CHAPTER 31

2165 Words

“SAKURA!” Bigla siyang napatingin sa babaeng tumawag sa pangalan niya. Nang makita niya si Gracia habang naglalakad ito sa labas ng hotel at kasama ang asawang si Octavio, biglang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya at mabilis na binitawan ang kamay ni Sebas at nagmamadali siyang lumapit sa kaibigan. “Gracia! Oh, my God!” aniya at niyakap ito pagkatapos ay nagpalitan sila ng halik sa pisngi. “How are you? Kanina pa ba kayo rito?” “Ito, okay lang naman,” nakangiting sagot nito. “Kaninang umaga pa kami rito. Sumabay na kami kay Papa Demetrio. Ngayon lang ba kayo dumating ni Sebas?” tanong din nito sa kaniya. “Yeah, kakarating lang namin,” aniya. “Hi, Octavio!” “Hi, Sakura.” Hinalikan din siya ni Octavio sa kaniyang pisngi pagkatapos ay nakipag-fist bump din ito kay Sebas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD