CHAPTER 1

2620 Words
DAHAN-DAHAN na nagmulat ng kaniyang mga mata si Sebas nang maramdaman niyang may kumikiliti sa kaniyang ilong. Inis na hinimas naman niya iyon at nang magbaling siya ng tingin sa kaniyang tabi ay mukha ng nakangiting babae ang kaniyang nakita. “Morning sweety!” Malambing na bati nito sa kaniya. Nangunot bigla ang kaniyang noo at saglit na napatitig sa magandang mukha ng babae. Pero mayamaya ay mabilis niya ring inilibot sa buong paligid ang kaniyang paningin. The room is not familliar to him. Where is he? And who is this woman beside him? Nang muli siyang magbaling ng tingin sa babae ’tsaka lamang niya naalala. Oh, yeah! Ito ang babaeng nakilala niya kagabi sa bar ng pinsan niyang si Judas. Another one night stand huh?! Matamis siyang ngumiti sa babae. “Morning.” Bati niya rito at kaagad na kumilos sa kaniyang puwesto. Kahit nakahubo’t hubad man ay walang pakialam na bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa suot niyang wrist watch. “Damn it!” napamura pa siya nang makitang magtatanghali na pala. Oh, damn. Naparami nga ata talaga siya ng nainom na alak kagabi. “Why?” tanong ng babae habang nakasandal na ito sa headboard ng kama. Hawak-hawak ang dulo ng makapal na kumot sa tapat ng dibdib nito habang matamang nakatitig sa kaniya. “I have to go,” aniya at kaagad na dinampot ang kaniyang boxers at isinuot iyon. Nagsalubong naman ang mga kilay ng babae. “What? Aalis ka kaagad? Hindi man lang ba tayo kakain ng breakfast?” tanong pa nito pagkatapos ay muling ngumiti sa kaniya ng matamis. Hinagilap niya ang kaniyang pantalon at damit, ngunit hindi niya naman iyon makita roon. Damn, saan niya ba iyon hinubad kagabi? “Come on, Seb. Huwag ka munang umalis. Let’s have breakfast together and let’s talk about us. About what happened last night and—” Tinapunan niya ng tingin ang babae. “Look sweetheart,” aniya upang putulin ito sa pagsasalita. “What is your name again?” tanong niya. Alright, one night stand lang naman ang gusto niya sa mga babaeng kagaya nito kaya hindi na niya binibigyang pansin ang pangalan ng mga ito kapag nagpapakilala na sa kaniya. Biglang naglaho ang matamis na ngiti sa mga labi ng babae. Tila bigla itong nairita dahil sa naging tanong niya. Nagbuntong-hininga rin ito at inirapan siya. “Shantal.” Sagot nito. “Shantal, sweetheart. Look, we have nothing more to talk about what happened last night,” sabi niya at ngumiting muli sa babae. “What happened last night was just a one night stand, alright?” dagdag pa niya. Nangunot muli ang noo ng babae kasabay nang pag-angat ng likod nito mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama. “What? Do you mean... after all of this ibabasura mo na ako?” tila hindi makapaniwalang tanong nito. Nagkibit-balikat lamang siya at muling hinanap ang kaniyang mga saplot. “But—” “And about the breakfast, I’m sorry sweetheart but I don’t eat breakfast with the woman I just had s*x with one night.” Magkahalong pagkadismaya at labis na pagkairita ang makikita sa mukha ng babae dahil sa kaniyang mga tinuran. “Where’s my clothes by the way?” tanong niya pa mayamaya nang malibot na ng kaniyang paningin ang buong silid ngunit hindi pa rin niya makita ang mga damit niya. “You can’t leave me like this, Sebas!” Sa halip ay pagalit na sabi ng babae sa kaniya. Napatingin siya rito. Kung kanina ay malapad at matamis ang pagkakangiti nito sa kaniya, ngayon naman ay seryoso na ang mukha nito. “That’s what I always do, sweetheart. I don’t take responsibility after I have s*x with a woman. That’s my rule. And you agreed to me last night before we ended up on your bed,” sarkastikong sabi niya. “And besides, you’re not a virgin. If you happen to be a virgin, I might still be responsible for you. I mean, it depends. If I like you that much, why not?” Napamaang ang babae dahil sa kaniyang mga sinabi. Saglit itong hindi nakapagsalita. Mayamaya ay natawa ito ng pagak. “Then nagkamali ka ng babaeng naka-one night stand mo kung ganoon, Sebas. Hindi ako papayag na pagkatapos mo akong nakuha kagabi ay iiwanan mo agad ako ng basta.” Anito at may kung ano’ng pinindot na button sa gilid ng lamesa. “What is that?” tanong niya. Ngumisi naman ang babae at prenteng sumandal ulit sa headboard. “I’m calling my bodyguards para hindi ka makaalis ngayon dito sa condo ko.” “Wait what?” oh, damn. Kailangan na niyang makaalis ngayon. Kung hindi, tadtad na naman siya ng sermon ng kaniyang ina kung male-late siya ng uwi sa mansion nila. Nakapangako pa naman siya sa mama nila na roon siya magla-lunch ngayong araw dahil gusto raw siya nitong makausap. Mayamaya ay napatingin siya sa nakabukas na pintuan ng silid, mula roon ay nakita nga niyang may mga kalalakihang nakasuot ng black polo shirt ang biglang pumasok. Bigla naman siyang nataranta at wala sa sariling napatakbo papasok sa nakabukas na pinto ng banyo. “Go, catch him!” utos ng babae sa mga bodyguard nito. “Oh, damn it!” napamura na lamang siya nang mai-lock niya ang pinto ng banyo. Oh, ang malas naman ng umaga niya ngayon. “Come on, Seb. Lumabas ka na riyan at kumain na tayo ng almusal. Mayamaya lang ay dadating na rin si Daddy. Gusto kitang ipakilala sa kaniya.” “f**k!” muli niyang pagmumura habang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakalabas sa banyong iyon. Kung bubuksan niya ang pinto, wala na siyang kawala sa babaeng ’yon. Ayaw naman niyang ma-corner. Damn! Ito ang unang beses na napasubo siya dahil sa naka-one night stand niya. Parang nakakapagsisi ata na ito pa ang nilapitan niya kagabi. “Seb, please open the door kun’di ipapasira ko ito!” dinig niyang sigaw ng babae sa labas ng banyo. Nang mapatingin naman siya sa malaking bintana na nasa tabi ng bathtub; nagmamadali siyang lumapit doon at binuksan niya iyon. “Jesus!” sambit niya nang pagkatingin niya sa ibaba ay napakataas pala niyon. Wala sa sariling napalunok na lamang siya ng kaniyang laway. Mayamaya ay muli siyang napalingon sa may pinto nang malalakas na kalabog ang kaniyang narinig. “Oh, I really hate this morning.” Nausal niya at walang ibang mapapagpilian kun’di ang lumabas sa bintanang iyon. Dahan-dahan ang kilos niya habang nasa ibaba ang kaniyang paningin. Labis-labis din ang kaniyang kaba habang nakatayo na siya sa gilid ng pader. Damn, isang maling galaw ng kaniyang paa, paniguradong durog ang kaniyang mga buto kapag nahulog siya sa mataas na building na iyon. “Seb!” narinig niya ang boses ng babae na ngayon ay nakapasok na sa loob ng banyo. “Sebas, what are you doing?” tanong pa nito nang sumilip din ito sa bintana at makita siya roon sa gilid ng pader at dahan-dahang tumatawid sa kabilang unit. “Running away from you. Isn’t it obvious?” sabi niya ’tsaka nagdahan-dahan ulit na kumilos upang makatawid sa kabilang condo unit. “Jesus, please save me. I promise mag-aasawa na talaga ako.” “Sebas! Boys, tumatakas na siya!” Sigaw pa ng babae at nagmamadali na ring lumabas ng banyo; ng condo nito. Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Sebas nang malapit na siyang makarating sa balkunahe ng katabing condo. Muli siyang tumingin sa ibaba. “I can’t be dead. Mababawasan ng guwapo sa mundo, Lord! Sayang ang lahi ko kung dito lang ako mamamatay.” Nag-sign of the cross pa siya ’tsaka muling dahan-dahan na kumilos, hanggang sa makarating siya sa gilid ng balkunahe. Roon lamang siya nakahinga nang maluwag. Nang makapasok siya roon, dali-dali niyang binuksan ang glass sliding door at pumasok doon. “Sebas!” Bigla siyang natigilan at napatingin sa babaeng kalalabas lang din sa banyo. Nakatapis lamang ito ng tuwalya. “Sebas.” Ulit na tawag ng babae sa pangalan niya, pero may ngiti na sa mga labi nito. “Karen?” “No. It’s Karla—” “Yeah, I know you’re Karla,” sabi niya na kunwari ay naaalala niya ang pangalan nito. Sinuyod naman siya ng tingin ng babae. Mula ulo hanggang paa niya. Roon niya lamang ulit naalala na tanging boxers lamang na itim ang suot niya. Magulo pa ang kaniyang buhok. Nagkagat-labi ang babae ’tsaka naglakad palapit sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. “I thought iniwan mo na ako after what happened last night. Wala ka kasi kanina nang magising ako. Nasa balcony ka lang pala.” Anito. Nangunot ang kaniyang noo. What? Naka-one night niya rin itong babae kagabi? Oh, holy lordy! Medyo kumirot pa ang kaniyang sentido habang pinipilit niyang alalahanin kung nakasama nga ba niya sa nagdaang gabi ang babaeng ito. And yeah, she’s right. Naalala niya na. Kasama niya rin ito kagabi bago siya pumuslit para pumunta sa kabilang condo. At doon niya rin nakita ang kaniyang damit at pantalon na hinahanap niya kanina sa kabilang kwarto. Naroon iyon sa ibabaw ng kama ng babae. Damn his life! Puro na lang babae ang inaatupag niya. “Come on, let’s eat break—” “I don’t eat breakfast.” Pinutol agad niya ang sasabihin nito sa kaniya at kaagad na naglakad palapit sa pintuan. “But—” “Adíos sweetheart!” Nang mabuksan niya ang pinto, saglit niyang sinilip kung naroon ba sa labas ang babaeng kasama niya kanina sa kabilang condo, maging ang bodyguards nito. Nang wala naman siyang makitang tao sa hallway ay nagmamadali na siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng elevator. Bahala na kung makikita siya ng mga tao sa labas na ganoon ang hitsura niya. “There he is!” “Oh, damn!” Bigla siyang napamura nang makita niya ang babae habang kasunod nito ang bodyguards nito. Sa halip na hintaying bumukas ang pinto ng elevator, nagmamadali na siyang tumakbo papunta sa fire exit. “Habulin n’yo siya!” “Damn it! Panahon na ata para magbago.” Sambit niya habang nagmamadaling bumaba sa mataas na hagdan. Hindi na niya alintana ang pagod at hingal lalo na nang makita niyang malapit na siyang maabutan ng mga lalaki. Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo pababa sa mataas na hagdan. Hanggang sa makarating siya sa ibaba at makalabas sa pintuan ng fire exit. Nagulat pa ang mga taong nasa lobby nang makita ang kaniyang postura. Hinihingal, gulong-gulo ang buhok at naka-boxers lamang. “Sebas!” Bigla siyang napahinto at napapikit ng mariin nang marinig niya ang boses ng isang babae. “Damn it! Don’t tell me isa na naman sa naka-one night stand ko kagabi ang babaeng ito?” “Sebas! Oh, my God! You’re naked. What happened to you?” Nang makilala niya ang boses ng babae, ‘tsaka siya lumingon dito. And there she is... it’s Sakura. “Hey!” nagmamadali siyang lumapit sa dalaga. Sinuyod naman siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Nagsalubong ang mga kilay nito. “My God! You’re naked!” bulalas nitong muli. “I’m not totally naked, baby. Come here.” Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at walang paalam na hinila ito. “Ano ang nangyari sa ’yo bakit—” “Hoy! Ayon siya!” “Run!” bigla siyang napatakbo nang makitang nasa lobby na rin ang mga lalaking humahabol sa kaniya. At dahil hawak-hawak niya ang kamay ni Sakura, napatakbo na rin ang dalaga kasabay niya. “Bakit tayo tumatakbo?” tanong ni Sakura nang makalabas na sila sa entrance ng building. “Because... if we don’t run, they will kill us.” “Us? What? Ano na naman ba ang ginawa mong kalokohan?” “Where is your car?” sa halip ay tanong niya rito. “My God, Sebastien!” tanging nasambit na lamang ng dalaga nang nasa tapat na sila ng isang kotse. “Sakay!” Kaagad niyang binuksan ang front seat at sumakay siya roon habang sa drivers seat naman sumakay ang dalaga at ito na ang nagmaneho ng kotse nito. “MAGDAMIT ka na nga muna.” Anang Sakura ’tsaka ibinigay kay Sebas ang malaking jacket niya. Sa totoo lang kasi ay kanina pa siya naiilang sa hitsura nito. Kung hindi niya ito bibigyan ng damit, malamang na hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili na rape-in ito. Diyos na mahabagin! “Thank you.” Nakangiti pa ito sa kaniya at sa harapan na niya mismo isinuot ang jacket. Mabuti na lamang at may mga oversize jacket siya kaya nagkasiya iyon sa binata. Nasa bahay na niya sila ngayon. Doon niya muna dinala ang binata dahil ang sabi nito ay hindi ito puwedeng umuwi agad sa Bulacan na ganoon ang hitsura. Of course masaya siyang dalhin sa bahay niya ang lalaking iniirog niya. This is one of her dreams. And finally, natupad na rin. “Nasa kitchen lang ako at magluluto ng pagkain. Sumunod ka na lang pagkatapos mo,” sabi niya ’tsaka walang paalam na lumabas na sa kaniyang kwarto at bumaba sa kusina. Kaagad siyang nag-asikaso ng maluluto niya. Pinili na niyang lutuin ang madaling maluto para makakain agad ang kaniyang bisita. Alam niya kasing puro alak na naman ito sa nagdaang gabi. At alam niyang babae na naman ang dahilan kung bakit ito hinahabol ng kalalakihan kanina. Oh, kilala na niya si Sebas. Sa tagal na nilang magkakila, alam na alam na niya ang ugali nito. Kilalang-kilala na niya ito. Bakit ba kasi hindi na lamang siya ang gawing girlfriend nito para hindi na ito laging nagkakaroon ng problema sa mga nakaka-one night stand nito? Or kahit friends with benefits na lang sila, para lang hindi na ito tumatakas sa mga babae nito kinaumagahan. Hay! At kailan naman kaya mangyayari ang mga ilusyon niyang iyon? Ginawa na nga niya ang lahat para lang magustohan siya ni Sebas, pero wala pa rin. Siya na lamang ata ang babaeng hindi nito pinapatulan. Well, he doesn’t like her, iyon ang sabi ni Sebas sa kaniya dati pa. Hindi raw ito papatol sa kaniya dahil masiyado siyang bata para dito. God, six years lang naman ang age gap nila, a! So, what’s the problem with that? Age is just a number. Marami ngang mga couple na mas malalaki pa ang age gap, pero okay lang naman sa kanila. Kagaya nina Vic Sotto at Pauleen Luna, sina Heart Evangelista at Chez Escudero at marami pang iba. “What are you cooking?” Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang marinig niya ang boses nito. “Ano ang gusto mo sa itlog mo?” sa halip ay balik na tanong niya. Bigla namang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Sebas. “It depends. Minsan gusto kong himasin. Minsan naman gusto kong kamutin—” “Damn it, Sebas! Kaya ka kinakarma, e!” Inis na sabi niya at matalim na titig ang muling ipinukol niya rito. Tumawa naman ang binata at pumuwesto na sa tapat ng lamesa. Kinuha nito ang news paper na binili niya kanina. “Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa itlog ko.” Sabi nito. Bumuntong-hininga siya at inirapan ito. “Gusto mo durugin ko ang itlog mo ng sa gayo’n ay wala ng may makinabang diyan?!” “Oh, don’t be too brural, baby. Many women go crazy over my eggs. Masarap daw ito—” “Eww, Sebas! Ang bastos mo talaga kahit kailan.” Naiinis na sabi niya at ibinato niya rito ang egg shell na hawak niya. Tumawa lamang ng malakas ang binata. Napailing na lamang siya dahil sa kalokohan ng irog niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD