JILLIAN "Good morning, Sir Chad." "Matamlay ka ata?" Pailalim ko siyang tinitigan habang nakataas pa ang isang kilay. "CCTV ka ba dito at pinapansin mo lagi ang lahat ng galaw ko? Pati feelings ko binabasa mo na rin." Malakas siyang napahagalpak ng tawa. Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair sa loob ng cubicle ko ng sumulpot na parang kabute na naman ang dating secretary ni Marco. Ilang linggo na ang nakakaraan simula ng makabalik kami ni Marco galing Cebu. Ilang linggo na din hindi nagpapakita sa akin ang paasang lalaking 'yon. Inaamin ko sa sarili kong nami-miss ko ang presensya niya pero walang palya naman siyang nagme-message at tumatawag sa akin. Nangangati akong magtanong kung nasaan siya, bakit hindi nagpapakita sa akin, sino ang kasama niya... pero pinipigilan ko ang sa

