Wala akong nagawa kung hindi ang magpalit dahil hindi na talaga umalis si Kristian. Isang over-sized tee shirt ang kinuha kong isusuot dahil napagliitan ko na ang mga natirang damit dito maliban sa isang maikling shorts na siyang suot ko ngayon. Isa isa kong pinulot ang pinagpalitan ni Kristian na nakakalat lang sa lapag. Kahit kailan talaga hindi siya nagbago. Pinag-krus ko ang mga braso ko sa aking dibdib at sumandal sa nakasaradong pinto habang tinitignan ang mag-ama ko. Parehas silang tulog na tulog na. Hindi mo maikakailang mag-ama sila dahil kahit nakasarado ang mga mata ng anak ko ay kitang kita ang pagkakahawig nila ng kaniyang ama. Lumapit ako sa kanila at unti unting tinatanggal ang suit na suot ng anak ko at pinalitan ng damit na dala dala din ni Manang kanina. Tinanggal ko na

