napataas ang isang kilay nito nang hindi siya sinagot ni Moon. Palipat lipat ang mga tingin nito sa itsura niya at sa bulaklak sa taas ng tenga niya. "Moon!" "Huh?" "Tinatanong kita. How do I lo-" "Wonderful. Maganda, mas maganda ka pa sa bulaklak skye." Aww. Ang sweet-ouch! "Aray mylabs!" Bulong na reklamo ko sa asawa ko. Ang sakit mamalo! "Eh sa kinikilig ako mylabs! Haha parang ikaw lang kasi si Moon eh. Ang cheesy! Hahaha!" "Sssshh hinaan mo lang nga boses mo mylabs, mabubuking tayo eh." "Mahina lang nga eh. Psh tingin ka na ulit doon, 'di na kita papaluin kapag kinilig ako ulit promise." "Promise 'yan ha?" "Promise nga. Psh." "Tignan mo skye! Kasing kulay na ng cheeks mo 'yong kulay ng bulaklak ngayon. Hehe." Nangingiting sabi ni Moon. "Mas maganda ba talaga ako sa bulaklak na 'to Moon?" Tanong naman dito ni Skye. "Wala namang itsura 'yong bulaklak kaya lamang ka. Haha!" -Moon "Ang sama mo." -Skye "Haha, biro lang! Kamukha mo si tita loree." -Moon "Mama ko eh." -Skye "Ang ganda ng mga mata mo. Brown na brown katulad 'nong kay tita rian." -Moon "Mama ko rin eh." -Skye Napatigil sa pag-uusap ang dalawa nang nasundan ng mga tingin nila ang pusang dumaan sa pagitan nila. "Si Tab! Paanong nakalabas 'yan sa kwarto natin?" Mahina ngunit nagtatakang tanong ng asawa ko sa akin. Si Tab ay ang pusang alaga ng asawa ko. Babae si Tab at may asawa na rin siya. Si Caps Lock. Pusa ko si Caps Lock, babae rin. May kapatid na lalaki si Caps Lock bago namin siya binili. Ipinagbubuntis ni Tab ngayon ang magiging anak nila ng kapatid ni Caps Lock. And since si Tab at si Caps Lock naman na ngayon ang nagsasama, it's official na pareho na nilang magiging anak 'yon. Napagplanuhan na namin ang pangalan ng magiging anak nila. Shift. Haha "Naku baka anong gawin ng mga bata sa kanya." Nag-aalalang dagdag pa ng asawa ko. "Mas concern ka pa sa pusa kaysa sa mga bata?" Naglolokong tanong ko naman sa kanya. "Ano ka ba mylabs, buntis si Tab! Baka buhat buhatin nila eh!" "Relax ka lang Loree mylabs, walang mangyayaring masa-" "Skye! Gusto ko siyang ipaluto sa yaya ko at kainin! Mukhang mas masarap pa siya sa manok! Haha, tara dakipin natin!" "Hoy moon teka lang! Kawawa si Tab kapag kinain mo! Sandali!" Dahan-dahan akong tumingin sa asawa ko. Nangingiti na ipinahihiwatig sa kanya na hindi ako seryoso sa sinabi kong walang mangyayaring masama sa pusa niyang si Tab kaya mag relax lang siya. "Di ko naman alam na gusto pa lang kumain ni Moon ng pusa mylabs. He-he." Di siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin ng masama habang abala naman sa paghahabulan ang dalawang bata... Oo, isali na rin natin 'yong nagdadalang taong pusa este buntis na pusa sa paghahabulan ng dalawang bata. "Kapag napahamak si Tab, Rian hinding hindi mo na ako maikakama ulit, tandaan mo 'yan!" Walang halong biro na babala sa akin ng asawa ko. Ampupu daya naman! Kasalanan ko bang naririyan si Tab ngayon? Idadamay pa 'yong kama eh -_- "Parang nakakatampo naman 'yang consequence mo mylabs. Oo na, kukunin ko na si Tab doon sa dalawa. Iaakyat ko na sa kwarto natin at ikaw na bahala sa mga bata muna." Malungkot na medyo nagpapacute na sagot ko sa kanya bago ako lumabas ng pinagtataguan namin. Nakakatampo talaga siya. Nakipaghabulan na lang din ako sandali sa mga bata bago ko mahuli si Tab. "Papasok na muna ako ng bahay, okay? Laro ulit tayo mamaya. Hintayin niyo ako." Bilin ko sa dalawang bata bago muling pumasok sa bahay habang dala-dala na sa mga bisig si Tab. "Tandaan niyo ha, hindi masarap ang pusa. Okay, Moon?" Pangangaral ni Loree sa dalawa lalo na kay Moon. "Tara na sa loob at medyo dumidilim na." Hikayat nito sa mga bata. Nakakatampo talaga. Hmmfpt! Maghanda siya sa akin mamaya, hinding hindi niya ako mayayayang makipag ano sa kanya! Daya niya. -- "Thanks for the dinner, Rian and Loree. We've enjoyed it here at malamang ay nag enjoy din si Moon." Galak na pasasalamat ni Eunice pagkatapos namin silang maihatid sa labas ng bahay. "We wanted to stay a little longer pa sana pero kailangan na ring magpahinga ni Moon. May District Taekwondo Kicks and Blocks Competition pa ito bukas." Sabi naman ng asawa nitong si Danu habang karga-karga si Moon. Halata na rin sa mukha ng bata ang antok. "Wow talaga? Good luck and God bless Moon! Pray to God before competing, okay?" Nangingiting sagot ng asawa ko kay Danu bago binigyan ng halik sa pisngi ang bata. "Thank you tita loree." Pasasalamat naman ni Moon sa kanya. "Galingan mo ha? We'll miss you. Balik ka ulit dito minsan ha?" I said. "Opo, tita rian. Salamat po." Napipikit na sagot ng bata sa akin. "Bye skye. See you in school." Nakangiting paalam din ni Moon sa anak naming si Skye na nakahawak sa magkabilang kamay namin ng asawa ko. "Advance congratulations, moon. See you!" Skye replied. "Haha, masyadong advance ka honey." Natatawang sagot ni Eunice sa anak namin bago yumuko para bigyan ng halik ito sa noo. "Paano? Mauuna na muna kami. Salamat ulit Rian and Loree." "Sige, mag-iingat kayo. Babye." -- "Wala ba kayong assignments?" Tanong ko kay Skye. Nauna na si Loree sa kwarto namin. Dinaanan ko na muna ang prinsesa namin dito sa kwarto niya upang sigaraduhing maayos itong makakatulog. "Wala po, mom." Inaantok na sagot nito. Hindi pa ito tapos magpunas ng medyo basa pang katawan. Malamang ay katatapos pa lamang niyang mag half bath. "Come, let's get you dressed up." Tinulungan ko na siya sa pagsuot ng pantulog niya bago siya ipwenesto sa kama niya. "Sleep well, okay? Good night baby." "Good night, mom." Then I kissed her forehead and turned off the light before leaving her room. Ang bilis ng panahon. Mukhang kailan lang noong ipinanganak siya ng asawa ko. Ngayon ay pitong taong gulang na siya. Bukas malamang ay dalaga na siya. Hay. "Nagtatampo ka ba sa akin mylabs?" Loree asked the moment I entered our room. Binigyan ko lang siya ng isang matipid na ngiti at nahiga na agad sa kama nang hindi siya pinapansin. Alam kong katatapos niya lang mag shower dahil kalalabas lang din niya ng banyo namin. Pero bihis na rin siya nang makapasok na ako. "Rian naman, I'm so sorry. Please?" She said. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa kama. Walang pag-aalinlangang niyakap ako agad. "Mylabs, sorry na." She apologized once more. Medyo nahirapan pa siyang abutin ang kabilang pisngi ko para halikan. Nakatalikod kasi ako sa kanya. "Rian isa! Kapag hindi mo ako hinarap rereypin kita, sige ka." Ngali-ngaling napaharap ako sa kanya bigla. Hindi dahil sa gusto kong magpa r**e. Kundi para I reject siya. Hmpft! Akala niya ha! "Wala ako sa mood Loree. Next time na lang." "Uy, nagtatampo talaga siya. Dali na mylabs, ready na ako." Ready na raw siya! Ugh! "Rian mylaaaabs..." Seductive na sabi nito bago niya sinimulang halik-halikan ang leeg ko. Argh shet! Mareresist ko ba 'to? Ang hot nitong asawa ko eh! Ugggghh!! "Wag na magtampo baby. I love you, I love you Rian ko." Ugh! Wala na akong magagawa! Those three words from her really make me weak. So I faced her and looked at her in her eyes. "I love you, Loree." She just smiled in response, looked down on my lips and started kissing them. I kissed her back before she started moving down to my neck then back to my lips. "Own me tonight." She whispered in between our kisses before I felt her hand getting inside my pajama shorts. Then our door opened... "Mom Rian? Mommy Loree? Can I sleep here? I'm a bit afraid." Aww. Skye entered, squeezing her eyes. Phew! Buti na lang may comforter! At buti na lang na hindi pa kami hubad. Lol "Sure baby. Come here!" Loree welcomed her. Mabilis din naman siyang nakaakyat ng kama namin. She positioned herself between us. Loree gave her a kiss on her forehead and started singing a lullaby song for our baby. Nanghihinayang man kaming pareho sa naudlot na 'love making' ay wala kaming magagawa. Anything for our baby girl. Okay lang, may next time pa naman. We both hugged Skye before closing our eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD