KAIZER'S POV
Pagkabalik ng kaibigan galing sa labas upang mag lunch ay agad itong nagtungo sa opisina nya.
"May nakalap akong balita" inporma nito
"Tsismoso ka na nga talaga ngayon Pete?" Tanong nya sa kaibigan
"Naa ahh. Ang gwapo ko namang tsismoso. Anyway, as I was saying, may news ako for you." Turan nito
"What is it? Siguraduhin mong ikatutuwa ko yan" Sagot nya naman sa kaibigan
"I don't think so. Hindi mo ikakatuwa na may nanliligaw na sa babaeng gusto mo pormahan." Saad nito that why he gave it a question look
"Ms. Mendez is seeing someone already, according to Trina, she saw Ms. Mendez with a guyon the mall." Turan ng kaibigan. Sa isip ni Peter hindi nya na ipapaalam na dineny ito ni Ms. Mendez para naman isipin ng kaibigan nya na may kakompitensya ito.
"Yun lang ba ibabalita mo? Pwede ka na lumabas" Sabi nya rito. Hindi nya pinansin ang sinabi ng kaibigan at tinuloy ang ginagawa
"Good luck my dear friend. Mukhang mahihirapan ka, may nagsisimula ng bumakod eh." Turan nito bago lumabas ng kanyang opisina.
Ipinagsawalang bahala nya lang ang sinabi nito at nag focus sa kanyang ginagawa.
Makalipas ang ilang oras, hindi na sya ganun ka busy tulad kanina. May tinitignan na lang syang files sa kanyang computer ng may kunatok sa pintuan kaya naman pinapasok nya kaagad ito.
Ms. Mendez came in with documents in her hand.
"Good afternoon sir" bati ng dalaga
"Yes what is it?" Tanong ko sa kanya
"Ahh Sir, may mga for signature lang po. Iiwan ko lang po ba dito sa gilid ng table nyo or hintayin ko na po?" Sagot naman ng dalaga
"Palagay na lang sa table at pakihintay na rin. Will just finish this." saad niya rito "You can take a seat for awhile" at pinaupo muna sya
Nakita nyang naupo ito sa couch at binabasa ang magazine na nakalagay doon
Makalipas ang ilang minuto ay tinawag nanya ito para ibigay ang mga pinirmahan nyang dokumento
"Ms. Mendez, here's the paper." Sabi nya at kaagad naman nitong inayos ang magazine na hawak saka lumapit sa kanya para kunin ang dokumento
"Thank you sir" Paalam ng dalaga sa kanya pero bago pa ito makalabas ay natawag nya na ito
"By the way Ms. Mendez, did Peter told you that we're going to get you what you'll wear on saturday?" Saad nya rito
"Yes sir, Sir Peter informed me this morning." Sagot naman ng dalaga bago ito lumabas ng kanyang opisina.
Late afternoon when Peter came back to the office. Galing ito sa kanyang kompanya dahil may pinagawa sya rito. Good thing that Peter is his secretary, he knows how to separate his work about his father and his own company. Medyo matrabaho nga lang pero so far hindi pa naman nagrereklamo ang kanyang kaibigan.
"How's the meeting?" Tanong nya sa kaibigan
"Well, it wasn't so smooth but it ended good. The client agreed with the terms and conditions we gave and we'll proceed with the contract signing next week." Sagot naman ng kanyang kaibigan.
"That's good to hear. Thank you." Sabi nya at nagligpit na ng gamit.
Lumabas na ang kaibigan para pumunta sa table nito at mag ayos din.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na rin sya ng kanyang opisina. Nakaalis na ang ibang empleyado at ang natira na lamang ay ang kanyang kaibigan at ang dalaga.
"Let's go." Saad nya at nauna ng naglakad papuntang elevator. Nakasunod naman ang dalawa sa kanya.
Tahimik silang sumakay sa elevator hanggang makasakay sa kotse.
Habang binabaybay nila ang daan ng tahimik, napansin nyang may kausap ang dalaga na katabi niya. May nirereplyan itong text. Hinayaan nya na lamang dahil hindi sila close para usisain nya ito.
YUKI'S POV
Nakakabingi ang sobrang katahimikan habang sila'y nasa byahe kaya laking pasalamat ni Yuki ng mag message si Aiden sa kanya. At least hindi na sya mabo bore.
Susunduin sana sya ngayon ng binata pero nasabihan nya na ito na may iba syang lakad ngayon kasama ang boss nya kaya hindi iyon natuloy.
"Sabihan mo ako kapag nakauwi ka na Shami" message ng binata sa kanya
"Sure. Ingat ka pauwi" reply nya naman dito
"Take care too and see you tomorrow." message nito at hindi nya na nireplyan pa dahil nakarating na sila sa botique.
"Good evening Sir, Ma'am." bati sa kanila ng isang babae
"Good evening Thea. Where's Lia?" Peter said and the woman with Thea's name answered him.
Sinundan namin si Thea na naglakad patungo sa isang kwarto, I bet a dressing room and tama ang hula ko.
Pagkapasok nila sa dressing room ay may mga naka hilera na dun na mga formal suits, tuxedo at evening gown in different colors and designs.
"Kaizer! Peter! How are you both." Lumapit ang isang napaka ganda at sopistikadang babae sa dalawa niyang kasamang lalaki.
"We're good Lia" sagot ni Peter.
Si Peter ang kumausap sa nagngangalang Lia. Habang naguusap ang dalawa, naupo naman silang dalawa ng boss nya sa sofa na naroon.
Lumapit ang dalawa sa kanila.
"So you're Shaira Miyuki. Nice to meet you. I'm Aliah, you can call me Lia." Pagbati ng babae sa kanya.
"Nice to meet you too Ms. Lia, you can call Yuki." Nginitian nya ito
"Oh gosh, just drop the Ms. it's too formal,. I'm pretty 26 you know, how about you? I think we're the same age" sagot naman ng dalaga
"Sure, but I guess I'm younger than you Lia, I'm 25 by the way." Sagot ko naman dito
"Oww, you can call me ate then. Haha kidding." Biro nito.
"So these are the available suits and evening gowns I have right now. You can choose whatever you like." Saad ni Lia
"Classic black tux and maroon tie, right Kai?" Tanong ni Lia sa kanyang boss at tumango naman ito.
Dahil isa lang ang fitting room, nauna na ang binata na magsukat ng damit. Si Peter naman ay nakaupo sa sofa at pinapanuod lang sila. Habang sya naman ay nagtitingin sa mga gown at wala syang mapili.
Magaganda ang mga gown at elegante tignan kaya wala itulak kabigin, kaya si Lia na na decide kung alin ang isusukat nya.
Wala namang color coding or theme kaya kahit anong kulay ng gown ay pwede isuot, sabi ni Peter
Natapos magsukat ang kanyang boss kaya turn nya naman para magsukat.
Pumasok sya sa fitting room dala ang unang gown na iniabot sa kanya ni Lia.
It's a tube gown with maroon color and beads. Sinukat nya ito at kasya naman sakanya. Medyo naiilang lang sya dahil hindi sya sanay magsuot ng tube.
Lumabas sya ng fitting room at tinignan kung ano ang reaksyon ng mga kasama nya roon.
"Perfect!" Komento ni Lia
Nag thumbs up naman si Peter at seryoso ang mukha ng boss nya. Pumasok ulit sya sa fitting room para isukat ang pangalawang gown na ibinigay sa kanya ni Lia.
Gaya ng reaksyon nila sa unang sukat, ganun din sa ikalawa.
Sinukat nya ang pangatlo at pang apat na gown, ganun pa rin ang reaksyon ng mga ito.
Iniabot sa kanya ni Lia ang ikalimang gown, maroon din ang kulay nito. Mas makintab at dark ang kulay nito kumpara sa nauna nyang sinukat, may lace sleeves at v-neck na medyo conservative ang gown, may slit na above the knee.
After nya isuot ang gown ay tinignan nya ang kanyang sarili sa salamin at hindi sya makapaniwala sa kanyang nakita. She's beautiful. Maganda ang gown at kasya sa kanya. Kita ang curve ng katawan nya. Natuwa sya sa kanyang sarili kaya lumabas na sya ng fitting room
She likes their reaction. Lia's smiling widely while clapping. Peter stood up and hindi nakawala sa paningin nya ang reaksyon ng boss nya na biglang nakabawi at iniiwas ang tingin. Napangiti sya ng palihim
"It's perfect! I guess we found the right gown for you and it's again perfect. It compliments with the suit Kai will wear." Komento ni Lia
"Indeed, it's perfect." Peter then raised his two thumbs while smiling or should I say he's grinning. Hindi ko na lang pinansin
Natapos kaming magsukat at nagpaalam na kay Lia. Ipapadala na lang daw nito ang mga damit after nya mapa dry clean.
After a long day, nakauwi na din sya. Dumaan muna sila sa isang dining restaurant to eat at hindi na rin sya tumanggi sa alok ni Peter at ng boss nya.
After doing his night rituals, he lied herself in her bed and fell asleep.
KAIZER'S POV
"She looks stunning right? Make your move Kai, baka talagang maunahan ka pa" Anang kaibigan habang nasa byahe na sila pauwi.
Hindi sya nagsalita dahil totoo naman ang sinabi ng kanyang kaibigan. She looks stunning, beautiful and gorgeous. There's no doubt on that.
He was mesmerized with her beauty when she step out of the fitting room. The gowns she tried are fit to her but the last one she wore, fits her perfectly. Hindi pa ito nakaayos ngunit lumabas ang kagandahan nito paano pa kung nakaayos na ito na akma sa suot nitong gown.
Even her cousin Lia said that she's beautiful. She even wanted to have her as her model for her designs. I'm not against it but I'm not okay with it, dahil maraming mahuhumaling kagandahan ng dalaga. Hindi pa kanya ang dalaga pero gusto nya na itong angkinin para sa kanya.
"I guess I really needed to make a move" Saad nya bago lumabas ng kotse at pumasok sa kanyang bahay.