CHAPTER 8

1005 Words
LIRA POV "Eh ano naman babe? Mabango pa rin naman ang hininga mo ha? Sige na babe, isang kiss lang bago natin ipagpatuloy ang pagkain natin tapos ihahatid na kita sa inyo." Ang hirap maka no sa boyfriend ko. Talagang ayaw na niyang ipag mamaya ang halikan namin. Pero mas maigi na ito kaysa sa ibang babae ang kanyang halikan. Sinunggaban nga niya ako kaagad ng halik noong akmang bubwelo pa lamang ako. Gigil na gigil siya sa mga sandaling ito and it reminds us sa nangyari kagabi pero nang biglang napadpad ang kanyang kamay sa aking hita ay dinilat ko ulit ang aking mga mata at tinigil ko ang pag halik ko sa kanyang labi. "Ano ba babe? Di ba nag usap na tayo tungkol dito?" sambit ko sa kanya. "Sorry, masyado lamang akong nadala sa nangyari pero game na ulit!" Lumapit siya sa akin at nag halikan kaming dalawa. Subalit nang nagbukas ang pintuan ay nakita namin ang isang matangkad na lalaki. Mas matangkad pa siya sa boyfriend ko. Mestizo siya at maskulado ang kanyang mga muscles. Naka sando siya at very handsome din. Parang ang bata pa nga ng kanyang hitsura eh. Para akong na love at first sight ulit sa lalaking ito. Mala Daddy man ang kanyang hitsura ngunit yung tipo na may asim pa. At sino naman kaya ang lalaking ito na nakatitig din sa akin. Tila nga ay nag laho ang mga nasa paligid ko ng siya ay aking makita. Pero nawala ang pag de daydream ko sa pagsasalita ng boyfriend ko. "Dad? Akala ko ay mamaya pa kayo uuwi ha?" Tumindig ang mga balahibo ko sa kaba ng sabihin niya ito. Akala ko ba ay nasa abroad ang papa niya na susunduin niya sa airport? Ngayon, paano namin maipapaliwanag sa tatay niya ang nakita nito. Alangan naman na sabihin naming mag kaibigan lamang kaming dalawa eh naaktuhan pa kaming mag kahalikan. Lumihis ang tingin ng lalaking ito kay Reji at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Paktay na talaga, yari na kami nito! "What's the meaning of this!? Di ba ilang beses na kitang pinagsabihan na wag kang magkaroon ng gf ha? I told you, pag aaral ang atupagin mo!" "Dad... let me explain please... we are just friends..." sambit niya na nanginginig pa ang mga labi ng siya ay tingnan ko. Nako, palpak na kaagad ang sinabi nitong si Reji. Tila ay ginagawa niyang tanga ang papa niya. As if naman na maniniwala siya na mag friends kami eh nakita nga na nag halikan kaming dalawa. Mabuti sana if hindi kami nakita, ako pa mismo ang mag sasabi that we are just friends. Sobrang nahihiya ako sa papa niya. Gusto ko na nga lamang na mag laho na parang bula. Baka pati ako ay ma sermonan ng wala sa oras nito. "Tang Ina!" malutong niyang pag mumura and it reminds me doon sa sinabi ni Reji kagabi na mura ang expression nila ng pagmamahal. "Ano ka ang pinagloloko mo ha? Anong feeling mo sa akin, tanga! Nag iisip ka ba ha? Ilang buwan akong nag pakapagod sa Canada para lamang may maipadala ako sayo tapos ito ang igaganti mo!? Paano kung mabuntis mo ang babae na yan ha!" Grabe! Ang hard pala talaga mag salita ng stepdad nitong si Reji. It's no wonder kung bakit takot na takot siya rito. Though I cannot blame him if sa tingin niya ay may nangyari sa amin kasi sino ba ang hindi mag hihinala? My boyfriend doesn't talk. Sa halip ay yumuko nga lamang siya ngayon. Napaka guilty niya sa nagawa naming kasalanan sa papa niya. "Tito, trust me po, walang nangyari sa amin ni Reji and I am sorry po if naabutan niyo kami na ganito. Kasi nagkainuman lang po kami ng mga kaibigan ko at dumating si Reji. Dito niya ako dinala kasi malayo po ang bahay ko. I am his girlfriend po and my name is Lira. And this is not to brag but I am honored student po sa school namin at parati kong tinutulungan si Reji sa kanyang pag aaral. Makaka graduate na kami parehas with flying colors." Medyo hiningal ako doon pero sana ay tumalab ang mga sinabi ko sa kanya at pauwiin na niya ako. "Iha, alam ba ng mga magulang mo na may boyfriend ka ha?" tanong niya na tila ay hindi pinansin ang sinabi ko. Yun lang, na back to you ako ng wala sa oras. Napaka guilty ko kasi wala rin alam ang mga magulang ko rito pero mabuti na lamang at naka isip ako kaagad ng ibang paraan. "Yes po, ang usapan namin ni Reji ay ipapa kilala ko siya sa parents ko after ng graduation." Mas lalo pa siyang nagalit. Yung tingin nga niya ay para siyang mananapak bigla. "Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang pupusok talaga ng mga kabataan ngayon. Ang layo niyo sa kapanahunan namin. Oh siya, ang mabuti pa ay ihahatid na kita sa inyo Lira at ikaw Reji, kuhain mo ang mga maleta ko sa baba at pagod akong mag buhat." Nakaka ilang na siya pa ang mag hahatid sa akin sa bahay. Di ba pwedeng si Reji na ang mag hatid sa akin or much better na ako na lamang ang umuwing mag isa. "Pa, ako na ang mag hahatid sa gf ko," sambit ni Reji. "Mag pahinga muna kayo kasi alam ko na kulang kayo sa tulog." "No need na Reji, kaya kong umuwing mag isa," saad ko sa boyfriend ko ng lumingon ako sa kanya. "Babe, hindi pwede! Kaylangan kitang ihatid sa inyo kasi baka lasing ka pa. Just wait, iaakyat ko lamang ang mga maleta ng papa ko at tsaka kita aasikasuhin ok?" "Wag kayong makulit. Ako na nga ang ginulat niyo tapos gusto niyo pang suwain ang gusto ko? Lira, halika na at bumaba na tayo. Bilang papa ni Reji, nahihiya ako sa mga magulang mo. Kilala ko na ang anak ko na yan at alam ko kung ano ang pumapasok sa utak niya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD