3

1718 Words
LANA'S POV *RING* Kinuha ko yung phone ko nung tumunog. Unregistered number yung lumabas. Usually hindi ako sumasagot ng tawag pag hindi ko kilala pero since may iniintay nga akong tawag, sinagot ko na. "Hello" /He-hello?/ Shet! Ang gwapo lang ng boses niya, nalaglag ata yung panty ko. HAHAHA "Sino po sila?" ayyy hindi sumagot agad? Sigurado kamag anak ni bagets to? Medyo uutal-utal din eh. "Kayo po ba yung uhmmm.. guardian ni.. baby girl? andito kami sa jollibee, pasensya na po. Babalik nalang kami diyan." Nag intay pa ako ng sagot galing sa kanya. Medyo naglo loading pa kase eh. Sayang ang gwapo pa naman ng boses. /Uhmm no need. Ako nalang ang pupunta diyan./ Napalunok ako ng ilang beses. Mukhang tanga lang. Bakit ako kinakabahan sa boses nito? Weird. "Ah, okay po. Nasa second floor po kami. Katapat ng mcdo." Sabi ko nalang bago ko inend yung tawag. Ano ba yan? Para naman akong abnoy neto.. Ipinilig ko nalang yung ulo ko saka ipinagpatuloy yung pagpapakain kay baby girl. "Baby girl you want this?" Itinuro ko yung burger na hindi pa niya nabubuksan. At infairness, kinareer ko daw yung pag eenglish sa bata. Umiling lang siya saka tinuro ulit yung spaghetti. "Anong name mo baby?" Umiling lang ulit siya saka yumuko. *sigh* Naaawa talaga ako sa kanya. Ang dami namang masamang tao sa mundo, bakit yung inosenteng bata pa ang nagkaganito. "Ako si Ate Lana, ikaw muna si baby girl okay ba yun?" Nag thumbs up pa siya. Ibig sabihin okay lang sa kanya yung baby girl. Pinunasan ko yung gilid ng labi niya na may sauce ng spaghetti. "Zylie ang pangalan niya." Muntik na akong magmura dahil sa gulat nung may biglang nagsalita sa likuran namin. Pa slow motion akong tumingin sa likuran ko. Wala lang para may effect. Hahaha. At tuluyan na ngang nalaglag yung soen na panty ko. Napunit at nasunog nung nakita ko kung gaano ka gwapo yung nasa harapan ko. Ang tangkad. Ang puti. Chinito. Matangos ang ilong at mamula mula ang mga pisngi at labi. Ang mga braso teh.. nagmumura! Walanghiya! Pakiramdam ko tumulo yung laway ko. Yuck! Parang nakalimutan ko ng ayaw ko sa gwapo ng dahil sa kanya ah. Hihi Ngumisi siya nung nahalata niya atang nasobrahan na ako ng titig sa kanya. Okay, Lana. Kumalma ka. Huwag mong kalimutan na kamag anak mo si Maria Clara. Behave. "Ahh, Ehh. Kayo po ba ang guardian ni..." Nakakahiya naman huling-huli akong naglalaway sa kanya. "Zylie. Her name is Zylie. She's my daughter." Natigilan ako saglit. Anak niya si baby girl, so eto pala yung iresponsableng magulang ni bagets? Pero baka naman member ng sindikato ito na nangki kidnap ng mga bata tapos kinukuha yung mga internal organs. Naku naku! Kala niya porke gwapo siya mapapaniwala niya na ako? At talagang paulit ulit ako sa kakasabing gwapo siya noh? Inayos ko yung sarili ko. Hindi ko ibibigay yung bata sa kanya hangga't hindi ako sigurado. Itinaas ko yung kilay ko saka ipinatong yung mga braso niya sa dibdib. "Paano ako nakakasigurong anak mo nga si baby girl? baka mamaya kidnapper ka?" Oh no, I'm not going to be an accessory to his crimes! Inilabas nya yung wallet nya saka biglang natulala. See, naku.. member ng budol-budol 'to! Tatawag talaga ako ng pulis! "Hello mister?" Tawag ko ulit sa atensyon niya. Nasasayang oras namin pare-pareho dito e. "Here, take a look at this." Akala ko kung anong ipapakita niya sakin, picture lang pala niya kasama yung isang magandang babae. si baby girl este Zylie atsaka may isa pang bata. Mga one year old palang siguro. "Hindi pa rin ako naniniwala." Picture lang yun eh. Malay ko ba kung hiwalay na sila nung babae kase nga member siya ng sindikato tapos pati anak niya gusto niyang gawing biktima? Hahaha! Sige Lana, kaka-w*****d mo 'yan. "Zylie.." Tumingin naman si Zylie sa kanya. Na wala palang pakialam sa amin at ipinagpatuloy lang ang pagkain. "Come to daddy.." My heart skipped a beat. Kailangan ko na talagang tigilan ant pagbabasa ng kung ano-ano. "Baby girl" and "Come to daddy" no longer sound so innocent to me. LUmapit sa kanya si Zylie yumakap sa kanya at hinilig ung ulo niya sa balikat nito. Okay, wala na akong laban. Suko na ang Bataan. Charot! "Ah.. Hehehe naniniwala na nga ako." Nahihiyang sabi ko. Tumingin ako sa orasan ko because, ano pang gagawin ko, makipagtitigan sa kanilang mag ama? Wishing he told me "Come for Daddy?" Nasampal ko ng wala sa oras yung bibig ko. Hindi dahil sa kung ano-anong kababuyan ang naiisip ko, kundi dahil nakalimutan ko na ang alaga ko! Si Miel! "Shoot! Late na ako!" Inayos ko agad yung mga gamit ko saka ako humarap ulit sa mag ama. "Bye, baby girl.. una na si ate Lana ha.. Sige po sir. Bye!" At nagmamadali na akong umalis. Lagot ako, isang oras na naghihintay sa akin yung bata! ------------- "Ate Lana bat ang tagal mo?" siya na lang yung nag iintay dun iniwan na siya ng service kase wala pa ako. "Sorry baby. May inasikaso pa kase si ate Lana eh.. Tara na?" Hnawakan ko na yung kamay niya saka kami lumabas ng school. "San tayo sasakay baby, jeep o tricycle?" "Sa jeepey!!!" Hinanda ko na yung pangbayad namin sa jeep nung may mapansin ako. PAKING TEYP! NAKALIMUTAN KO YUNG I.D KO!! -------------- IÑIGO'S POV "Sir, eto na po yung hinihingi niyo." Ibinigay sakin nung tauhan ko yung folder na naglalaman ng mga information tungkol kay Lana Leviste. "Salamat." Kinuha ko yung folder saka ko inabot sa kanya yung envelope na may lamang cash. "Salamat din Mr. Crisologo. Sa uulitin." Nagsalute pa siya sakin bago umalis. Binuklat ko yung folder. Andun yung mga information na kailangan ko. May kasama pang pictures. Ibang klase talaga magtrabaho yung mga tauhan ni Captain Sarmiento. Pati yung mga pinaka tagong sikreto ata ni Lana Leviste nandito. Simulan ko ng basahin yung nasa kulang sampung pahinang papel na yun. Lana Leviste 24 years old Working student occupation yaya akaya siguro magaan ang loob niya kay Zylie. Malapit talaga siya sa mga bata. Lati pangalan ng parents niya nandito, kung ilan silang magkakapatid, dahilan kung bakit yun ang trabaho niya, nakalagay din dito na supplier namin sa resort yung amo niya na tiyahin niya pala. 'Madali na lang sigurong mapapakiusapan yung tita niya' Mula kase nung nakapagsalita ulit si Zylie. wala na siyang ibang binaggit kung hindi Lana. I immediately seek for a professional help, Zylie's doctor were amazed sa improvement ng bata that's why she asked me to look for this girl. "Who knows, maybe she can help Zylie recover." That's exactly what the doctor said. Marami pang nakalagay dito tungkol sa kanya. Strange, hindi ako naboring habang nagbabasa. Usually kase nasa page two pa lang ako tinatamad na ako. Masyado lang siguro talagang interesting tong babaeng to. "Sir iñigo," Tawag sa akin ng kasambahay ko pagkatapos niyang kumatok. "Andito po si Mrs. Love." Ano na naman bang kailangan ng bungangerang yan sakin? "Let her come in." Para namang may choice ako. Kahit sabihin kong 'wag yan papasukin, papasok at papasok yan dito. "Hi sweetie. " Nakangiting bati niya sakin. Ibinaba ko yung folder na hawak ko saka sumandal sa swivel chair. "Anong kailangan mo?" Ngumuso lang siya bago naupo sa upuang katapat ng table ko. "Ang sama mo! Para namang sinabi mong dinadalaw lang kita dito kapag may kailangan ako!" "Bakit hindi ba?" Namumula na siya sa galit kaya tinawanan ko nalang siya. "Napaka mo Iñigo." Ibinato niya sakin yung ballpen na nakapatong sa table ko na nasalo ko naman. "God Rhoanne! Thirty-two ka na yet you're still acting like a kid!" "Mr. Iñigo Crisologo, may i remind you that age is just a number. Atsaka, kalabaw lang ang tumatanda noh." "Exactly my point." Kumunot yung noo niya dun sa sinabi ko. Nung narealize niya na kung anong ibig kong sabihin, tumayo pa siya saka ako pinagsasapak sa braso. "How dare you Crisologo! I hate you! Anong akala mo sakin kalabaw?!" "Aray! Rhoanne ha! Hindi ako ang asawa mo kaya wag mo akong gawing punching bag!" Pilit kong hinuli yung mga kamay niya. Ang sakit kaya niya manapak. "Heh! magkaugali naman kayo nung bwisit na pag ibig na yun kaya okay lang yun. Kunwari substitute ka niya." "Kunwari ka pa.. gusto mo lang mahawakan ang sexy body ko eh. Hindi mo agad sinabi edi sana pinagbigyan kita." Para siyang napasong lumayo agad sa akin. "Kadiri ka naman. Kahit abnormal ang asawa ko, hindi ko ipagpapalit 'yon sayo." Sabi niya sabay dila. Natahimik ako. Naalala ko na naman si Riza. Kung buhay pa kaya siya, ipamamayabang niya din kaya kung gaano ako ka macho? "Nagpunta ka na naman sa outer space Iñigo. Hanggang kelan?" Napabuntong hininga ako. Ayoko pag usapan. Umiling lang ako saka seryosong tumingin sa kanya. "What do you want, Rhoanne? " "I heard nakakapagsalita na daw ulit si Zylie. Is it true?" Napangiti ako. napaka chismosa talaga nitong babaeng to. "Yeah.. Kahapon lang." tipid na sagot ko. "Paano nangyari? I mean.." Bakas din sa mukha ni Rhoanne yung pagkagulat. Umiling lang ako. "Nakakatawang isiping nung nakapagsalita na siya ulit, pangalan nung nakakuha sa kanya kahapon ang una niyang binaggit. Hindi mommy, hindi daddy. Lana ang binanggit niya. " "It's a good sign," Nakangiting sabi niya. "That's exactly what Zylie's doctor said. Kaya pinag iisipan ko ngang gawing temporary na mag aalaga kay Zylie yung Lana na yun eh. I have her investigated." Inabot ko kay Rhoanne yung folder. Nag umpisa na siyang magbuklat buklat. "Hmmm infairness maganda." Tinuloy niya na yung pagbabasa. "Sweetie mukhang hindi ka naman mahihirapan sa isang to, base dito yaya naman siya so baka pwede mo nang mapakiusapan." "Yun na nga ang gagawin ko. Kailangan makuha ko siya sa kahit na anong paraan. Para sa ikagagaling ni Zylie." pinindot ko ung receiver kong nakakonekta sa sekretarya ko. "Shayne book me an appointment to Mr. Carl Leviste immediately. Yes, thank you." Naibaba ko na yung phone pero nakatingin pa rin si Rhoanne dun sa folder. "Anong iniisip mo Rhoanne? " "Huh? wala naman.. Medyo interesting lang kase yung profile nitong Lana Leviste na to eh." "I know right.. kaya kailangan ko and serbisyo niya.. whatever it takes." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD