“ARE you two fighting?”
Bahagyang nahigit ni Sakura ang kaniyang paghinga habang nakatitig siya sa direksyon ng ina ni Sebas. Yeah, his mother was in his office. At dahil doon ay hindi niya maiwasang mag-alala ng labis. Malamang na narinig ng ginang ang mga sinabi niya kanina kay Sebas.
“T-tita!” Nauutal pang sambit niya.
“Mom!” Kunot ang noo na sambit din ni Sebas habang nakatingin ito sa ina.
Mayamaya ay napalingon si Sakura sa binata. Mas lalo siyang kinabahan nang makita niya ang muling pag-igting ng panga nito at nang lumingon din ito sa kaniya. Mabilis agad siyang nag-iwas ng tingin dito.
“Ano ang ibig sabihin ng mga narinig ko?” Muling tanong ng ginang ’tsaka ito tumayo sa puwesto nito.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina ni Sebas. Dapat ba niyang sagutin ang katanungan nito, o hahayaan na lamang niyang ang binata na ang mismong sumagot sa ina nito?
“Sebas?” Anang Doña Cattleya habang magkasalubong ang mga kilay na tinitigan ang anak. “Sakura?”
“Um, t-tita...” damn. Mas lalo siyang kinabahan.
“What are you doing here, mom?” tanong ni Sebas sa ina.
“Answer my question first,” wika naman nito. “Ano ang ibig sabihin ng mga narinig kong sinabi ni Sakura kanina?”
“It’s...” napatikhim pa ito. “It’s nothing, mom.”
Muling nakagat ni Sakura ang pang-ilalim niyang labi kasabay nang pagyuko niya ng kaniyang ulo dahil sa mga sinabi ni Sebas. Oh, God! Ilang ulit pa ba siyang sasaktan ng mga katagang binibitawan ng binata?
“Malinaw kong narinig ang mga sinabi ni Sakura sa ’yo kanina, Ezio Sebastien.” Anang ginang. “Ginalaw mo ba si Sakura?”
“Mom—”
“Ginalaw mo ba si Sakura?” Mariing ulit na tanong nito sa anak.
Habang nakayuko pa rin ay mariing naipikit niya ang kaniyang mga mata lalo pa at nahimigan niya ang galit sa boses ng ginang. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa sling ng kaniyang bag. Mayamaya ay narinig niyang nagpakawala nang malalim na paghinga si Sebas na isang hakbang lang ang layo mula sa kaniya.
“I... I was drunk that night, mom—”
“Oh, Sebastien!” Tanging nasambit ng ginang.
Nagtaas siya ulit ng mukha upang tingnan ito. And she saw in her face how disappointed she was at this moment.
Sapo ang dibdib ay napaupong muli ang Doña Cattleya sa sofa at sunod-sunod na nagpakawala nang malalim na paghinga. Hindi malaman ni Sakura kung ano ang dapat niyang gawin sa mga sandaling iyon. She wanted to approach Sebas’ mother, pero nahihiya siyang lumapit dito ngayon. Holy! Pakiramdam niya tuloy ngayon ay labis siyang nagkasala sa ginang dahil sa nangyari sa kanila ng binata.
“Mom,”
“Give me water.” Anito.
Kaagad namang tumalima si Sebas. Naglakad ito palapit sa mini refrigerator na nasa sulok ng opisina nito at kumuha roon ng bottled water at nilapitan ang ina.
Pagkatapos uminom ng ginang, kaagad nitong binalingan ng tingin ang anak. “What did you do, Sebastien?” pagalit na tanong nito.
“Mom, I told you, I was drunk—”
“Hindi ’yan ang tamang sagot na puwede mong ibigay sa akin, Sebastien.” Anito upang putulin sa pagsasalita ang anak. “Oh, Diyos ko! Ano na lamang ang sasabihin nina Itsuki at Helen sa amin ng papa mo? Binigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin sa pamilyang Yamanagi, Sebastien! Alam mo kung gaano kamatalik na magkaibigan ang papa mo at si Itsuki. And Sakura, she’s not even your girlfriend. Bakit mo naman ginawa ’yon sa kaniya? Ang dami-dami mong babae, bakit isinama mo pa sa koleksyon mo ang batang ’yan?” Bakas pa rin sa mukha nito ang labis na pagkadismaya sa nagawang kasalanan ng anak.
Bumuntong-hininga si Sebas at napahagod sa batok at leeg nito. “I was drunk, mom,” sabi nito, “Hindi ko naman po ginustong may mangyari sa amin ni Sakura.”
“That’s not an excuse, Diyos kong bata ka! Kesyo lasing ka o hindi, hindi mo pa rin dapat ginawa iyon kay Sakura. Sigurado akong magagalit nang husto sa ’yo ang papa mo kapag malaman niya ang tungkol dito.”
“T-tita,” nang muli niyang tapunan ng tingin ang mag-ina. Humakbang siya ng dalawang beses palapit sa mga ito. “Um, h-huwag n’yo na lang po sabihin kay Tito Salvador at kay mama at papa ang... ang tungkol po sa nalaman ninyo ngayon.” Aniya at saglit niya ring tinitigan si Sebas na seryoso ang hitsura habang nakatingin din sa kaniya. Oh, malamang na mas lalo pa itong magalit sa kaniya ngayong nalaman ng ina nito ang tungkol sa nangyari sa kanila no’ng isang gabi. “H-hindi naman po kasalanan ni Sebas, e! I... I mean, it’s my fault po, tita.” Kagat ang pang-ilalim na labi ay bahagya niyang iniiwas ang tingin sa mag-ina. Hindi niya maatim na titigan ang ginang dahil sa mga nalaman nito ngayon. “H-huwag po kayong magalit kay Sebas. Wala naman po siyang kasalanan at... h-hindi niya naman po ako kailangang panagutan—”
“Of course not, Sakura, hija.” Anito. “Ginalaw ka ng anak ko so that mean, he needs to take the responsibility.”
“Mom—”
“Huwag kang magsasalita, hindi kita binibigyan ng permisong magsalita ngayon.” Galit na saad nito sa anak.
Tiim-bagang na napatikom na lamang si Sebas sa bibig nito kasabay nang pagpapakawala nitong muli nang malalim na paghinga. Pabagsak din itong sumandal sa sofa at iritadong ginulo ang buhok.
“Tita, h-hindi naman po kailangang—”
“Kailangan kang panagutan ni Sebas dahil nakagawa siya ng kasalanan sa ’yo, Sakura.” Anito at hindi siya binigyan ng pagkakataong tapusin ang gusto niyang sabihin. “Hindi puwedeng bale-walain lamang niya ang nagawa niya sa ’yo. Malaking responsibilidad ang nagawa ng batang ito sa ’yo. Paano na lamang kung... mabuntis ka? Oh, patawarin ako ng Diyos dahil sa kalokohan ng batang ito!” Tila nanlulumong sambit nito at muling napahawak sa tapat ng dibdib nito.
Holy, lordy!
Paano nga kaya kung mabuntis siya dahil sa isang gabing iyon? Dahil sa huling mga sinabi ng Doña Cattleya, hindi niya tuloy mapigilan ang sarili niya na mag-isip ng kung anu-ano! Mas lalo siyang nabahala.
Muli na lamang siyang napayuko dahil hindi niya kayang tingnan ngayon ang galit na hitsura ni Sebas. Malamang na mas lalong nagpupuyos ang galit nito ngayon sa kaniya. Damn! Hindi naman niya akalaing naroon din pala sa opisina ng binata ang ina nito. But, sa kabilang banda ay bahagya siyang nakadama ng tuwa dahil sa mga nangyari ngayon, dahil sa sinabi ng ginang. That means, puwedeng maging sila ni Sebas kapag pinanagutan siya nito?
“Kailangan makausap namin ng Tito Salvador mo ang mga magulang mo, hija.” Anang Doña Cattleya at tumayo na sa puwesto nito.
Mayamaya ay wala na silang nagawa ni Sebas nang lisanin ng ginang ang silid na iyon at naiwan silang dalawa ng binata.
Nang tapunan niya ng tingin si Sebas, mababakas pa rin sa mukha nito ang labis na galit sa kaniya.
Nagtiim-bagang lamang ito ’tsaka siya tinalikuran at lumabas din ito sa opisina nito.
Laglag ang mga balikat na napaupo na lamang siya sa single couch na naroon sa tabi niya at malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere.
“HEY, ANG AGA mo namang maglasing!”
Nilingon ni Sebas ang lalaking nagsalita sa tabi niya. It was his cousin, Abraham.
“One cognac, please!” Anang binata sa bartender na kaagad din namang tumalima. Nilingon siya nito nang makaupo na ito sa high chair na nasa tabi niya. “Any problem?” tanong pa nito.
“What are you doing here? Kailan ka pa dumating?” Sa halip ay balik na tanong niya rito.
“Kararating ko lang kaninang hapon galing Berlin.”
“Why? Is there a problem?”
“Nothing. Just... a vacation,” sabi nito. “What are you doing here? Bakit ang aga mo atang maglasing? Any problem with your love life?” pabirong tanong pa nito sa kaniya.
Natawa naman siya ng pagak at umiling pagkatapos ay dinala niya sa kaniyang bibig ang rock glass na hawak niya at sumimsim ng alak doon. “Loko! Alam mo namang wala sa dictionary natin ang love life.” Aniya.
“Oh, come on! Don’t tell me hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasagot si Sakura? Nagpapakipot ka pa rin ba sa kaniya?” natatawang tanong ulit ni Abraham.
Dahil doon, biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya at muling naging seryoso ang mukha niya. Damn it! Hanggang ngayon ay ayaw pa ring mawala sa isipan niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina kanina roon sa opisina niya. Iyon nga ang dahilan kung bakit nag-iinom na naman siya ngayon. Hindi niya matanggap na kailangan niyang panagutan si Sakura. Pero mas lalong hindi niya maaatim na suwayin at magalit sa kaniya ang magulang niya. Alam niya sa mga sandaling ito na alam na ng papa niya ang kalokohang nagawa niya kay Sakura. At sigurado siyang galit na galit na ito ngayon.
Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at inisang lagok ang natitirang alak sa baso niya.
“Birthday ni mama next week, hindi ka ba pupunta?” tanong niya kay Abraham upang ibahin ang usapan nila.
“That’s one of the reason why I came home early. Alam mo naman na paborito ako ni Tita Cattleya kaya hindi puwedeng hindi ako dadalo sa birthday niya.” Nakangiting turan pa sa kaniya ni Abraham.
Well, that’s true. Sa limang pinsan niya, si Abraham talaga ang pinakapaborito ng kanilang mama kahit noong mga bata pa lamang sila. Kaya hindi na rin siya nagtataka kung spoiled ang mama niya minsan kay Abraham.
“Hindi ba uuwi si Alihan?”
“He was in Brazil right now. May tinatapos na trabaho.”
Tumango na lamang siya bilang sagot sa sinabi ng kaniyang pinsan.
“Here’s your drink, señorito!” Anang bartender nang maibigay kay Abraham ang isang rock glass.
“Thank you!” Kaagad itong sumimsim doon. “Hey, look at that girlfriend over there.”
Kunot ang noo na nilingon saglit ni Sebas si Abraham pagkatapos ay sinundan niya ang tinitingnan nito. Isang magandang babae ang nakita niya na nasa dulo ng bar counter.
“Not my type,” sabi niya.
“What?” tumawa ng pagak si Abraham at tinapik pa ang kaniyang balikat. “Bro, kailan ka pa umayaw sa isang babae? Hindi nga ba’t lahat naman ay type mo basta maputi at sexy?”
Nakangiting umiling naman siya at muling dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang basong hawak niya. Damn, sa sitwasyon niya ngayon? Wala siya sa mood para mangbabae at makipaglandian sa kahit sino. Okupado ang isipan niya sa problema nila ni Sakura kaya pass na muna siya sa kalokohan niya ngayon.
“Ayaw mo?”
“If you want, ikaw na ang dumeskarte roon!” Aniya.
“Alright.” Anang Abraham at walang pagdadalawang-isip na umalis sa puwesto nito at naglakad palapit sa babaeng nasa dulo ng bar counter.
Hinayaan na lamang niya ang kaniyang pinsan na kausapin ang babae. Nang matapos niyang inumin ang natitirang laman ng kaniyang baso ay tumayo na rin siya sa kaniyang puwesto at walang paalam na lumabas sa bar ni Judas. Kaagad niyang tinungo ang kaniyang sasakyan at tahimik na nagmaneho hanggang sa makarating siya sa Bulacan. Wala sana siyang balak na umuwi roon dahil ano’ng oras na rin, pero pinilit pa rin niyang magmaneho pauwi sa kanila kasi sigurado siyang bukas ng umaga ay tatawagan din siya ng kaniyang papa upang pauwiin doon.
Tahimik na ang buong mansion nang makarating siya. Nang makapanhik sa kaniyang silid ay kaagad siyang naligo at pagkatapos ay natulog na rin.
Nagising lamang siya kinabukasan nang makarinig siya nang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kaniyang silid. Sa klase ng katok na ’yon, sigurado siyang galit ang taong naroon sa labas ng kaniyang kwarto.
Inaantok pa man at tinatamad na bumangon sa kaniyang kama ay napilitan na rin siyang tumayo upang pagbuksan ang taong isturbo sa masarap niyang tulog.
“Fix yourself and go to my office. We need to talk.”
Ang galit na mukha at boses ng kaniyang ama ang biglang bumungad sa kaniya nang mabuksan niya ang pinto ng kaniyang silid.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere kasabay nang paghagod niya sa magulo niyang buhok.
“Did you hear what I said, young man?”
“Yes, pa!” Sagot niya bago pa tumalikod ang kaniyang ama.
“Huwag mo ng paghintayin ang papa mo sa opisina niya kung ayaw mong mas lalo siyang magalit sa ’yo.” Seryosong saad din sa kaniya ng kaniyang ina.
Nang mawala sa harapan niya ang mga magulang ay muli siyang napabuntong-hininga ’tsaka isinarado ang pinto ng kaniyang silid.