Ngayon ko lang nalaman na may sariling kwarto pala si Kian sa bahay niya. Katabi lang ito ng kwarto niya at halos kasing laki din ng kay Kristian. Hiniga ko si Kian sa bed. Gumalaw ito at akala ko ay magigising na pero niyakap lang nito ang unan. Maya maya ay mahihina na itong humilik. Hinalikan ko ang noo niya at inayos ang komforter niya. Tumingin ako sa pinto ng bigla iyong bumukas. Tumingin sa akin si Kristian bago lumingon kay Kian. Pumungay ang kaniyang mata. He's looking at him with adoration. Nilingon ko ang anak namin. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, Si Kian ang pinakamaganda sa lahat. "I'm sleeping here. You should sleep, too" sabi ko bago nag-iwas ng tingin. Para akong pagod na papod sa lahat kaya kahit ano pa ang pasaring niya kanina ay hindi ko pinapansin. Ang hirap k

