REJI POV
Sobrang bad trip ako ngayong araw kasi bigo na akong makuha ang virginity ng girlfriend ko tapos bigla pang dumating ang stepdad ko from Canada. Kahit kaylan talaga ay ang labong kausap ng tao na yun.
Ang sakit ng ulo ko, balewala ang lahat ng pasalubong na dala niya upang mawala ang init ng ulo ko. Naiinis ako, gusto kong mag basag ng bote at sirain ang lahat ng mga gamit dito sa bahay namin. Hindi na nga ako mapakali sapagkat siya pa ang nag hatid sa girlfriend ko.
Paano kung isumbong niya ako sa magulang ni Lira? Paano kung sabihan niya yun na makipag break sa akin at takutin siya? Sa bagay, una pa lamang ay hindi na ako seryoso sa babae na yun. Si Jessy ang totoong girlfriend ko at napilitan ako na gawin ito para makapasa sa academics. Pahirapan pa nga akong pakiusap si Jessy ngunit nang takutin ko siya at ikakalat ko ang mga scandal namin ay pumayag na siya.
I just need na makapasa sa school lalo na sa English sapagkat nahihirapan ako at ayaw ko na magalit ang papa ko at tamaan ako ng bugbog pagdating niya ito. Ngunit ngayon na nalalapit na ang graduation, magpapaalam na ako sa pekeng relasyon na ito at titiyakin ko na bago ko pakawalan si Lira ay kukuhain ko muna ang kanyang virginity. Kapag hindi siya pumayag, tatakutin ko siya na mag hihiwalay kaming dalawa.
Natitiyak ko na papayag na siya this time. Bakit pa ba ako mag hihintay na ikasal ako sa kanya? Ano ako isang malaking tanga para gawin ang bagay na yan? Nasa katinuan pa ako para ipako ang sarili ko sa isang babae na hindi ko minahal. Kung hitsura lamang ang pag babasehan, di hamak na mas maganda si Jessy kaysa kay Lira.
Wala pa siya sa kalingkingan nito. At magaling pa sa kama, parati niya akong pinapaligaya kaya sobrang enjoy ako sa nangyayari sa amin. Habang tamang sukat ako ng binigay na bagong rubber shoes ng stepdad ko ay may kumatok sa pintuan.
At sino kaya ang nakatok na ito. Wala akong ideya kung sino ito. Baka si Dad na tapos nang ihatid ang girlfriend ko. Ihahanda ko na ba ang sarili ko sa isang malakas na sapat at malutong na mura? Sa sermon niyang paulit ulit? Ang malas ko rin talaga ngayong araw. Parang nais ko na lang na humilata sa kama ko eh.
Pagbukas ko ng pintuan, hindi ko nakita ang papa ko. Sa halip ay nakita ko si Jessy na naka black ang lipstick at ang sama ng titig niya. Nagtaka ako sa original girlfriend ko. Ang usapan namin ay mamaya pa kaming hapon magkikita sa mall para makapag date. Naka suot pa siya ng black dress na akala ko ay galing siya sa lamay ngunit nakaka libog ang kanyang mga braso at halos lumuwa na ang kanyang boobs na gustong gusto kong nilalamas.
"Anong ginagawa mo rito ha?"
Isang malutong na sampal ang naging sagot niya sa katanungan ko at ang sakit, napahawak ako sa pisngi ko. Inunahan niya pa ang pananakit sa akin ni Dad.
"Ano masakit ba ha? Walang wala yan sa ginawa mong pagdala rito kay Lira! How dare you do this to me ha? Pinangako mo sa akin dati na hindi mo siya hahalikan ngunit ginawa mo and now, you broke your another promise na ako lamang ang dadalhin mo rito sa loob. Ano ha!? Don't tell me na ipagpapalit mo ako sa babae na yun na mukhang paa?
Are you not bothered to kiss her f*****g lips? She is a weird girl with no friends aside from us. And now, don't tell me that you are falling in love with her? And what will happen to us huh? Are you just going to throw away our relationship after taking my virginity?"
Ang sakit sa ulo intindihin ng English ni Jessy. Alam niya naman na mahina nga ako sa ganitong lengguwahe tapos ang aga aga ay gusto niyang paduguin ang ilong ko. Pakiramdam ko ay para niya akong sinampal ulit sa pisngi ko eh.
"Ano ba? Bakit ba ini English mo ako ulit eh ang hina ko nga sa subject na yan di ba?"
"Hahaha!" mapang asar niyang tawa ngunit mas lalo pa akong nahuhulog para sa kanya. Sa katunayan ay ito ang dahilan kung bakit ko siya naging gf. "Ewan ko sayong lalaki ka, wala na tayong magagawa. Pasalamat ka at pogi ka. Anyway, nanjan ba si Lira sa loob ha?"
"Wala siya rito. Umalis na siya kanina kasama ang stepdad ko!"
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya, ganitong ganito ako noong nakita ko ang papa ko kanina.
"Ano!? Ibig sabihin ba niyan ay nahuli niya kayong dalawa?"
"Ang galing mo ha? Paano mo nalaman eh hindi ko naman sinabi sayo?"
"Kasi Reji, I am not stupid like you na walang common sense. Anyway, papasukin mo na ako sa loob at diyan na tayo mag usap!"
Tumingin ako sa loob at nakita ko ang mga kalat. Paano, tinanggal ko ang lahat ng laman ng maleta ni papa para makuha ko na ang mga pasalubong niya para sa akin.
"Ano Reji ha? Paulit ulit ba tayo rito? Papasukin mo ako sa loob o sisipain ko yang mga bayag mo para mabaog ka!"
Lumingon ako ulit kay Jessy na ang sama na ng titig sa akin.
"Darating si papa rito ulit maya maya. Sa tingin mo ba ay matutuwa siya kapag nakita ka niya ha? Sa ibang araw na laman tayo magkita please! Wala ako sa mood para makipag date. Bad trip na talaga ako eh!"
"Anong paki ko kung bad trip ka for one day? Ako nga ay araw araw nang bad trip sayo kasi nakaka suka na nakikipag relasyon ka kay Lira. That ugly b***h is no match for me at ngayon na ipinaalala mo ito, ano ang plano mo ha? Makikipag break ka ba sa kanya or I am the one breaking on you?"
Gusto ko pa talagang makuha ang virginity ni Lira. Ito na lang ang rason kung bakit nananatili pa rin ako sa relasyon at bibigyan ko ang ultimatum ang sarili ko, kaylangan ay bago mag graduation ay nakuha ko na ang inaasam asam ko sa kanya.