CHAPTER 3

2534 Words
“MAY ginawa ka na naman bang kalokohan Ezio Sebastien kaya ka inihatid dito ni Sakura?” Seryoso ang mukha ng kaniyang ina nang umupo siya sa isang silya na nasa hapag. Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay at tiningnan ang ina. “What? Of course not, mom,” sabi niya. “Ano naman po ang gagawin kong kalokohan e, alam n’yo naman pong sa lahat ng anak ninyo ni papa, ako ang pinakamabait.” Nakangiti pang dagdag niya ’tsaka nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya. Bahagyang naningkit ang mga mata ng Doña Cattleya habang tinititigan ng seryoso ang anak. Oh, kilala nito ang bawat ugali ng anak. At sigurado ang doña na sa lahat ng anak nito, itong si Sebas talaga ang maloko, palikero at palaging may kalokohan sa mga babae. Kaya nga hindi na ito nagtataka kung madalas ay may mga babaeng sumusugod sa bahay nila at hinahanap itong si Sebas. “Mom, please don’t give me that kind of look. Para naman pong wala kayong tiwala sa akin.” “Pagdating sa mga kalokohan mo, wala talaga akong tiwala sa ’yong bata ka!” Pagalit na sabi nito. Tumawa naman siya ng pagak. “Kailan ka ba magtitino huh? Nako, anak alam mo namang hindi laruan ang mga babae at—” “Mom, we are eating. Can we please stop talking about those girls?” putol niya sa iba pa sanang sasabihin ng kaniyang ina. Alam na niya kung saan na naman papunta itong usapan nila. At alam na rin niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinauwi sa kanila para makausap siya. “At kailan naman natin pag-uusapan ito? Ni hindi ka nga naglalagi rito sa bahay. Minsan ka na lang namin makausap ng papa mo.” “What is that noise?” Napalingon siya sa may pinto ng kusina nang marinig nila mula roon ang boses ng kaniyang papa. Kararating lamang nito galing sa lakad nito kanina. “Nandito ka na pala, hon.” Anang doña sa asawa. Bago umupo sa kabisera ay hinalikan muna ng Señor Salvador sa pisngi ang asawa. “Mabuti naman at umuwi ka rito ngayon!” Anito at tinapunan ng tingin ang anak. “Nako, inihatid lang ’yan dito ni Sakura. I’m sure may ginawa na naman ’yang kalokohan.” “Mom, I told you po, wala akong ginawang kalokohan kaya inihatid ako rito ni Sakura,” sabi niya habang nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang pagkain. “Nagkita kami kanina ni Sakura sa condo ko. Sakto namang nasa talyer ang kotse ko kaya po nakiusap ako sa kaniya na kung puwede ay ihatid na lang niya ako papunta rito dahil natatamad akong mag-commute.” Pagdadahilan pa niya. “Nako, it’s your excuses again.” Oh, damn! Hindi talaga siya makakapagsinungaling sa magaling niyang ina. Kahit hindi niya aminin ang kalokohan niya, alam pa rin nito ang totoo. Tama nga ang kasabihang, trust your mother’s instinct. “Hayaan mo na ’yang anak mo, hon. Hindi na bata ’yan.” Napangiti naman siya nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang papa. “Kaya hindi nagtitino ’yang anak mo kasi lagi mong kinakampihan, Salvador.” “Hindi ko kinakampihan ang anak mo. Ang ibig ko lang sabihin ay pabayaan na lang natin ang mga anak natin kung ano ang gusto nilang gawin. Malalaki na sila. Nasa tamang edad at pag-iisip na silang lahat. At alam naman natin na hindi sila gagawa ng masama o ikasasama at ikapapahamak nila. And besides, alam naman nila, lalo na itong si Sebas, oras na gumawa ito ng kalokohan o hindi kaya ay nagkaroon ito ng bastardong anak, hinding-hindi na ito makakatuntong dito sa pamamahay ko. He knows my rule kaya huwag ka ng mag-alala, hon.” Halos masamid pa siya dahil sa huling mga sinabi ng kaniyang papa. Well, kaya nga maingat siya kapag nakikipag-one night stand siya sa random girls, dahil ayaw niyang magkaroon siya ng bastardong anak. Damn, maloko siya sa mga babae, pero mabuti rin naman siyang anak sa mga magulang nila. May takot siya sa mga ito. Kapag hindi niya nasunod ang rule ng kaniyang papa, hindi lamang siya maba-ban sa mansion nila kun’di tatanggalan pa siya nito ng karapatan na gamitin ang apelidong Ildefonso. Of course, hindi naman siya papayag na mangyari iyon. “Bakit kasi hindi ka na lang mag-asawa anak para mabigyan mo na kami ng papa mo ng apo?” mayamaya ay sabi ng kaniyang ina. “At para hindi ka na rin makulitan sa akin.” Alright... here we go again. About the marriage and baby again. Sa isip-isip niya. Oh, sinasabi niya na nga ba, e! Ito na naman ang bubuksang usapan ng kaniyang ina. He is always the target of his mother regarding marriage. Why isn’t his brother Gawen the only one? Si Uran naman ay naikasal na sa hipag niyang si Sirak kaya ligtas na ito sa pangungulit ng kanilang mama. His mother had been nagging him about this issue since he was twenty-eight. And what does he always do whenever his mother brings up that topic? He always tries to reason out with her. “Mom, you know that I still don’t have any plans to settle down. I’m just thirty-two years old. I’m still enjoying my bachelorhood. Let’s not talk about it right now.” “And when are we going to talk about it? When your dad and I are old?” “No,” umiling pa siya. “I mean, not now. Maybe... when I’m forty years old.” Hindi niya napigilan ang mapangiti kaya mas lalong nainis sa kaniya ang kaniyang ina. “Ginagawa mo lang lagi na kalokohan ang usaping ito Ezio Sebastien.” Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang ina nang muli siya nitong tawagin sa totoo niyang pangalan. Alright, alam niyang seryoso ngayon ang kaniyang ina, pero hindi niya puwedeng sakyan ang mga sinasabi nito sa kaniya. They are talking about marriage, sweet Jesus! Mabuti sana kung isang simpleng kahilingan lamang ang hinihingi sa kaniya ng kaniyang ina ay maaari niya itong mapagbigyan. Kahit ura-urada pa ay gagawin niya. But for Christ’s sake, hindi siya puwedeng basta na lamang um-oo rito at pumili ito ng babaeng gusto nitong ipakasal sa kaniya. He has plan on getting married, but not now. Maybe soon. For now, okay na muna sa kaniya na maki-baby sa anak ng kapatid o mga pinsan niya. Hindi pa siya handa na magkaroon ng asawa, ng pamilya at lalo na ng anak. Sigurado siya, kapag napilitan lamang siyang gawin ang responsibilidad na iyon, hindi magiging maganda ang karanasan niya maging ng babaeng magiging kapareha niya. “Mom, I’m serious.” Aniya nang tapunan niya ulit ng tingin ang ina maging ang kaniyang ama. “Hayaan n’yo na lang po ako kung kailan ako lalagay sa tahimik. I promise, just like Uran and Octavio, Esrael and Judas... I can also give you a daughter in law and a grandchildren. But not now.” Pagbibigay niya ng assurance sa kaniyang ina para lamang tantanan na siya nito sa pangungulit. “Just make sure na malakas pa kami ng mama mo kapag nag-asawa at nagkaroon ka na ng anak. Dahil kung hindi, babawiin ko lahat ng ipinamana ko sa ‘yo.” “Dad...” “I’m serious hijo.” Ipinagpalipat-lipat na lamang niya ang kaniyang paningin sa kaniyang magulang pagkuwa’y tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain niya. MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sakura sa ere nang pagkapasok niya sa bar ni Judas ay kaagad na nahagip ng kaniyang mga mata ang pigura ni Sebas na nasa counter. Nakatungo ito habang may hawak-hawak na bote ng alak. Naglakad siya palapit dito. “Ihahatid ba ulit kita pauwi sa inyo?” tanong niya nang makalapit na siya sa puwesto nito. Bigla namang nag-angat ng mukha ang binata at nilingon siya. Bahagyang nangunot ang noo nito at namumungay ang mga matang tinitigan siya. “What are you doing here?” tanong nito at muling dinala sa bibig ang bote na hawak nito at uminom doon. Muli namang napabuntong-hininga si Sakura ’tsaka siya pumuwesto sa isang high stool na nasa tabi nito. “I thought you need a driver para ihatid ka ulit pauwi.” Aniya. “I’m not drunk,” sabi nito at umiling. “Tinawagan ako ni Judas kanina at ang sabi niya ihatid daw kita pauwi dahil lasing ka na. Kanina ka pa raw dito.” “I’m not drunk. Go on, umuwi ka na. I can drive myself home.” “One Tequila Sunrise, please.” Sa halip ay saad niya sa bartender. It’s already ten in the evening. Patulog na sana siya kanina nang makatanggap siya ng tawag mula kay Judas. Sinabi ng lalaki sa kaniya na sunduin niya itong si Sebas kasi kanina pa raw ito naglalasing. Mukhang may problema ata ito ngayon. Muling lumingon sa kaniya si Sebas. “Iinom ka?” “Kung hindi ka magpapahatid sa akin pauwi sa condo mo, sasamahan na lang kitang mag-inom dito,” sabi niya. Hindi naman umimik si Sebas. At mayamaya lang ay lumapit sa kanila ang bartender. “Here’s your order, Ma’am Sakura.” “Thank you!” nakangiti pang sabi niya sa lalaki at kaagad na dinala sa bibig niya ang straw upang tikman ang alak. Buntong-hiningang umiling naman si Sebas ’tsaka inisang lagok ang natitirang alak sa boteng hawak nito, pagkatapos ay tumayo ito sa puwesto nito kahit bahagya na itong may tama dahil sa dami na ng alak na nainom nito simula pa kanina. “Hey, where are you going?” tarantang tanong niya at napatayo na rin sa kaniyang puwesto upang sundan ang binata. “Hindi ba puwedeng ubusin ko muna ang alak ko bago kita ihatid sa condo mo?” “I told you, I can drive myself home, Sakura. Balikan mo na lang ang alak mo kung gusto mo.” “Pero gusto kitang ihatid pauwi.” Hindi naman siya sinagot ng binata, sa halip ay nagtuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa makalabas sila sa bar na pag-aari ni Judas. Nakasunod lamang siya rito at tinitingnan niya ang bawat paghakbang nito. Nakahanda siyang saluhin ang binata kung sakali mang matumba ito dahil sa kalasingan nito. Mayamaya ay huminto sa paglalakad si Sebas at nagpalinga-linga na tila ba may hinahanap sa paligid. “Where is my car?” tanong nito pagkuwa’y nilingon siya. “D-did... did you see my car?” Umiling naman siya kasabay nang pagkibit-balikat niya at naglakad palapit dito. “I know I parked my car in this spot.” Itinuro pa nito ang space ng parking lot na nasa harapan nito. “Baka ninakaw na!” “What?” “Sabi ko, halika at ihahatid na lang kita. Bukas mo na lang hanapin ang sasakyan mo.” Aniya at kaagad na ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ni Sebas upang alalayan na itong maglakad papunta sa kotse niya. “I said I can drive myself home, Sakura.” Basag na rin ang boses nito dala sa kalasingan. Ngunit hindi niya ito pinakinggan, sa halip ay binuksan niya ang pinto sa front seat ng kaniyang sasakyan at inalalayan itong makasakay roon. Nang masigurong okay na sa puwesto nito ang binata ay nagmamadali na rin siyang umikot papunta sa driver’s seat at sumakay roon. Agad niyang binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan at pinaandar iyon. Mabuti na lamang at hindi na nangulit sa kaniya si Sebas. Sa halip ay ipinikit nito ang mga mata habang nakasandal sa gilid ng pinto. Ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa condominium kung saan nakatira si Sebas. Kahit nahihirapan siyang alalayan ang binata dahil sa malaki at mabigat nitong katawan, tiniis niya iyon hanggang sa makarating sila sa unit nito. Maingat niyang inihiga sa kama ang binata nang makapasok sila sa silid nito. “Grabe, ang bigat-bigat mo! Naubos ang lakas ko dahil sa ’yo.” Aniya habang nakapamaywang siyang nakatayo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang natutulog na binata. Ilang minutong pinagsawa niya ang kaniyang mga mata sa pagtitig dito bago siya lumabas sa silid upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Pupunasan niya muna ito bago siya umalis para naman maging presko ang pagtulog nito. Nang makabalik siya sa silid, ipinatong niya sa bedside table ang maliit na palangganang bitbit niya ’tsaka siya umupo sa gilid ng kama at sinimulang punasan ang binata. Nakangiti pa siya ng matamis habang mataman siyang nakatitig sa mukha ni Sebas. “Oh, napakaguwapo mo talaga, Ai. Kailan kaya kita makukuha?” bulong na tanong niya rito habang masuyo niyang pinupunasan ang noo at pisngi nito. “Kung bakit kasi ayaw mo sa akin? Maganda rin naman ako. Sexy. Matalino. Edad lang naman ang may problema sa atin, I mean, ang edad ko lang naman ang problema mo.” Bumuntong-hininga siya at itinigil ang ginagawang pagpunas ng towel sa mukha nito. Sa halip ay hinaplos ng hinlalaki niya ang mamula-mula nitong mga labi. “Matagal ko na ring pangarap na mahalikan itong mga labi mo.” Napangiti pa siya ng malapad. Oh, ang lambot ng labi ni Sebas. At nararamdaman niya ang mainit nitong paghinga na tumatama sa daliri niya. Mayamaya ay saglit siyang natigilan at napatitig sa nakapikit na mga mata nito. “Hindi mo naman malalaman bukas kung hahalikan kita ngayon, e!” aniya at mas lalong napangiti dahil sa naiisip niyang kalokohan. Oh, ito na ang chance niya para matikman ang halik ng irog niya. Napatitig siya ulit sa mapupula nitong mga labi pagkatapos ay napalunok siya ng kaniyang laway. Ilang segundo lang ang lumipas ay dahan-dahan siyang yumuko palapit sa mukha ni Sebas. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay napapikit na siya nang mariin. Halos kapusin pa siya ng paghinga niya nang sa wakas ay naramdaman na ng mga labi niya ang mainit at malambot na mga labi ni Sebas. Pakiramdaman niya, biglang tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Hindi siya makakilos sa kaniyang puwesto. Ilang sandali lang ay naramdaman din niyang gumalaw ang mga labi ni Sebas. Nagmulat siya, at ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita niyang gising na pala ito. Akma na sana niyang iaangat ang kaniyang ulo upang lumayo rito, ngunit mabilis namang nahawakan ni Sebas ang kaniyang batok at inangking muli ang kaniyang mga labi. Gulat man siya sa ginawa ng binata, wala siyang nagawa kun’di ang mapapikit ulit nang mariin. Ang kamay niyang nakatukod sa gilid ng ulo ni Sebas ay napahigpit ang pagkakahawak sa kubre kama. Mayamaya lamang din ay mas lalo siyang nagulat nang ipulupot ni Sebas sa baywang niya ang isang braso nito at gumulong ito upang magkapalit sila ng puwesto. Ngayon, si Sebas naman ang nasa ibabaw niya. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata upang tingnan ito. And she saw him staring intently at her. Siyang naging dahilan upang biglang mag regodon ang kaniyang puso. Oh, ano ang kaniyang gagawin ngayon? Malamang na magalit sa kaniya si Sebas dahil sa kaniyang ginawa rito! “I... um, I’m—” “Damn it!” usal ni Sebas at walang sabi-sabi na muling sinunggaban ang kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD