Ang bilis.Napakabilis ng mga pangyayari na tila ba nadaanan ng nagmamadaling tren.Napakabilis na umaasa padin akong magising sa isang napakasamang bangungot.Na nakatulog lang ako at ito'y nangyayari lamang sa pagtulog ko. Kasama ko pa si Dhalia ilang araw ang nakalipas at akala ko wala ng makakasira sa aming dalawa.Natutulog kaming magkatabi,pagluluto ko siya ng breakfast at sabay kaming papasok sa school at trabaho.Sa weekend mamasyal kami at sa umaga ay nagjojogging kung hindi masama ang panahon.Sa isang iglap,nagbago ang lahat. Dahil sa lakas ng ebidensya agad agad na umakyat sa piskal ang kaso at tuloy tuloy na gumulong.Ni hindi ko pa maabsorb kung ano talaga ang nangyayari pero natagpuan ko ang sarili isang araw sa hearing.Wala akong naiintindihan.Nabangag ako .Nabigla.At hanggang n

