MARCO
"Aw f*ck." daing ko pagkagising ko sabay sapo ng dalawang kamay sa aking ulo na subrang sakit.
Parang binibiyak sa tindi ng hangover ko. Dahan-dahan akong bumangon habang marahan na hinihilot ang aking sentido. Then suddenly different images flashed in my mind. An intense and hot images of Sofia, naked and beautiful. Sukat doon lalo tuloy sumakit ang ulo ko, kumirot ng kumirot ng pilit ko pang inalala ang iba. Ngunit hindi ko na naman maalala kung may nangyari nga ba talaga sa aming dalawa or ano. I knew I did not have s*x with her last night. Pero sa mga nagsusulputan na imahe niya sa isip ko baka nga...
"Good morning."
Kaagad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang malamyos na boses ng isang babae. Nagulat pa ako ng nakangiting mukha ni Sofia ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng aking malaking t-shirt. I stared at her and gulped when I saw her t**s poking at my shirt she wears.
Crap...!
She loudly cleared her throat. Kaagad akong natauhan sabay lipat ng tingin sa kanyang mukha.
She smirked. "Pinakialaman ko na 'yong kitchen mo. Pinagluto kitang mainit na sabaw para matanggal kaagad ang hangover mo." nakangiting sabi niya habang naglalakad palapit sa akin bitbit ang isang tray na may lamang isang 'di kalakihan na mangkok, tubig at aspirin.
Kaagad kumulo ang aking tiyan pagkaamoy ko sa pagkaing nilapag niya sa harapan ko, a mushroom soup with pickles.
Tiningnan ko siya. "G-Ginawa ba ulit natin 'yon kagabi?" alanganing tanong ko sa kanya.
She laughed then looked away. "Wala ka na naman bang maalala?" sabi niya na ikinakunot lalo ng noo ko, hindi ako makasagot sa kanya. "I knew it." dismayadong umiling-iling siya sa akin.
Napatitig ako sa kanyang mukha sa sinabi niya habang inaalala ang ginawa namin kagabi. Pero maliban sa halikan at pinagtatanggal ko ang mga saplot naming dalawa, wala na akong maalala pa. I know lasing na lasing ako kagabi dahil hinainan niya ako ng hinainan ng alak. Akala ko kasi siya ang maglalasing pero kalaunan ako itong natuluyan but still, alam ko ang ginagawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang unang gabing magkasama kaming dalawa sa Condo niya and took her virginity without knowing, nagdadalawang isip na ako. Minsan napapaisip pa ako na baka nga sa subrang kalasingan hindi ko na alam na nakakagawa na pala ako ng mga bagay na hindi ko na maalala pa kinabukasan.
May ganun ba talaga? Damn... this is insane!
"Kainin mo na 'yan bago pa lumamig." sabi niya sabay kuha ng mga nakatuping damit niya sa couch at naglakad papunta ng banyo. "Makikiligo na rin ako ha." sabi niya saka pumasok sa loob.
Parang tangang napatitig ako sa pintong pinasukan niya. Naririnig ko ang malakas na lagaslas ng tubig mula sa shower, pero mas nangingibabaw ang lakas ng t***k ng puso ko. Gulong-gulo ako sa samot saring emosyon na biglang bumalot sa loob ng dibdib ko. Malalim akong napabuntong hininga saka binalingan ang hinain niya sa aking harapan.
Pagkatapos kong kumain at inumin ang aspirin, tapos na rin siyang maligo. Tiningnan ko siya ng lumabas siya sabay tayo matapos kong igilid ang pinagkainan ko saka naglakad papunta ng banyo. Nakita ko pa siyang napalunok habang nakatitig sa kabuuan ko sabay iwas ng tingin pagkalapit ko sa kanya. Mabilis siyang gumilid at malalaking hakbang na tinalikuran ako. I laughed with her sudden reaction and the way she blushed while staring at my naked body then walked in to the comfort room.
Pagkatapos kong maligo kaagad akong nagbihis at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko pa si Sofia na may kausap sa phone sa sala. Nanlalaki ang mga mata at bahagya pang nakaawang ang mga labi na kaagad niyang naibaba ang hawak na cellphone. Nakita ko pang mabilis niyang pinagpipindot ang screen no'n habang nakatitig sa akin, maybe to end the... call?
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Sinong kausap mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin. "Uhm..." malalim siyang bumuntong-hininga. "P-Pumunta si Dad kagabi sa Unit ko. Tinatanong niya kung saan ako nakitulog at hindi ako umuwi."
"So, anong sinabi mo?"
"I-I lied. Sabi ko nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko."
"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?"
"Baka ma-shock sila kapag nalaman nila na nakitulog ako sa lalaking bagong kakilala ko lang."
Tumawa ako ng mapakla. "Ganun lang ba ang tingin mo sa akin matapos ng nangyari sa atin Sofia?"
"W-What do you mean?"
Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata habang dahan-dahan na ginagagap ang kanyang kamay at dinala sa aking mga labi. Marahan ko iyong hinalikan. "I do like you Sofia, I really do. I wanna meet you parents, ipagpapaalam kita sa kanila." sabi ko ngunit kaagad niyang binawi sa akin ang kanyang kamay.
Nakakunot-noong natigagal ako sa inakto niya. Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harapan ko na para bang may malalim na iniisip. Hindi mapakali at naguguluhan. Ilang minuto siyang ganun saka muli akong hinarap.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo JM?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" balik tanong ko sa kanya.
"Pero kakakilala mo lang sa akin. Hindi mo pa ako lubusan na kilala. Baka magsisi ka sa huli sa padalos-dalos mong pasya."
I chuckled. "Hindi naman nakabase sa tagal ng panahon na magkakilala or magkasama ang dalawang tao para masabi mong mahal mo siya. Ang iba nga ilang years ng magkasama, sinasabing mahal nila ang isa't isa pero sa huli naghihiwalay rin dahil hindi pala talaga nila mahal ang isa't isa." tumigil ako at matagal siyang tinitigan. "Wala ako ni isang babaeng sineryoso sa buong buhay ko Sofia, ikaw pa lang. At ngayon lang nangyari 'to sa akin."
Frustrated na tinalikuran niya ako. "Pag-isipan mo muna ang desisyon mo bago tayo mag-usap ulit." sabi niya saka ako hinarap. "K-Kailangan ko ng umuwi."
Kaagad kong hinatak ang braso niya ng muli niya akong talikuran para tunguhin ang main door. Walang ekspresyon ang mukhang tiningala niya ako.
I sighed. "Ihahatid na kita." sabi ko sabay dampot ng cellphone at susi ng kotse sa center table at hinatak siya palabas ng penthouse.
Wala kaming imikan sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa tirahan niya. Panay lang siyang buntong-hininga habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. Sa itsura ng mukha niyang nakikita kong parang may gusto siyang sabihin sa akin pero may pumipigil sa kanya. Kung ano man 'yon hindi ko alam at wala din akong balak mag-usisa. Kung gusto niya talaga ako siya mismo ang magkukusang mag-open up sa akin.
Bumaba siya ng kotse ng wala man lang paalam. Nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Kaagad kong nilisan ang lugar na iyon.
Hindi naman kasi nasusukat sa tagal o ikli ng panahon para masabi mong tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo sa isang tao. Minsan nga kung sino pa ang hindi mo inaasahan na tao, kung sino pa ang pinakaaayawan mo, kung sino pa ang kinamumuhian mo ay siya pa itong makakatuluyan mo. Kung sino tuloy ang inakala mong siya na at minahal mo ng buong buhay, pinag-alayan mo ng buong sarili, kaluluwa at tiwala mo, sa huli sila pa itong naging worst nightmare ng iyong buhay.
That's how love is. Love moves in mysterious ways. Hindi mo alam kung kailan aatake. Magugulat ka na lang tinamaan ka na pala.
Malalim akong napabuntong-hininga saka binilisan pa lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Nasa kasagsagan na ako ng byahe pauwi sa bahay ng aking mga magulang ng may biglang itim na Van ang humarang sa harapan ng daraanan ko. Muntik pa akong masubsob sa manibela ng bigla kong tapakan ang preno nito.
Biglang may malakas na tadyak ang tumama sa aking dibdib at kaagad nagsalubong ang aking mga kilay ng makita ko ang dalawang lalaking armadong bumaba at naglakad palapit sa aking kotse, marahan na kinatok ang bintana. Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanila, tinatanong ang sarili kung ano ang kailangan nila sa akin at anong atraso ko sa kanila.
Ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay naging impatient na ang paraan ng pagkatok ng lalaki sa bintana ng kotse ko. Dumagundong ng pagkalakas-lakas at pumintig ng pagkabilis-bilis ang puso ko habang hindi magkandaugaga sa pagproseso ang aking utak kung ano ang nangyayari. Tigagal akong napamaang sa kanila. Hindi ko alam kung pagbubuksan ko ba sila or lalabas ba ako or hindi.
Hanggang sa unti-unti na akong tinutubuan ng takot ng dalawa pang armadong lalaki ang lumabas sa itim na Van na nasa unahan ko. Nag-panic ako sa aking nakita pero pinagana ko pa rin ang aking nawiwindang na utak.
Dahan-dahan kong hinugot sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone ko and dialled Keith number. Pasimple ko itong tinitingnan. Nang makita kong naka-connect ito agad muli kong binalingan ang apat na lalaking malakas na kinakalampag ang bintana ng kotse ko. Nanlaki pa ang aking mga mata ng makita ko ang isa na nakatayo sa harapan at nakatutok ang baril sa akin habang sinesenyasan akong lumabas.
Sino ba sila? Anong kailangan nila sa akin? Damn... mag-isa lang ako, hindi ko sila kakayanin!
Napalunok ako. Bilisan n'yo Keith! Sabi ko bago ako lumabas ng aking sasakyan na nakataas ang dalawang kamay. Kaagad akong sinikmuraan no'ng lalaking panay katok sa akin kanina pa pagkalabas ko.
"Bakit ang tagal mong bumaba ha?!" singhal niya sa akin.
Hinablot ko ang baril na hawak nyang nakaumang sa akin. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nakuha ko ito kaagad. Pinalo ko ng hawakan ng baril ang ulo niya sabay pilipit ng kanyang braso patalikod. Mahigpit ko iyon hinawakan at tinutok ang baril sa kanyang sentido. Hinarap ko ang mga kasamahan niyang lahat ng nakatutok sa akin ang armas.
"Sige, magpaputok kayo! Pasasabugin ko ang bungo nitong kasama n'yo!" sigaw ko sa kanila habang naglulumikot ang aking mga mata, tinitingnan kung ilan silang lahat na magkakasama.
Siniguro kong malakas ang pagkakasabi ko para marinig ni Keith. Nakabukas naman ang GPS ng phone ko kaya madali lang sa kanilang ma-trace kung nasaan ako. Maaga pa at madalang ang mga sasakyang dumadaan kaya ang lakas ng loob ng mga hinayupak na 'tong harangin ako. Hindi ko kilala ang mga mukha nila kaya lalo akong naguluhan kung ano ba ang naging atraso ko sa kanila para tambangan ako.
Malakas na palakpak mula sa isa pang matangkad na lalaki na puno ng tattoo ang braso ang lumabas mula sa front seat ng Van. Kaagad kong nahigit ang aking hininga ng magtama ang aming mga mata.
That bloodshot eyes... f*ck!
Hiyaw ng aking utak ng makilala ko siya. Mataman na sinusundan ko ang bawat paghakbang niya palapit sa akin habang walang tigil itong pumapalakpak at nakakaluko akong pinagtatawanan.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa aking likuran ang dalawang lalaking alipores nito habang matiim na nakikipagsukatan ako ng tingin sa lalaking iyon. Naramdaman ko na lang na nakatutok na ang isang baril sa likod ng ulo ko at ang isa naman sa aking tagiliran.
Sunod-sunod akong napalunok. Pinagpawisan ako ng malapot sa nakaambang panganib sa aking buhay. This is quite unexpected. Sa tagal ng panahon na nag-e-exist ako sa mundong ito ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. At ang masaklap clueless ako sa motibo nila sa akin. Hindi ko alam kung napag-trip-an lang ba nila ako or ano?
Damn... nasaan na ba kayo Keith?! Frustrated na hiyaw ko sa aking utak.
Malakas akong pinagtawanan ng lalaking pigil-pigil ko ang braso. Mabilis niyang natanggal ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanya sabay agaw ng baril sa aking kamay. Naramdaman ko ang pagdiin ng mga baril na nakatutok sa likod ng ulo ko at tagiliran. Hindi ako nakahuma. Kaagad kong itinaas ang aking dalawang kamay.
Nakangising hinarap ako no'ng lalaki. "How stupid young man..!" sighal nito sa aking mukha at sinikmuraan akong muli.
Hanggang sa namalayan ko na lang na pinapaulanan na nila ang buong katawan ko ng suntok. Sa bilis ng mga pangyayari pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan habang sunod-sunod na tinatanggap ng katawan ko ang malalakas na suntok nila. I groaned in unbearable pain. Hindi ako makalaban dahil mahigpit na hawak-hawak ng dalawang maskuladong lalaki ang magkabilaan kong braso. Binugbog nila ako ng hindi ko pa rin alam kung anong dahilan. Tahimik lang din na nakamasid ang lalaking huling bumaba and... wild guess he's the boss. Sumesenyas lang ito sa mga tauhan nito kung ano ang dapat gawin sa akin.
Sandamakmak na suntok at sipa na ang natamo ko pero ang mga lintik na kaibigan ko wala pa rin. Animo'y natabunan na ng kotse nila sa tagal dumating.
Pinagtulungan akong kaladkarin ng dalawang lalaking mahigpit na nakahawak sa magkabilaan kong braso palapit sa boss nila. Huminto kami sa harapan mismo nito.
He evily smirked at me.
Dinura ko sa mukha niya ang dugo na nasa bunganga ko. Gumalaw ang panga niya sa ginawa ko sabay punas ng mga iyon. Malakas niya akong inundayan ng suntok sa aking mukha. Pakiramdam ko na-dislocate ng tuluyan ang panga ko sa subrang lakas ng suntok niya.
"Ang tapang mo Del Carpio--"
"Who the hell are you?! Anong atraso ko sa inyo para ganituhin n'yo ako ha?"
"You stole my girl... damn you!" galit na galit na sabi niya sabay suntok ulit sa mukha ko.
Pakiramdam ko natapyas ang ilong ko sa subrang sakit ng pagtama ng kamao niya doon. Kaagad tumulo ang masaganang dugo sa aking ilong. Muli niya sana akong susuntukin ng makarinig ako ng biglaang pagpreno ng humaharurot na sasakyan. Huminto sa likuran ng kotse nila. Malakas na putok ng baril sa itaas ang umalingaw-ngaw. Kaagad akong binitawan ng dalawang lalaki at malalaking hakbang na naglakad at pumasok sa loob ng Van kasunod ang dalawa pang armadong lalaki. Naghihinang bumagsak ako sa semento.
"Hindi pa tayo tapos Del Carpio." pagbabanta pa sa akin ng boss nila saka ako tinalikuran at pumasok sa front seat ng Van.
Kaagad iyon umandar at pinasibad palayo bago pa ako nalapitan ng mga mabagal kong kaibigan.
"F*ck... Kuya!"
"Holy sh*t....!"
Sabay-sabay pang mura nila at patakbong nilapitan ako pagkakita sa itsura ko.
"What happen?!"
"Sino sila?"
"Bakit mga armado sila?"
"Anong atraso mo? Bakit ka tinambangan?"
Sunod-sunod na tanong nila habang inaalalayan akong makatayo. Dinura ko muli ang dugo na nasa loob ng bunganga ko bago sila masamang tiningnan isa-isa.
"Bakit ang tagal niyo? Gaano ba kalayo ng mga bahay niyo sa lugar na 'to at ang tagal niyong dumating?" singhal ko sa kanila.
"Sh*t... mamaya na tayo mag-usap! Kailangan magamot 'tong isa!" natatarantang sabi ni Keith saka mabilis akong inalalayan at ipinasok sa aking kotse.
Kaagad naman nagpulasan ang tatlo. "Sasabay na ako sa kanila." sabi ni Miguel sabay pasok sa loob ng back seat ng kotse ko.
Tumango si James at Ryan saka malalaking hakbang na tinungo ang kanilang sasakyan. Sumenyas na susunod sa amin.
Kaagad in-start ni Keith ang kotse at pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023