Mabilis ang bawat galaw ko habang tinatawag ang pangalan niya. D*mn it. Hindi siya pwedeng umalis ng hindi ako kasama. Hindi siya pwedeng umalis. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang unang nakatulog. Naiinis ako dahil isang lingat ko lang nawala na naman siya. Lalo akong kinabahan ng wala siya sa buong condo. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa sobrang inis na nararamdaman ko. Hindi niya ako pwedeng iwanan. Hindi ngayon. Hindi kahit kailan. I don't care if she's in love with someone else. I don't care if she's in love with my brother. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya at kahit wala siyang ibigay pabalik sa akin ay tatanggapin ko parin siya. Basta nandito siya. Basta kasama ko siya. Iyon lang ang mahalaga sa akin. Tumingala ako at huminga ng malalim. Habang tumatagal na hindi ko

