Kabadong kabado ako ng huminto ang kotse ko sa address na ibinigay ni Kristoff sa akin. Nanlalamig ang aking kamay na para bang may nagawa akong masama sa kaniya o kung kanino man. Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang bahay. Kumunot ang noo ko ng makita ito. Parang napakapamilyar ng disenyo nito. Inatras ko ang sasakyan upang makita ang gilid nito at nalaglag ang aking panga ng may pumasok na alaala sa akin. Ang disenyo, Ang mismong bahay ay ang pangarap kong bahay noon na kay Kristian ko lang sinabi. Ang pagkakaiba lang nito ay nakaharap ang isang kwarto sa Sun set na siyang gustong gusto ko. Naalala niya pa pala ito? at pinagawa niya pa talaga! Natigil ako sa pagmumuni-muni ng biglang may kumatok sa bintana ng aking kotse. Sinulyapan ko ito at kumunot ang aking noo ng makita si Yshn

