Rina Cortez POV
Mabigat ang mga paa ko habang naglalakad sa hallway ng Business Administration building. Katatapos lang ng quiz namin sa Management Control at pakiramdam ko, pigang-piga na ang utak ko. Pero hindi lang ’yun ang dahilan kung bakit ako hindi makalingon nang maayos. Ang totoo, bawat hakbang ko, ramdam ko ang lamig ng hangin sa ilalim ng palda ko.
Sino ba naman ang hindi kakabahan? Utos ni Professor Gabriel Villareal na pumasok ako ngayong araw na walang suot na kahit anong underwear.
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko napansin na maluwag na pala ang pagkakahawak ko sa mga libro at folder ko.
Blag!
“Ay, kabayo!” napasigaw ako nang kumalat ang mga gamit ko sa sahig.
“Rina! Ako na, hayaan mo na,” mabilis na lumapit si Mark at agad na lumuhod para tulungan akong magpulot.
“Salamat, Mark. Pero okay lang talaga, kaya ko na ’to,” pilit kong ngiti sa kanya. Medyo nailang ako kasi ang ikli ng palda ko at mahirap yumuko sa sitwasyon ko ngayon.
“Sus, huwag ka nang mahiya. Halatang sabog ka na sa quiz kanina, eh,” tumawa siya nang mahina habang inaayos ang mga folder ko. “Nga pala, may bagong cafe sa tapat ng school. Baka gusto mong mag-coffee after class? Treat ko, pambawi sa pagpapakopya mo sa akin ng notes last week.”
Tumayo si Mark at iniabot sa akin ang mga libro. Pero sa halip na bitawan agad, nanatiling nakahawak ang mga daliri niya sa palad ko.
“Ah, Mark, kasi...”
“Mr. Santiago.”
Halos lumabas ang kaluluwa ko nang marinig ko ang boses na ’yun. Malamig, baritono, at halatang galit. Paglingon ko, nandoon si Professor Gabriel. Naka-cross ang mga braso niya habang suot ang dark gray na suit na lalong nagpamukha sa kanyang dominante. Ang talim ng tingin niya sa kamay naming dalawa ni Mark.
“P-Professor Gabriel,” nauutal na bati ni Mark. Mabilis niyang binitawan ang kamay ko. “Tinulungan ko lang po si Rina, nalaglag po kasi ang mga gamit niya.”
Tumaas ang isang kilay ni Gabriel. Tumingin siya sa akin, mula sa magulo kong buhok hanggang sa dulo ng sapatos ko, bago binalingan ulit ng tingin si Mark.
“Masyado yatang matagal ang pagtulong na ’yan, Mr. Santiago. Wala ka bang susunod na klase? O baka gusto mong dagdagan ko ang gawain mo rito sa hallway?”
“Wala po, Prof. Pasensya na po,” kamot-ulong sagot ni Mark. Tumingin siya sa akin at bumulong, “Una na ako, Rina. Chat na lang tayo.”
Nang makaalis si Mark, biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ako makatingin nang diretso kay Gabriel.
“Sumunod ka sa opisina ko. Ngayon din, Ms. Cortez,” maikli niyang utos bago tumalikod.
Pagpasok na pagpasok ko sa faculty office, narinig ko agad ang pag-click ng lock ng pinto. Bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko na ang malalaki niyang kamay sa baywang ko. Isinandal niya ako sa likod ng pinto.
“Anong sabi ko sa’yo tungkol sa pakikipag-usap sa ibang lalaki rito, Rina?” bulong niya sa mismong tapat ng tenga ko.
“Nalaglag lang ang mga gamit ko, Prof... tinulungan lang niya ako.”
“Tinulungan?” Hinawakan niya ang baba ko at pilit na itinaas para magtama ang mga mata namin. “Nakita ko kung paano ka niya hawakan. At nakita ko rin kung paano mo hinayaan ang sarili mo na magpahawak sa kanya.”
“Wala lang naman ’yun, classmate ko lang naman siya.”
“Para sa’yo, classmate lang. Pero sa paningin ko, isa siyang istorbo na kailangang maturuan ng leksyon.” Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko, doon sa pwesto kung saan nakatago ang silver choker na ibinigay niya. “Nakalimutan mo na ba kung sino ang nagmamay-ari sa’yo?”
“Hindi po...”
“Mabuti. Dahil mukhang kailangan mo ng matinding paalala.” Lumayo siya nang konti at itinuro ang mahabang table sa gitna ng opisina. “Upo roon.”
“Pero may klase pa ako sa susunod na period, baka ma-late ako—”
“Wala akong pakialam sa klase mo, Rina. Mas mahalaga ang lesson natin ngayon.”
Naglakad siya papunta sa desk niya at may kinuha mula sa drawer. Isang makapal na ruler na gawa sa kahoy. Ipinatong niya iyon sa table habang nakatitig sa akin.
“Sabi ko, upo sa ibabaw ng table. Buksan mo ang laptop ko at simulan mong i-encode ang grades ng third year. At habang ginagawa mo ’yan, sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan kung bakit hindi ka dapat nagsusuot ng kahit ano sa ilalim ng palda mo kapag kasama mo ako.”
Napalunok ako. Wala akong nagawa kundi sumampa sa table. Ang lamig ng ibabaw ng desk sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat haplos ng hangin dahil sa utos niya.
Tumayo si Gabriel sa likuran ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya na dumidikit sa likod ko.
“Simulan mo na ang pag-type, Rina. At kapag nagkamali ka kahit sa isang decimal point lang... alam mo na kung ano ang kapalit.”
“Gabriel, baka may biglang pumasok...”
“Walang papasok. Ako ang may-ari ng oras mo ngayon. Mag-focus ka sa screen, at huwag kang mangangatog kahit anong maramdaman mo sa ilalim.”
Nanginginig ang mga daliri ko habang nagsisimulang mag-type sa laptop. Pero sandali lang ang katahimikan dahil naramdaman ko na ang kamay ni Gabriel na gumagapang sa hita ko, paakyat sa p**e ko na siya lang ang may permit na humawak.
“ugh! Professor...”
“Huwag kang hihinto sa pag-type, Ms. Cortez. Parusa mo ’yan dahil nagpahawak ka sa ibang lalaki kanina. Bilisan mo.”
“H-hindi ako makapag-concentrate...”
“Kailangan mong matutunan ang focus, Rina. Kahit anong gawin ko sa’yo, kailangang tapusin mo ang pinapagawa ko.”
Lalong humigpit ang hawak niya sa hita ko habang ang kabilang kamay niya ay nilalaro ang silver choker sa leeg ko. Bawat pindot ko sa keyboard, parang mas lalong nagiging imposible na hindi mapaungol.
“Mali ang na-type mo, Rina. Sabi ko sa’yo, bawal magkamali.”
“S-sorry...”
“Huwag kang hihingi ng sorry. Ipakita mo sa akin na kaya mong sumunod kahit anong hirap.”