"So sumusuko ka na?" tinignan ko si Yshna at inirapan siya. Hindi ko alam kung bakit siya ang tinawagan kong makasama upang maglabas ng sama ng loob. Siguro dahil parehas kaming nasasaktan? at sa iisang lalaki pa. Ang saya! "Tsk! Hindi no! Naglalabas lang ako ng sama ng loob pero hindi ako susuko! Ikaw naman kasi pinaasa mo ako! Sabi mo mahal niya ako iyan tuloy kinilig ako tapos joke lang pala!" sabi ko sabay irap sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. Tanggalin ko kaya ang lalamunan niya? Naglalabas ako ng sama ng loob tas tinatawanan pa ako! Natutuwa siguro siya kasi hindi ko pa nakamit ang happy ending namin! "Talagang isinama mo pa ang Bar ni Cray diyan sa labas labas ng sama ng loob na trip mo! Bumalik ka nalang sa bahay ng lalaking iyon at halayin iyon" sabi nito bago tinungga ang a

