TAHIMIK lamang si Mabel hanggang sa maihatid siya ni Kellan sa mansiyon. Tahimik din lang ang binata at hindi siya tinanong kung bakit hindi siya gaanong nagsasalita. The food was really worth the wait. Dahil hindi alam kung paano pakikitunguhan ang naging realisasyon, idinaan na lamang niya sa pagkain ang lahat. Kahit na lulong sa iniisip, napansin niyang tila lulong din sa pag-iisip si Kellan habang kumakain. Dumeretso si Mabel sa kanyang silid. Pagbaba niya ng bag sa Ottoman ay hinubad niya ang suot na sweatshirt. Ilalagay na sana niya iyon sa hamper nang may mapansin. Kaagad nangunot ang kanyang noo. Puno ang hamper ng marurumi niyang damit. Bakit hindi kinuha ng kawaksi ang marurumi niyang damit upang malabhan? Lumabas si Mabel ng kanyang silid at bumaba. Nakita niya si Doray. Kaag

