CHAPTER 18

1933 Words

MALAYO pa man ang kotse ni Sebas kung saan sila nakalulang mag-asawa ay natatanaw na ni Sakura ang mahaba at mataas na kulay puting pader maging ang malaki at magandang bahay na nasa likod niyon. Mula sa pagkakasandal sa upuan ay umangat ang kaniyang likod at sumilay rin ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mas lalo siyang nakadama ng excitement sa kaniyang puso na makita ang bahay na sinasabi ng Doña Cattleya sa kaniya kahapon na magiging bahay na raw nila ni Sebas ngayong kasal na sila. Nang tuluyang makalapit ang sasakyan ni Sebas ay kaagad na bumukas ang malaking gate at lumabas doon ang isang guard. Kaagad namang ibinaba ni Sebas ang salamin ng bintana sa tabi nito. “Magandang umaga po, Señorito Sebas!” Bati ng guard. Tumango naman si Sebas. “Morning!” Anito. “Dumating ba sina mama rito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD