Chapter Four

1044 Words
"Ilan ang gusto mo?" tanong ni Kuya Soul na nakaturo na ang daliri sa favorite cake ko. Huminto kami saglit dito sa cake store na palagi kong binibilhan ng paborito kong strawberry cake. Hindi na ano ang tanong ni Kuya. Dahil alam na alam nito kung ano talaga ang gusto ko. "Dalawa?" ngiting-ngiti na tanong ko rito. "2 slice rito, Miss." Agad akong kumapit sa braso ni Kuya Soul na malawak pa rin ang ngiti at halatang excited sa libre nito. "Drinks mo?" tanong nito sa akin. "Water lang, Kuya!" tumango ito at bumili na rin ng bottled water. Hindi naman kami mag-stay rito. Dahil naghihintay na ang mga kaibigan n'ya sa amin. Nang makapagbayad ito'y dali-dali na rin kaming umalis. Si Kuya rin ang nagmaneho, may lisensya naman na s'ya at matanda na s'ya para mag-drive. Sinimulan kong kainin ang cake habang pakanta-kanta itong nagmaneho. "Gagabihin ba tayo roon?" tanong ko sa pagitan nang pagnguya. "Hindi naman. Saglit lang na tambay sa view deck na kao-open tapos uuwi rin." "Hindi kayo mag-iinom?" gulat na tanong ko rito. "Masama sa health iyon, Bible." Napaangat ang kilay ko. Hindi kumbinsido sa sinabi nito. "Takaw alak kayo, tapos ganyan ang maririnig ko sa 'yo? Himala iyon, Kuya." "Tsk. Saka kasama kita at ibang lugar ang pupuntahan natin. Sa tingin mo ba maglalasing ako? Hindi pwede iyon." Protective. Ganyan ang kapatid ko. Sa ilang taon na halos ito lang ang sandalan ko'y hindi nagbago ang pagiging protective nito sa akin. Dumagdag pa ang mga kaibigan nito na itinuring na rin akong little sister nila, kami ni Batsy. Naubos ko na ang isang slice ng cake bago kami nakarating sa sinasabi nitong bagong bukas na view deck. Naroon na ang mga kaibigan nito na agad naming nakita. Obvious naman kasi, agaw atensyon at stand out talaga ang mga ito dahil sa mga itsura nila. Ipinark muna nang maayos ni kuya ang sasakyan. Hinintay ko itong makababa saka n'ya ako pinagbuksan ng pinto. Iniayos pa nito ang suot kong sumbrelo saka binitbit ang tubig ko. Iniwan ko na lang ang cake sa sasakyan saka dinampot ang shoulder bag. Nang makatiyak na lock na ang sasakyan saka n'ya ako inakbayan at lumapit sa grupo nila. "Hi, Bible!" mas una pa akong binati ng mga ito. Parang mabilis na nag-move on sa ginawa kong kalokohan sa ilan sa kanila. Agad na tumayo si Kuya Shade at sumenyas sa akin na maupo ako sa iniwan n'yang pwesto. Wala si Batsy, nasa parents n'ya. Kaya ako lang ang kasamang babae ng mga ito ngayon. Sinulyapan ko si Yko na agad ngumiti sa akin nang umupo ako sa tabi nito. Mukhang gustong mag-relax ng magkakaibigan kaya napili ang lugar na ito. Hapon na, paalis na ang ilang guest kaya naman mas naging maaliwalas ang view. "Bible, gusto mo bang mag-picture roon?" tanong ni Kuya sa akin. Napatingin naman ako sa itinuro nito. "Not interested." Sagot ko saka nangalumbaba. "Dude, doon muna tayo." Yaya ni Kuya Cayde. "Sige na, ako nang magbabantay kay Vera." Mabilis na ani ni Yko. Sa kanilang lahat, ito lang ang hindi ko tinatawag na Kuya. Mukha naman s'yang kagalang-galang pero ewan ko ba. Ayos lang naman iyon dito. "Bantayan mong mabuti iyan. Huwag mong hayaang may ibang lumapit d'yan." Si Kuya na inakbayan na ni Kuya Landon. Ilan sa mga kaibigan ni Kuya ay kauuwi lang ng bansa. Ilan ay mga busy na at ito lang ang time na makapag-relax. Naiwan kami ni Yko. Kapwa tahimik. "Kumusta ang studies?" tanong nito sa akin. "Okay naman. Nape-perfect naman ni Kuya ang mga assignment ko." Nakatulala sa magandang tanawin na sagot ko rito. Napabungisngis ang lalaki sa tabi ko. Totoo naman ang sinabi ko eh. Tamad akong mag-aral, pero ang akala ng lahat ay super sipag ko. Kapag sa school, oo, ginagalingan ko. Pero kapag mga assignment na, si Kuya ang nilalambing ko para gawin ang mga iyon. "Wala namang nanliligaw?" bahagya ko itong sinulyapan. "Wala naman. Hindi naman ako interesado." Sagot ko rito. "Good. Bata ka pa, kapag nasa tamang edad ka na saka lang kami papayag." Napasimangot ako nang harapin ito. "Bakit kasama kayo? Si Kuya lang at si Lolo ah!" "Para ka na naming little sister. Kikilatisin muna namin tapos saka lang kami papayag kapag pasado na." "Tsk. Matagal pa iyan. Baka nga malabo pa." "Bakit naman?" tanong nito sa akin. "Dahil hindi ako interesado. For sure pasasakitin lang ng lalaki ang ulo ko. Tiyak din na magaling lang sila sa simula tapos kapag hulog na hulog ka na ay saka sila mawawala." "Hugot ba iyon?" nakangising tanong nito pero umiling ako. "Reality lang. Wala rin akong balak. Pare-pareho lang kayong mga lalaki. Iyang kuya ko, isa rin iyan. Playboy! Kapag kinarma kayo ay ewan ko na lang ha!" "Tsk. Wala akong girlfriend. Hindi pare-pareho ang mga lalaki." "Hindi pa rin mababago ang isip ko. Pare-parehong manloloko, pare-parehong nang-iiwan sa ere." Hindi na sumagot si Yko sa sinabi ko. Bumuntonghininga pa nga ito. "Excuse me, miss!" napalingon kami ni Yko sa lalaking lumapit. Sa tingin ko'y kaedaran ko lang ito. Iniaabot nito ang kulay puting rosas na sa tingin ko'y pinutol lang nito sa tanim dito sa view deck. Tinignan ko lang iyon at hindi ko tinanggap. "For you." Inilapit pa nito iyon sa akin. Nang tumikhim si Yko ay saka lang gumawi ang tingin ng lalaki sa katabi ko. "Kuya ka po ba n'ya? Ang ganda po kasi ng kapatid n'yo." Nang tignan ko si Yko ay matalim na ang tingin nito sa binatilyo na napakamot ng ulo. "Paktay, mag-jowa ata sila." Dali-daling umalis ang lalaki, bitbit ang binibigay n'ya kaninang bulaklak sa akin. "Kuya Yko." Nakangising ani ko rito. "Shut up, Vera." Inirapan ako nito. Malakas akong natawa. Isa si Yko sa close ko talaga sa mga kaibigan ni Kuya. Madalas kong kabiruan at madalas na pinagtri-trip-an. Protective rin, palibhasa'y itinuturing din akong kapatid. Hinubad nito ang suot na jersey na jacket. "Suot mo nga ito. Malamig na." Nakasimangot na ani nito. Tinanggap ko naman iyon at tinulungan pa nga ako nitong maisuot iyon. Nakaburda sa likod no'n ang apelyedo ni Yko. Aragon. "Wala kang planong sumunod sa mga kaibigan mo?" tanong ko rito. "Wala. Dito lang ako sa tabi mo, bata." Nanunulis ang ngusong ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD