Chapter 37

2987 Words
MARCO Kinabukasan maaga akong nagising pero mas nauna pa rin bumangon sa akin si Nay Julie. Good thing, tulog pa si Jillian. Kaagad akong nagpaalam sa kanya saka nagtungo sa bayan. Malalaking hakbang na nilapitan ko ang itim na kotse ng pinsan ko. "How's life budol gang?" nakakalukong bungad niya sa akin pagkaupo ko sa front seat. I gave him a dagger looks but he just laughed at me. "Anong importanteng sasabihin mo at hindi ka magkandaugaga kakatawag sa akin?" tanong ko sa kanya. "Pinapahamak niyo ako ni Suarez sa mga pinanggagagawa niyo. Hirap na nga ako kakatago ng cellphone kay Jillian, walang palya pa ang tawag niyo." He laughed again. "Kasalanan mo naman 'yan. May pa lowkey-lowkey ka pang nalalaman, tuloy nabubuang ka ngayon kung pa'no sasabihin sa kanya ang totoo." I released a pissed groaned. "Ano ba talagang importante--" "Christian is at large." sabad niya. "WHAT?!" gulat na gulat na bulalas ko sa sinabi niya. "Fuck... pa'no nangyari 'yon?" "Stacey helped him--" "STACEY?! Your girl?" "Damn... she's not my girl bro. Samantha's my only girl. My wife." "What the... Samantha? Your wife? How come? Tsaka kailan ka pa kinasal?" "Hindi ang tungkol sa asawa ko ang pinunta ko dito kundi ang tungkol kay Christian." "Teka teka nga muna..." nawiwindang na napaayos ako ng upo saka seryoso siyang tinitigan. Seryoso din siyang nakatingin sa akin. "...anong ibig mong sabihin na si Stacey ang tumulong kay Christian?" "Kapatid ni Christian si Stacey." "f**k! How does that happen?" "Alam mo naman na ampon siya diba." "Yes.. I mean, paano ngang naging kapatid ni Christian si Stacey?" "Pumasok sa grupo ni Mr. Chua si Keith--" "Ano?! Nababaliw na ba siya?!" "Hinaan mo nga 'yang boses mo. Nabibingi ako." "Shit." napahilot ako sa aking sentido at pilit na kinakalma ang sarili. "Explain every details I need to know." "Patay na si Mr. Chua." "Ha? Kailan pa?" "No'ng araw mismo ng signing contract ng business proposal mo sa kanya. Pinatay siya ng sarili niyang asawa, si Mrs. Kristel Chua." "s**t--kaya pala..." sambit ko sa aking sarili. "So, why did she kill him?" "Siguro hindi na nakayanan ng asawa ang pambubugbog na ginagawa sa kanya kaya ayon... and she's dead too, just a couple of months matapos mamatay ni Mr. Chua." "Why? What happen?" "Cancer." "Oh..." "That's Keith entered the picture." "What do you mean?" "Julius Montecellio was a successor. Your girl father. Kinaibigan siya ni Keith." "Tapos?" "Kaya nalaman niyang magkapatid sina Christian at Stacey. They're part of the group pero may iba pang grupo. Tini-trace pa namin kung sino at saan ang kuta nila. Samantha's older sister still missing. I cursed again. "So, nasaan ang totoong anak ni Tito Rafael?" "Wala pang lead kung nasaan pero nalaman namin na buhay pa ang panganay na anak ni Tito Rafael." Kaagad nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "What do you mean--may iba pang anak si Tito Rafael maliban sa nawawala niyang anak na babae?" "Yes. Siya mismo nagsabi. Two years old pa lang 'yong anak nilang lalaki ng nakawin sa kanila sa park. Way back nineteen ninety four. Until now hindi nila mahanap." "Nineteen ninety four?!" bulalas ko. "Damn... hindi sila basta-basta kung ganun. Natago nila ng ganun katagal ang anak ng isang Sullivan." napailing ako. "What about the murder case sa asawa ni Mayor Sarmiento?" "Si Mr. Chua ang nag-framed up kay Julius dahil kay Mrs. Kristel Chua. Hawak ng grupo ang pamilya no'ng suspek na nagdiin at nagturo kay Julius na nag-utos para ipapatay ang asawa ni Mayor Sarmiento." "May nakalap ba kayong ebidensya para malinis ang pangalan ng ama ni Jillian?" "Hindi pa sapat ang nakuha namin but we were working on it. Kailan mo pala balak umuwi? Nauubusan na akong palusot kay Tita Isme. Pati si Sam kinukulit ako." I heaved out a deep sighs. "Hindi ko pa alam kung kailan. Hindi ko pwedeng iwan dito ang mag-ina, delikado ang lagay nila." "'Yon lang ba ang dahilan?" Tiningnan ko siya saka tumanaw sa labas ng sasakyan. "I'm in love with her." "Oh, anong problema? Bakit hindi mo pa pakasalan?" "She rejected my proposal." "TheFuck-- ni-reject ka?" "Not exactly. Sa tingin ko gusto niya rin ako but she was traumatized sa ginawang panluluko ni Julius sa kanila kaya natatakot siya sa akin." "That's bad... but no worry bro..." tinapik niya ako sa aking balikat. "...will do our best para malaman ang totoo kung bakit nagawa 'yon ni Julius sa kanila. Baka nga may malaking dahilan siya but I can't promise you that the outcome will be good. Expect the unexpected..." nagkibit balikat siya. "...like you said matagal na silang inabandona. Baka nagluko talaga si Julius. Pero iba ka... so don't give up. Prove her na hindi lahat ng lalaki kagaya ng ama niya." "Thanks bro." nagpalinga-linga ako sa labas saka sinuot ang itim na sumbrero. "Pa'no, uuwi na ako. Baka gising na 'yon, hanapin ako." "Naks naman..." he chuckled. "Kung hindi mo bro makuha sa santong dasalan, daanin mo na lang sa santong paspasan. May tama naman pala sayo e." he wink at me. "Hundred percent sure, hindi 'yon papalag." I laughed. "She got a lots of collection of my album. Tadtad rin ang pictures ko sa dingding ng kwarto niya. I thinks she's obsess with me." "That's a good sign. Gawin mo 'yong payo ko--" "Tarantado! Pero effective ba 'yan?" he bark a laughter. Halos umalog ang kanyang mga balikat kakatawa sa akin. Natawa na rin ako. "Sige na. 'Wag ka ng bumalik pa dito. Tsaka please lang... stop calling me. Mag-antay na lang kayo sa tawag ko." "'Wag mo akong pagbawalan, susulpot ako kapag may emergency..." in-start niya ang engine ng sasakyan. "Good luck sa panliligaw mo." Tiningnan ko siya ng masama bago bumaba ng kotse. Malalaking hakbang na tinungo ko ang sakayan ng tricyle. Nagpahatid ako sa bahay ni Tay Pio. Napangiti ako ng matanaw kong naglalakad sina Cheena at Blessie. Kaagad kong pinahinto ang tricyle. "Kuya Pogi... saan ka galing?!" sigaw na tanong ni Cheena pagkakita sa akin. "Naglakad-lakad sa bayan." pagsisinungaling ko. "Ano 'yang dala niyo? Saan kayo pupunta?" "Pasalubong kay Nay Julie." "Pumunta kami sa Resort kahapon. Isasama sana namin kayo kaso ilang araw na kaming pabalik-balik sa bahay niyo lagi naman kayong wala ni Jillian. Saan ba kayong dalawa pumupunta?" sabi ni Blessie. I grinned. "Secret. Si Jillian na lang tanungin niyo. Baka magalit 'yon sa akin e." "Sus, kalaki mong tao masyado ka naman takot sa bubwit na 'yon." sabi si Cheena. Malakas akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya. "Nakow, tuwang-tuwa..." Seryoso akong tinitigan ng dalawa. Lalong lumapad ang ngiti ko sa kanila. "In love ang luko." "Mas malinaw pa sa wilkins na in love nga. Pero ang tanong..." pinagtaasan ako ng kilay ni Blessie. "...mapapasagot mo kaya si baby Jillian?" I sighed. "That's my big problem." "Ayon, ligwak si Kuya Pogi." sabay pang sabi nilang dalawa saka napahagalpak ng malakas na tawa. Sinimangutan ko sila saka umiiling na tinalikuran. Malalaking hakbang na naglakad ako pauwi sa bahay. "Teka, Kuya Pogi!" humabol sila sa akin. Umabresiyete sa kaliwang braso ko si Cheena. "I have an idea." nakakalukong ngumisi siya sa akin. Nagtaas baba pa ang kanyang mga kilay. Kinunutan ko siya ng noo sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko pero hinigpitan niya lalo ang pagkakapit doon. "'Wag kang umarte diyan at tutulungan ka nga namin na mapaamin si Jillian ng nararamdaman niya sayo." "What do you mean?" "Pagseselosin natin siya." humahalakhak na sabad ni Blessie. "Sigurado ba kayo diyan?" "Yash!" "Taralets!" Kinaladkad ako ng dalawa papunta sa bahay. Papasok na kami ng main door ng makita kong palabas si Jillian sa kusina. Natitigilang napahinto siya sa paghakbang pagkakita sa amin. Niyuko ko si Cheena ng simiksik pa ito sa akin habang nakayapos sa aking braso. Gusto ko sanang kalasin ang mga braso niya ng makita kong dumilim ang mukha ni Jillian pero kaagad akong natauhan na palabas lang ang lahat ng maramdaman ko ang pagkurot ni Blessie sa likuran ko. Napangiti ako sa aking isip sa kalukuhan ng dalawa but it seems like... effective. Mukhang nagselos nga ang Jillian ko. "Jil..." "Bess..." "Kamahalan..." Sabay-sabay pang tawag naming tatlo sa kanya. I scan her face while she's staring at me intently lalo na kay Cheena na nakaabresiyete sa akin. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata pero kaagad din iyon nawala. Nagulat ako ng itulak ni Blessie si Cheena Napasubsob ito sa akin. Pasimple pa akong kinurot ni Cheena ng makita ang itsura ko. I grimaced. Nakangiting pumasok ng bahay si Blessie, nilapitan si Jillian. Kinuha nito ang damit na puti sa plastik na bitbit nito saka niladlad sa harapan ni Jillian. "Tadaaaa! Para sayo vaklaa." nakangiting sabi niya. Nilapit niya pa iyon sa katawan ni Jillian. "Nagustuhan mo ba?" Hindi si Jillian umimik. Nanatili lang nakatitig sa braso ko na hawak pa rin ni Cheena. "Huy... Jillian." pumitik sa hangin si Blessie. Napakurap-kurap naman si Jillian. "Ha?" "Haay, in love Te? Tulala? Lakas ng tama?" sunod-sunod na sabi nito habang umiiling. Nilingon kami ni Cheena saka muling binalingan si Jillian. "Or natutulog ng gising? Alin doon sa sinabi ko ang natumpak kong sakit mo ngayon?" Sinimangutan niya ito. "Anong sakit ang pinagsasasabi mo diyan?" sabi niya sabay hablot ng t-shirt na hawak ni Blessie. "May malalang sakit na tumama sayo." nilingon ulit si Cheena. "Pahiram nga ng stethoscope ni Tay Pio at e tse-check ko kung anong klaseng virus ang tumama sa dibdib ni Jillian." Tumawa si Jillian. "Siraulo. Bakit meron ka nito? Pumunta ka ba sa Resort diyan sa kabila?" Namewang si Blessie sa harapan niya. "Bakit hindi namin kayo mahagilap dito sa bahay niyo? Saan kayo pumupunta ni Kuya Marco at isang linggo kayong nawala?" "Hindi ba sinabi sa inyo ni Inay?" "Sabi ni Nay Julie hindi niya alam kung saan kayo pumun--" "O... nandito pala kayong dalawa." biglang sabad ni Nay Julie sa likuran nila. "Tamang-tama nakapagluto na ako. Sumabay na kayong dalawa ni Cheena sa amin." "Sabi mo Nay--" "Nay Julie..." sabad ni Cheena na ikinatigil ni Blessie. Binitawan ako at malalaking hakbang na lumapit sa kanila. Nanatili akong nakatayo sa main door. Nakatitig kay Jillian. "Para po sa inyo Nay." Nagtataka naman na inabot iyon ni Nay Julie. "Ano 'to?" Nilingon ako ni Jillian. Ilang sigundo siyang nakipagtitigan sa akin bago nag-iwas ng tingin. Pumasok ng kusina. Humakbang ako papunta sa kanila. "Ang ganda naman nito." tuwang-tuwang sabi ni Nay Julie. "Maraming salamat. Hindi kaya maubos na ang pera mo niyan Cheena kakabili ng pasalubong sa akin?" Cheena laughed. "Mura lang po 'yan Nay, mukha lang mamahalin. Tsaka lagi din naman may pasalubong si Jillian kay Inay sa tuwing umaalis siya." "Ano 'yon pinapalitan mo 'yong binibigay kong pasalubong kay Nay Sonya?" sabad si Jillian. Napabaling ang tingin namin lahat sa kanya. Pumasok ako ng kusina. Nagtama ulit ang tingin naming dalawa pero kaagad siyang nag-iwas. I sighed. Nagsipaglapitan ang tatlo sa mesa. "Hindi sa ganun. Ginagaya ko lang din 'yong ginagawa mong pagpapasaya sa Nanay ko. Tuwang-tuwa kasi si Inay sa tuwing binibigyan mo siya. Kahit nga halaman 'yong binigay mo masaya na 'yon e. Kaya naisip kong matutuwa din si Nay Julie kapag binigyan ko din siya." hinatak nito ang upuan sa harapan ng mesa saka naupo doon. "Gusto ko din mapasaya si Nay Julie no. Ngayon ko na nga lang 'to nakitang masaya hahadlangan mo pa." "Hinahadlangan talaga? Agad-agad? Grabe ka sa akin ah." "O tama na 'yan. Baka kung saan pa 'yan mapunta." saway sa kanila ni Nay Julie. Napatingin siya sa akin ng maupo ako sa tabi ng kanyang upuan pero deadma lang ako. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Malakas na tumikhim si Nay Julie. Kaagad naman siyang napatingin doon. "Kain na." Natahimik ang hapag ng magsimula na kaming kumain. Tanging kalansing ng mga kubyertos ang ingay. Wala ni isang nagtangkang magsalita. Napangiti ako ng mapapitlag siya ng humawak ako sa kanyang hita. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin ng marahan akong humaplos doon. Pero patay malisya lang ako. Sumandok akong kanin at ulam at pinagpatuloy ang pagkain habang naglulumikot ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Pasimple niyang binaba ang kamay niya sa kanyang gilid saka tinabig ang kamay kong pumipisil sa kanyang hita. Hinuli ko ang kanyang kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin. Pilit niya iyon binabawi pero hindi ko pinakawalan. Natapos ang agahan namin na nakaganun kami. Napilitan lang akong bitawan ang kamay niya ng tumayo na siya para ligpitin na ang mga pinagkainan namin. Nagsilabasan kaming lahat ng maghugas na siya ng mga pinggan. Nang makita kong umalis ang tatlo, kaagad akong bumalik sa kusina. Napapitlag pa si Jillian ng ipulupot ko ang aking mga bisig sa kanyang bewang. I hugged her tight. "Are you angry with me?" I kissed her earlobe down to her neck. "You're very quiet. It makes me scared." Nagpumiglas siya sa pagkakayakap ko sa kanya pero hindi ako natinag. Nilubog ko pa ang aking mukha sa kanyang leeg. "Marco, ano ba? Naghuhugas ako. Lumabas ka na doon. Baka kung ano pang isipin nila kapag nakita kang nakayakap sa akin." "I don't care." "Well I do care." Malalim akong bumuntong-hininga saka dahan-dahan na pinakawalan siya. "Lumabas ka na doon." pagtataboy niya pa sa akin. She must be very jealous. I smirked. Lumabas ako ng kusina at nagtungo sa kakahuyan. I called Zephanie, my secretary. Ilang minuto kaming nag-usap about sa nagyayari sa kompanya. Pagkatapos ay nagtungo ako sa burol. Natulog ako sa loob ng tree house. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ng maalimpungatan ako. Kaagad akong napabalikwas ng bangon ng makita kong medyo madilim na sa labas. Dali-dali ako lumabas ng tree house at umuwi ng bahay. Naabutan kong papasok ng kwarto si Nay Julie. Kaagad siyang napabaling sa akin. "O, Marco, saan ka galing?" "Sa burol po." nagpalinga-linga ako sa paligid. "Si Jillian po Nay?" Lumingon siya sa loob ng kwarto. Napatingin din ako doon. Napakunot noo ako ng makita kong wala na ang mga pictures kong nakadikit sa pader. "Kanina pa 'yang tanghali tulog." Tumango-tango ako. "Kumain ka na doon." "Sige po, Nay." Ngumiti siya saka pumasok ng kwarto. Malalaking hakbang na tinungo ko ang kusina. Kumuha akong baunan at tumbler. Nilagyan ko iyon ng pagkain at tubig at isinilid sa eco-bag. Lumabas ako ng kusina at nagtungo sa aking kwarto. Kinuha ko ang isang backpack na may laman ng pang-camping ko. Lumabas ako ng kwarto. "Saan ka pupunta?" napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Jillian. Nakangiting nilingon ko siya. Tiningnan niya ang mga bitbit ko. Napatingin din ako doon. "Mag-night camping." "Night camping?" Tumango ako. "Doon sa burol." "Gabi na. Bakit pupunta ka pa doon?" I smiled. "Night camping nga diba?" Napatitig ako sa kanya ng mapakamot siya sa kanyang leeg sa sinabi ko. Damn... her neck. Napalunok ako ng maalala ko ang nangyari sa amin sa tree house sabay iwas ng tingin. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa. Gusto mo bang sumama?" kinastigo ko kaagad ang aking sarili ng ma-realized ko ang lumabas sa bibig ko. "Pwede ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. "O-Oo n-naman." "Sige sasama ako." sabi niya sabay talikod. Napasunod sa kanya ang gulat kong mga mata ng pumasok siya sa kanilang kwarto. Paglabas may bitbit na siyang kumot at unan. Pumunta siya sa kwarto ko, hindi ko alam kung ano ang kinuha niya doon. Paglabas nakangiti ng lumapit sa akin. Napatingin ako sa bitbit niya. "Saan kayo pupunta?" sabay kaming napalingon kay Nay Julie. "Gabi na. Tsaka ano 'yang mga dala niyo?" "Mag-night camping po kami ni Marco, Nay. Gusto niyo po bang sumama?" "Tara po Nay. I'm sure magugustuhan niyo po." anyaya ko sa kanya. "Kaso dalawa lang po ang tent ko e. Pero pwede po kayong matulog doon sa tree house. Malinis na po doon." "Ah 'wag na. Kayo na lang." tanggi nito. "May baon ba kayong pagkain?" "Meron na po Nay. Kompleto po ang dala ko." sagot ko. "O bweno, mag-ingat kayong dalawa. Sige matutulog na ako." "Sure kang ayaw mong sumama Nay? Ngayon lang natin 'to mararanasan mag night camping." sabi ni Jillian. "Hindi na. Matanda na ako para diyan. Kayo na lang. Sige na, umalis na kayo kung mag camping kayo. Ang dami niyong nalalaman. Parehas lang naman ang pagtulog sa loob ng tent at dito sa bahay." Sabay kaming natawa ni Jillian sa sinabi nito. "Sige na po Nay. E-lock niyo po itong pinto." Nakangiting tumango ito. Siniguro muna namin na ni-lock nito ang bahay bago kami umalis. Kinuha ko ang mga bitbit niya, ako na ang nagdala. Binigay ko sa kanya ang flashlight. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay habang binabaybay namin ang daan papunta sa burol. Pagdating namin doon kaagad akong gumawa ng bonfire bago namin sinimulang itayo ang tent. Hindi siya marunong no'n kaya tinulungan ko siyang itayo ang tent niya. Tuwang-tuwa pa siyang inayos ang higaan niya sa loob no'n pagkatapos kong gawin iyon. Nakangiting nagkibit-balikat ako saka inayos ang pagkain naming dalawa. "Saan kayo pumunta-- "Bakit tinanggal mo--" Sabay pa naming sabi. Nagkatinginan kami saka natawa. Kasalukuyan kaming kumakain na dalawa. Nakaupo sa flexi mat na nakalatag sa labas ng tent namin. Malapit sa bonfire na pinagitnaan ng dalawang tent. I cleared my throat. "Bakit tinanggal mo 'yong mga picture nong paborito mong band singer na nakadikit sa pader ng kwarto mo?" "Wala lang." Inabot niya ang tumbler saka uminom ng tubig. "Alam ko naman kasi sa sarili ko na malabong makita ko siya ng personal kaya tinago ko na lang sa drawer." "Gusto mo bang kantahan kita? Kaya kong gayahin ang boses no'n." "Talaga?" Nakangiting tumango ako. "Baka makalimutan mo ang lalaking 'yon kapag narinig mo ang boses ko." Inirapan niya ako. "Yabang mo." I chuckled. "Sayo lang naman ako nagyayabang." "Asus, bumanat ka na naman." Tumawa ako ulit sabay tayo. Pumasok ako sa aking tent, kinuha ko ang gitara. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD