JILLIAN "Aww-MARCO ano ba?!" Pabalang akong binitawan ni Marco pagkapasok namin sa loob ng kwarto. Napahikbi ako sa sakit habang hinihimas ang namumula kong kamay na halos durugin niya habang kinakaladkad ako. Pakiramdam ko nabali 'yong buto ko sa subrang higpit ng pagkakahawak niya doon. Parang inipit ng pagkalaki-laking bakal. "Don't you dare cry!" "Ano bang problema mo?!" "IKAW!" malakas na sigaw niya sa aking mukha. "Ikaw ang problema ko!" "Ano bang ginawa ko sayo para--" "Diba sinabi ko sayong antayin mo ako dito?" sabad niya. "Pero anong ginawa mo? Nakipagkita ka kay Gallardo!" dumadagundong na sigaw niya. Napapikit ako sa sakit ng hawakan niya ng mahigpit ang aking panga. "Nagpapaligaw ka ba sa kanya ha?" "M-Marco... nasasaktan ako--" Parang napapasong lumayo siya sa akin.

