Chapter 9

2983 Words
Dos "Dos, gising na! Dos!" Nagising ako dahil sa kayuyugyog sa 'kin ni Jules. "Jules, five more minutes," inaantok ko pang sagot at nagtalukbong ulit. Mabilis niyang hinila sa 'kin ang kumot kaya bumangon na rin ako. "Kumusta naman ang tulog mo Dos?" tanong niya habang pababa kami. "Ano sa tingin mo Julianne? 'Di ba halata?" iritadong tugon ko. Puyat na nga, wala pang tulog. Saka kapag tulog na lang nga tahimik ang buhay ko, naiistorbo pa rin. Pagbaba namin ay nadatnan namin sa sala si Cami na bagong ligo at nakagayak na. "Sa wakas, bumaba na rin kayong dalawa. Dalian niyo na at papasok na tayo. Anong oras na oh," bungad niya agad sa 'ming dalawa habang prenteng nakaupo sa sofa. Napahikab naman ako bago magsalita,"Papasok na agad tayo? 'Di ba puwedeng um-absent muna? Inaantok pa ako eh." Ang aga-aga kasi kaya nakakatamad. "Oo, talagang papasok na tayo. At ikaw Julianne, kumilos ka na rin! Kanina ka pa gising pero 'di ka man lang nagluto ng agahan natin. Wala ka talagang kuwenta. Puro ka landi," puna naman niya sa kasama ko. "Ikaw ba si Dos para ipagluto kita ha? Saka wow, nakakahiya naman sa may-ari ng bahay kung makapagsalita ah!" sarkastikong saad naman ni Jules. "Oo, talagang mahiya ka sa 'kin Julianne! Tapos tatanungin mo ako kung ako ba si Dos? Oh god, Julianne Red! A-ako 'yong nauna rito p-pero mas gusto mo 'yong pangalawa. Bakit? Ano bang meron sa dos na wala sa uno? Dahil ba mas matimbang 'yon?" madamdaming pahayag ni Cami at napatayo na siya. Nagulat naman si Jules at mabilis na nilapitan si Cami habang ako nama'y pinapanood lang silang dalawa. Nalilito kung anong pinag-uusapan nila. Hinawakan ni Jules sa magkabilang balikat si Cami at tinitigan ito sa mata. "Camille, oo, alam kong ikaw ang nauna rito pero ang dos..." "Ano?" 'Di na rin ako nakakilos dahil sa dalawang kasama ko. Parehas kong inaabangan kung ano ang kanilang mga sasabihin. "Ang dos..." "Ay..." "Dalawang..." "Uno." Mabilis na hinampas ni Cami si Jules na ngayon ay nagpipigil ng tawa. "Gago ka talaga Red! Napakawalang-kuwenta mo talaga! Isa kang bukod-tanging animal na dalawa lang ang paa!" sigaw niya at nanguha na ng unan para ibato kay Jules. Napangiti naman ako sa kakulitan nilang dalawa. Wala na talagang dadaig sa trip nilang dalawa. "Oh Dos, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Wala ka man lang bang ambag diyan? Siguro nama'y nawala na 'yong antok mo 'no?" pukaw na naman niya sa 'kin. "Ang cute niyo kasing tingnang dalawa. Ganyan ba kayo magmahalan? Dapat everyday ganyan para naman matuwa ako kahit wala akong tulog dahil sa inyo." "Isa ka pa Dos Uy! Puwede bang umalis-alis na kayong dalawa sa harap ko! Kung magmamahal lang din ako ng katulad niya, magmamadre na lang ako. Kumilos na nga kayo, mga dugyot," pagtataboy niya sa 'min. Agad na lumapit sa 'kin si Jules. "Tutal late na rin naman tayo, ihanda mo na 'yong sasakyan, Camille habang hinihintay mo kami para naman may pakinabang ka. Sayang naman 'yang porma mo kung puro hugot ka lang!" Sasagot pa sana si Cami ngunit kinaladkad na ako ni Jules papuntang cr. Puro sigawan pala ang mangyayari sa 'min kung magkakasama kaming nakatira sa iisang bahay. At ako panigurado ang laging mapagti-trip-an. "Dos, ano pang hinihintay mo? Maghubad ka na! Sabay na tayong maligo!" sabi sa 'kin ni Jules at nagmamadali na rin niya akong hubaran. "Ako na Jules! Mauna ka na. Teka, dahan-dahan lang. Wait—" Bago pa ako makasagot ay binuksan na niya ang shower at itinutok sa 'kin. Tuluyan na akong nabasa pati na ang suot kong damit. "Ayan, ayaw mo pa kasing maghubad eh di binasa na kita. Tayong dalawa lang naman dito saka ngayon ka pa ba mahihiya eh ang tagal ko nang nakita 'yan," nakangising saad ni Jules na ngayon ay tuluyan ng nakahubad sa 'king harapan. Bigla namang tumayo ang aking balahibo at bahagyang nanginig. "Buwisit ka Julianne! Ang lamig-lamig no'ng tubig saka wala ka bang heater diyan?" "Nandito naman ako kaya 'di na kailangan ng heater. Ako na lang ang magpapainit sa 'ting dalawa. Mas effective 'yon. Tipid na, libre pa," pilyang sabi pa niya. 'Di ko na siya pinansin pa at hinubad ko na rin ang aking saplot. Nagsimula na akong mag-shampoo at magsabon. Nang sasabunin ko na ang aking likod ay biglang nagsalita si Jules sa likuran ko. "Ako na, Dos." Iniabot ko na sa kanya ang sabon at bath sponge. Sinimulan na niyang sabunin ang aking likod pababa. Nakaramdam naman ako ng kiliti dahil sa hagod ng kanyang kamay sa aking balat. "Jules, kanina ka pa ha! Tigilan mo nga ako!" saway ko sa kanya dahil pinisil niya ang aking puwet matapos niyang sabunin ang likod ko. Binuksan ko na ang shower at nagbanlaw na. Patuloy lang ang paglagaslas ng tubig sa aking katawan ay siya ring biglang paglapat ng katawan sa 'kin ni Jules at niyakap ako mula sa likuran. Ano na naman kayang nasa isip nito? Nanatili lang kami sa ganitong posisyon nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang ang kanyang kaliwang kamay ay abala sa paghaplos sa aking noo pababa sa 'king leeg. "Naglalagay ka pa ba ng ointment, Dos? Bakas pa rin 'yong mga peklat mo," mahina niyang sambit. "Ha? Peklat? 'Di naman na halata dahil maliit lang saka 'di ko pinapansin. Hayaan mo na lang." Hindi na siya sa sumagot pa at sa halip ay niyakap niya ako nang napakahigpit. Nagtataka ma'y hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa 'ming paliligo. *** "Sa wakas, nilabasan na rin kayo este lumabas na rin kayo! Grabeng paliligo 'yan Julianne at Dos, inaabot ng oras. Natanggal ba 'yong mga kati-kati mo, Julianne? At ikaw naman Dos, landi rin muna bago ligo 'no?" sita na naman ni Cami sa 'ming dalawa nang dumating kami. "Alam mo Camille, mabuti pa sumakay na tayong tatlo. Second subject na natin oh saka speaking of ng tanong mo, nadagdagan lalo 'yong pangangati ko." "Anong landi na sinasabi mo, Cami? Naligo lang kami ah," mariing tanggi ko at sumakay na kami ni Jules. "Deny pa sige pero bahala kayo 'di naman ako ang masasaktan," sabay tawa nito at sumakay na rin. "Ikaw kasi 'yong nananakit kaya paano ka masasaktan," biglang singit ni Jules na kasalukuyang katabi ko sa back seat. "May araw ka rin, Julianne Red!" at pinaharurot na ni Cami ang sasakyan habang ang katabi ko naman ay nakangisi. Pagkarating namin ay dumiretso na kami sa 'ming classroom. Kasalukuyang nagdi-discuss ang aming prof. Papasok na kami nang bigla itong huminto sa pagsasalita at napatingin sa 'ming tatlo. "Nandito na pala ang tatlong magagaling at nangunguna kong estudyante. 'Di ba Ms. Red, Ms. Villacorte and the last but not the least, ang pinakamagaling sa lahat, Ms. Uy?" Ang OA naman nitong si ma'am. Parang 'di rin naman siya nasarapan sa ginawa namin no'n sa library. "Ah eh good morning po ma'am. Puwede na ho ba kaming umupo?" walang pakundangang tanong ni Cami. Bilib talaga ako sa 'yo Cami. Lakas ng loob lagi. Walang sinasanto. "Walang uupo sa inyong tatlo. Pumunta na kayo sa office ni Mr. Topacio ngayon din. Kanina niya pa kayo hinahanap lalong-lalo ka na, Ms. Uy." "Okay po ma'am. Pupunta na ho kami," paalam ni Cami at nauna nang lumabas. Sumunod naman kaming dalawa ni Jules. "Anong problema ni ma'am? Laging badtrip sa 'ting tatlo lalo na sa 'yo Dos. Eh wala naman tayong ginagawa saka magagaling naman talaga tayong tatlo sa klase niya 'di ba?" litanya ni Jules sa 'min ni Cami. Naglalakad na kami ngayon papuntang office ni Topa. Sumagot naman si Cami. "Malay ko ro'n. Laging mainit ang dugo sa 'tin. Dos, 'di ba natikman mo na 'yon si ma'am? Matagal-tagal din kayo 'no? Two months ba? Buti pala 'di ako sumama no'ng niyaya mo ako noon para tatlo tayo." Bigla namang napahinto si Jules nang marinig ang sinabi ni Cami at nagtatanong ang mga matang tumingin sa 'kin. "Camille kasi ang daldal, mamaya may makarinig eh. Anyway, matagal na 'yon. Past is past. Naging gano'n lang naman si ma'am dahil nalaman niyang pinagsabay ko sila ni Ivy. Huwag niyo na lang isipin. Wala na 'yon. Si Cami nga 'yong bestfriend naman ni ma'am ang pinatos," balewalang sabi ko naman kay Jules na 'di pa rin makapaniwala. 'Di na kumibo pa si Jules at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. "Hay nako isang puso na naman ang nasaktan. Try mong uminom ng Del Monte heart smart. Baka sakaling gumaling 'yan. It's good for the heart daw eh." 'Di ko alam kung anong pinagsasabi ni Cami. Parang tanga lang eh. "Tangina niyong dalawa. Nandito na tayo," gigil na sambit ni Jules at nauna nang pumasok. Problema nitong dalawa? Parang kanina lang ang ayos nila ah. Mga baliw talaga. Pagpasok namin ay naabutan namin si Topa na nakaupo habang abala sa mga folders sa kanyang mesa. "Good morning po sir. Pinapatawag niyo ho kaming tatlo?" Sabay-sabay na kaming umupong tatlo. Pinagigitnaan namin si Cami. Nahinto si Topa sa pagbubuklat ng folders at nag-angat ng tingin sa 'min. "That's right, Ms. Villacorte. In fact, tatlong oras ko na kayong hinihintay. Anyway, I also received an emergency message yesterday from your parent. Hinahanap ka dahil hindi ka raw umuwi kagabi, Ms. Dos Uy. This is the second time and I warned you already," seryosong sabi nito lalo na sa 'kin. Tahimik lang na nakikinig ang mga kasama ko. "Nag-training po kaming tatlo—" "I don't need your explanation Ms. Uy. You should explain this matter with your parents. This also applies to the both of you. Matatanda na kayo kaya alam niyo na ang mga responsibilities at consequences ng pinaggagagawa ninyong tatlo," baling naman niya kay Cami at Jules. Sesermunan lang naman niya ata kami. 'Di ata siya napapagod sa 'min. "Is that all po sir? May klase pa ho kami," matapang na tanong ni Cami. "I'm aware of that, Ms. Villacorte. Importante rin naman itong sasabihin ko. So here it is, the three of you are currently members of our tennis varsity team, right? The good news is, our tennis varsity team has a new sponsor. Masuwerte ang university natin dahil sa dinami-rami ng universities dito sa Pilipinas ay tayo ang napili. Napakalaking tulong nito sa inyo." 'Di naman namin napigilang matuwa dahil sa sinabi ni Topa. Napatingin pa ako kay Cami dahil nakaramdam ako ng excitement at gano'n din siya. Ito lang ata ang magandang sinabi niya sa 'min. "Nakakatuwa 'di ba? But to remind you, naka-pending ang membership niyo dahil sa ginawa niyo last time. So it means 50-50 pa kayo sa inyong membership unless makapag-sign na ang bagong sponsor at mapakiusapan niyo siya. In-assessed na rin kasi niya ang mga current players na member ng team. Any violent reactions?" dagdag pa ni Topa. Walanghiya ka talaga Topa. Paasa. Buwisit. Ang ayos na pero binawi rin. "Sir, final na ba 'yan? We are aware of what we did last time but it wasn't entirely our fault why we acted like that. Don't you think that it's a bit unfair for us? We did everything to give pride in this university yet here we are, suddenly become pending players," seryosong sabi ni Jules na ikinatingin namin ni Cami sa kanya. Kakaiba talaga 'tong mga kasama ko. Buti pala sila ang mga naging kaibigan at kasama ko sa mga ganito. Huminga muna nang malalim si Topa bago magsalita. "Ms. Red, we appreciate that. Thank you to the three star players who gave pride to our university but—we don't tolerate unruly behaviors in Ashford Imperial University. And everything is fair here, Ms. Red," kalmadong tugon niya sa 'min. Tuluyan nang napatayo si Jules. "But sir, 'di niyo ba puwedeng i-consider—" "Like I said a while ago kung nakikinig ka sa 'kin, hindi ako ang kailangan niyong pakiusapan kung di—" Nahinto si Topa sa pagsasalita nang biglang may kumakatok sa pinto. "Wait lang, nandito na ata siya—ang new sponsor ng tennis team." Tumayo na si Topa upang pagbuksan ang sinumang tinutukoy niya habang kami naman ay nakaabang din kung sino ang panauhing 'yon. "Tingnan mo 'tong si Topacio, diyan pa talaga siya makipag-usap sa may pintuan. Puwede naman niyang papasukin na 'yong letseng new sponsor. Kung itulak ko 'yang pinto nang maipit 'yang leeg niya. Nakakainit talaga siya ng dugo," mahina at gigil na sambit ni Cami. "Camille, puwede ba, tumahimik ka? Nakakagigil ka rin," at napalingon sa 'min si Jules na mukhang iritado rin. "Alam niyo kayong dalawa, kanina pa kayo ganyan simula no'ng papunta tayo rito. May problema ba kayo sa isa't—" "Dos, please? 'Wag ka ng dumagdag pa, okay?" nagpipigil ding pakiusap sa 'kin ni Jules. Wala naman akong ginagawa ah saka nananahimik lang ako eh. Sila nga 'tong maiingay. Idamay pa ako sa mga kaartehan nila. Nagkukumpulan na kaming tatlo rito sa loob nang bigla kaming natigil sa aming mainit na diskusyon. "Everybody sit down, please. May I introduce to you the new sponsor of Ashford Imperial University's tennis team—" Mabilis kaming napalingon kay Topa lalo na kasama niya ngayon. Para na kaming tinakasan ng aming mga kaluluwa sa nakikita namin ngayon. "Qué horror." "Ay dios mio." "Oh my god." 'Yan lang ang tangi naming nasambit at wala ng lumabas pang mga salita sa aming bibig. "Ms. Red, Ms. Villacorte and Ms. Uy, nakikinig ba kayo?" pukaw ulit sa 'min ni Topa ngunit para pa rin kaming bingi kaya nakarinig na lang kami ng isang malakas na hampas sa kanyang mesa. Dito lang kami natauhan. "Ah opo sir. Nakikinig po kami," alanganing sagot ni Cami. "What did I say, Ms. Villacorte?" Nagsisimula na siyang mainis habang ang katabi niyang nakatayo ay blangko lang na nakatingin sa 'min. "We knew her already," balewalang saad naman ni Jules. "Yes sir," ang tangi kong naisagot. Wala akong masabi saka kinakabahan ako. Sana pala umalis na kami no'ng kausap pa siya ni Topa kanina. Napailing na lang si sir sa 'min. "Dahil lumilipad ang isip niyo kanina ay uulitin ko ang aking sinabi." Bumaling ulit siya sa kasama at ipinakilala ito sa 'min. "This is Ms. Tokugawa, the new sponsor of Ashford Imperial University's tennis team. She is also an owner of one of the biggest shipping companies in Japan and Philippines." "That's enough, Mr. Macario Topacio," tipid nitong sabi na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Topa. Ito namang si Topa wagas kung makatingin sa kabuuan nito. Simpleng manyakis ka pala Topa. "Ryota, hand over the documents I signed to him," malamig pa rin nitong sabi sa kanyang bodyguard na lumapit din agad at ibinigay ang isang folder. "Thank you very much Ms. Tokuga—" "Can you leave us for a moment, Mr. Topacio? I badly want to talk with them, privately," mariing utos niya pa. Sasagot pa sana si Topa ngunit seryoso na siyang tiningnan nito sa mata. Dali-daling iniligpit ni Topa ang mga folders sa kanyang mesa kasama ang folder na ibinigay sa kanya saka mabilis na umalis. Nang makaalis na si sir ay lumapit na siya sa gawi ko at nakatayong sumandal sa mesa saka humalukipkip. Katapat ko siya ngayon. Bahagya naman akong napaatras dahil kaunti na lamang ang aming pagitan. Nakaramdam na naman ako ng kaba at wala sa sariling napalunok nang mapagmasdan ko ang kanyang kabuuan. "May pag-uusapan pa ba tayo? O puwede na kaming bumalik sa 'ming mga klase?" basag ni Jules sa katahimikan. "The two of you, get out...now," sagot niya kay Jules ngunit sa 'kin siya nakatingin. Susugurin na sana siya ni Jules nang mabilis itong napigilan ni Ryota. Sinenyasan na niya ang kanyang limang bodyguards at walang ano-ano'y kinaladkad ang dalawa kong kaibigan. Susunod na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso. "What do you want?" pabalang kong tanong sa kanya. 'Di na niya kami tinigilan. Lalo na ako. "You." Ito na naman siya sa mga ganito niya. Hindi ba talaga siya nagsasawa sa 'kin? Wala naman siyang mapapala kung ganito talaga ako. "Seryoso ako. Ano bang gusto mo para lang tigilan mo ako? Gagawin ko agad. Sa paraang gusto mo." Mabilis niya akong hinila palapit sa kanya at tinitigan ako sa mata kasabay nito ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa lapit namin sa isa't isa ngayon. Hinihintay ko siyang sumagot ngunit niyakap lang niya ako nang mahigpit. "Mas seryoso ako. Wala akong ibang gusto. Ikaw lang." Agad ko siyang itinulak. "Puwes, hindi kita gusto! Kaya puwede ba, tantanan mo na ako!" sigaw ko sa kanya dahil 'di pa rin siya natitinag. Bigla naman siyang natawa. "Hindi raw gusto pero enjoy na enjoy sa mga halik ko," nakangisi niya pang saad. Ang matandang 'to napaka-feeling din eh. Akala niya madadala niya ako sa paganyan-ganyan niya. Ay 'di nga ba Dos? Ba't no'ng hinalikan ka ni Julianne, siya ang nasa isip mo? "Ba't natulala ka na diyan? Sinasabi ko na nga ba. Umuwi ka na sa mansion mamaya. Hihintayin kita." Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan. "Ano?! Ayoko nga! Basta tigilan mo na ako." "Okay. Madali akong kausap. Sasabihin ko na kay Mr. Topacio na tuluyan na kayong tanggalin sa tennis team lalo ka na," malamig niyang sabi. Akmang aalis na siya nang mabilis ko siyang hinawakan sa damit. "Oo na uuwi na ako. Basta 'wag mo na kaming ipatanggal sa team," pakiusap ko sa kanya. Kahit labag man sa loob ko 'tong ginawa ko ay kailangan kong gawin dahil napakahalaga ng tennis sa 'ming tatlo. "I'll think about—" "Please? Gagawin ko lahat basta pumayag ka lang," pagmamakaawa ko pa rin. "Then be ready. Always. See you later, don't be late," at mabilis niya akong siniil ng halik. Ilang saglit lang ay umalis na siya habang ako'y naiwang nakatulala at napahawak na lang sa 'king dibidib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD