Chapter 1– That afternoon.

673 Words
Second year na si Aria Santos, BSBA student sa isang private university sa city. Kilala siya sa campus hindi lang dahil maganda siya, kundi dahil may talent talaga. Singer siya sa school events, dancer din kapag may performances, at kapag may competition, madalas kasama ang pangalan niya sa listahan ng participants. Competitive siya by nature hindi dahil gusto niyang lamangan ang iba, kundi dahil ayaw niyang mag-settle sa “pwede na.” That afternoon, tapos na ang last class niya. Medyo pagod siya mentally kaya imbes na dumiretso sa dorm, naglakad muna siya sa campus. Mahilig siyang maglakad kapag maraming iniisip mas malinaw siyang mag-isip kapag gumagalaw. Napadpad siya malapit sa Engineering Building, isang lugar na bihira niyang puntahan. May bakanteng bench sa ilalim ng puno, kaya doon siya umupo. Inilapag niya ang bag niya sa tabi at sinandal ang likod, pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumadaan. Normal lang ang paligid may nag-uusap, may naglalakad mag-isa, may mukhang pagod galing sa klase. Habang nakaupo siya, may isang lalaki na napansin niya. Lumabas ito mula sa Engineering Building, mukhang galing sa klase. Suot niya ang long-sleeve polo na maayos ang fit, black pants, at may silver watch sa wrist niya. Hindi siya flashy manamit, pero halatang may sense of style. Yung tipo ng lalaking hindi kailangan mag-effort nang sobra para magmukhang maayos. Si Theo Ramirez, third year Civil Engineering student. Hindi alam ni Aria ang pangalan niya noon, pero napansin niya agad ang dating nito. Gwapo, yes—but more than that, may confidence siyang hindi kayang i-fake. Parang sanay siya sa sarili niya at sa mundong ginagalawan niya. Habang inaayos ni Theo ang bag niya, napatingin siya sa paligid at doon sila nagkatinginan ni Aria. Sandali lang, pero sapat para mapansin nila ang isa’t isa. Ngumiti si Theo isang simpleng smile, relaxed at polite. Hindi ito yung tipong may meaning agad, pero ramdam mong may respeto. Aria smiled back without thinking. Hindi siya nagtaka kung bakit. Natural lang sa kanya ang ganung reaction. May something sa presence ng lalaki na hindi nakakailang. Ilang segundo lang ang lumipas bago naglakad si Theo palayo, papunta sa parking area. Hindi na siya lumingon ulit. Parang normal lang sa kanya ang lahat. Pero para kay Aria, may naiwan. Hindi kilig, hindi excitement kundi curiosity. Kinagabihan, habang nakahiga si Aria sa dorm, pumasok ulit sa isip niya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit niya siya naaalala. Hindi naman sila nag-usap. Wala ring nangyaring espesyal. “Engineering student siguro,” bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung makikita niya ulit. Hindi rin niya ini-expect na may mangyayari. Pero may part sa kanya na interesado. Gusto niyang malaman kung sino ang lalaking iyon at bakit may ganung epekto ang simpleng presensya nito. Makalipas ang ilang araw, kasama sina Lhei at Zhenya si Aria sa canteen para tapusin ang isang group project. Habang nag-uusap sila, napansin niya ang isang pamilyar na figure sa kabilang table. Si Theo. Kasama niya sina Marius at Calix, may mga papel at ruler sa mesa, mukhang seryoso sa discussion. Typical Engineering stuff. Habang nagsasalita ang isa sa mga kaibigan niya, napatingin si Theo sa paligid at muli silang nagkatinginan ni Aria. This time, mas malinaw. Ngumiti ulit si Theo, parang simpleng acknowledgment lang na nagkakilala na sila kahit hindi pa talaga. Aria smiled back. “Uy,” bulong ni Lhei. “Kilala mo ba ‘yon?” “Hindi,” sagot ni Aria. “Pero… nakikita ko na siya before.” “Upper year siya,” sabi ni Zhenya. “Engineering, for sure.” Tumango si Aria. “Yeah. Civil siguro.” Hindi na sila nag-usap tungkol doon. Bumalik sila sa project nila. Pero kahit busy si Aria sa ginagawa niya, may parte ng isip niya na aware pa rin sa presence ni Theo sa kabilang table. Nang umuwi si Aria sa dorm nang gabing iyon, alam niyang may bagong taong pumasok sa mundo niya kahit hindi pa sila nag-uusap. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya hindi lang iyon basta simpleng pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD